Episode 14 The Memories

1943 Words
"Ellah hija, tinatanong kita, nag-usap ba kayo ng bodyguard mo tungkol sa pag-alis niya?" "Ah, opo lolo, napag-usapan na ho namin, hindi ko lang ho alam na kagabi pala siya nag resign." "Ganon ba? Pero bakit hindi kayo nagkakaintindihan? Sinusungitan mo ba? Sinabi ko naman sa'yo na ayusin mo ang pagtrato sa kanya hindi ba?" Umiling ang dalaga. "Hayaan na ho natin lolo, hindi na ho siya masaya." Napatango-tango ang matanda. Maya-maya lang may dumating. "Nandiyan na sila hija." Nakita niya ang tatlong lalaki. Malalaki ang mga ito at mukhang matatapang. Napapailing siya. "Good morning sir, madam!" sabay na bati ng tatlo at yumuko. "Good morning, boys, ang unica hija ko si Ms. Ellah." "Kamusta kayo Ms. Ellah?" sabay na namang tanong ng mga ito habang lahat nakatingin sa kanya. Pinigilan niyang matawa. Parang mga robot ang mga ito. "I'm fine." "Boys, magpakilala kayo sa amo niyo." "Ms. Ellah ako po si Bert, siya si Manuel, at si Dan." "Ikinagagalak ho namin kayong makilala Ms. Ellah," sabay na namang wika ng mga ito. Parang nag memorize ang tatlo sa sasabihin sa kanya. "Bweno, boys, alagaan niyo at ingatan ang apo ko, ipagkakatiwala ko ang nag-iisa kong unica hija sa mga kamay niyo. Umaasa akong palagi siyang ligtas, naiintindihan niyo ba?" "Opo don Jaime!" sabay na sagot ng tatlo habang nakaharap sa kanyang lolo. "O, sige na, umalis na kayo." "Thanks lolo," aniya at hinalikan ito sa pisngi. Pinagbuksan siya ng pinto pumasok siya at ang isa ay nagmaneho ang dalawa ay sa likuran nakaupo. Tahimik sila habang nagbabayahe. Tumingin siya sa labas ng bintana. Ipinilig niya ang ulo, ang lahat ay tapos na at dapat ng kalimutan. Tama nga siya, pinalaya siya nito at hindi kinaibigan dahil pagdating ng panahon ay iiwan siya nito. At ang panahong 'yon ay ngayon! Pagdating nila binuksan ng nasa likuran ang pinto at bumaba siya. Nakasunod ang tatlo sa kanya habang siya ay papasok. Nakatingin ang lahat na mga tauhan sa kanila. "Good morning Ms. Ellah." "Ms. Ellah, good morning." Huminto siya at hinarap ang mga empleyado. "Good morning, ladies and gentlemen, my new bodyguards." "Good morning sa inyong lahat," sabay na bati ng mga ito. "Good morning din sa inyo," sagot ng karamihan. Habang naglalakad siya ay naririnig niya ang usapan sa paligid. "Nasaan na pala si Gian?" "Oo nga, sayang ang gwapo pa naman niya." "Biglaan naman yata 'di ba?" "Tama ka. " Huminto siya, kaya ang usapan ay nahinto rin. "Listen, everyone! Gian Villareal resigned last night. So stop talking about him!" Tumahimik ang lahat at muli siyang naglakad papasok sa elevator. Nakarating sila sa opisina. "Good morning Ms. E...llah" Napatingin sa kanyang likuran ang sekretarya. "Jen, mga bago kong bodyguard. " "Ganon po ba? Hello sa inyo. " "Hello din sa inyo" sabay na wika ng tatlo. Napangiti si Jen. Nilingon niya ang tatlong lalaki. "Boys, sa ibaba lang kayo okay?" "Opo Ms. Ellah, " sabay na sagot ng mga ito. Sinundan siya ng sekretarya habang papasok. "Ms. hindi naman ho sa nangingialam ako, pero nasaan ho si sir Gian?" "Nag resign kagabi, " wika niya at umupo na. "Ha? Pero biglaan naman ho yata?" "Gusto niya eh, alangan namang pigilan ko. " "Sayang po Ms. akala ko pa naman, magtatagal siya. " Tiningnan niya ang sekretarya. "Jen, wala na siya kaya huwag na nating pag-usapan ang taong nang-iwan." "O-opo Ms. pasensiya na po." "It's okay, magtrabaho na tayo." "Opo." Lumabas ang sekretarya. Napabuntong-hininga ang dalaga. Hindi sinasadyang napalingon siya sa cabinet kung saan una siyang inakit ni Gian. Tiningnan niya ang inupuan nito. Malinaw niyang nakikita na nakatanaw ito sa kanya habang nakangiti. Lumingon siya sa kinatatayuan nito noon. Malinaw pa sa kanyang isipan na nakatanaw ito sa malayo habang naka pamulsa. Tumayo ang dalaga. "Ah, come on Ellah, hindi ikaw 'yan!" Kahit saang angulo ng kanyang opisina ito ang nakikita at naaalala niya. Ni hindi pa siya nakahawak kahit isang dokumento. Buong araw na lang ba siyang mag-alala ng nakaraan na? Umupo siya at binuklat ang dokumento. "Baka may maitutulong ako sabihin mo lang." "Ahhhhh! Bullshit!" sigaw na niya. Napasugod ang sekretarya. "Ms. ano pong nangyari?" Naiiling na iwinasiwas niya ang isang kamay. "Wala naman, 'wag mo na lang akong intindihin Jen, go back to work." "Okay po." Isinara nito ang pinto. Nanghihina siyang napaupo. Bakit ganito katindi ang epekto sa akin ng lalaking 'yon? Kung tutuusin wala naman kaming relasyon! Pero ang nangyayari sa kanya daig ang hiniwalayan ng asawa! --- Biglang napatayo si Vince nang makita si Gian sa loob ng opisina. "Gian pare, bakit nandito ka? May nakalimutan ka ba?" "Wala pare, pero may kinakalimutan ako. " "Ha?" Naiiling na bahagya siyang natawa. "Pare, anong ibig sabihin niyan?" "Nag resign na ako pare. " "Ano! Paano na ang love story niyo?" "Gago! Anong love story. " Ito naman ang naiiling. "Pare naman, bakit nagpabigla-bigla ka naman akala ko ba may patutunguhan kayo?" "Wala eh, napagod pare, iniwasan ako. " "Bakit naman?" "Siguro napag-isip-isip na sagabal na ako kaya umiwas. " "Tinanong mo ba siya?" Umiling siya at umupo. "Kung gano'n, basta ka na lang umalis nang hindi man lang inalam kung bakit ka iniiwasan?" "Ganon na nga, ayoko ng ipilit ang sarili ko pare, nagmumukha na akong tanga gago pa. " "At least gwapo. Gwapong gago. " "Tarantado ka talaga. " "Aminin mo nga, nag-away ba kayo? Ano? Matindi ba ang dahilan kaya umalis ka na lang?" "Biglaan pare eh, biglang nanlamig at hindi na ako kinakausap. " "Baka nagtampo lang?" "Wala akong maisip na kasalanan kaya nakapag-isip-isip yata. " "Anong sinabi niya nong mag resign ka na? Hindi ka man lang ba pinigilan?" "Wala siyang alam, kay don Jaime ako nagpaalam. " "Gian naman! Pare binigla mo naman 'yong babae, baka bigla na lang susulpot dito 'yon!" Halata ang pag-aalala sa anyo ng kaibigan ngunit wala naman na siyang magagawa pa. "Hindi niya 'yon gagawin pare, alam naman niyang ito pa rin ang kababagsakan ko. " "So wala na? Gano' n na lang 'yon? Kaya mo bang kalimutan?" Huminga siya ng malalim. "Kakayanin ko. " "Walang hiya ka, may pa lasing-lasing ka pa dati, 'yon pala ikaw ang mang-iiwan. " "Hayaan na natin pare, gano' n talaga eh. " "Paano 'yan? Tatanggap ka ba ng bagong trabaho?" "Huwag muna pare, balak kong mag leave kahit isang linggo lang. " "Wow! At saan ka pupunta? Mali, ano ang gagawin mo? Magmukmok at magpapakalunod sa alak hanggang sa makalimutan mo siya?" Napatingin siya dito. "Gano'n ba ang ginawa mo dati sa ex mo?" "Hindi ah!" depensa ni Vince. "Talaga?" "O-oo nga. " Hindi ito makatingin sa kanya. "Okay, pero hindi ko 'yan gagawin pare, huwag kang mag-alala. " "Siguraduhin mo lang!" Natawa siya. "O paano, iiwan muna kita, pupuntahan ko pa ang head natin. " "Sige, pare, ingat ka ha. " "Oo na!" aniya at lumabas. Pumunta siya sa opisina ng head nila. Binati siya ng nakasalubong na kasamahan. "Sir Gian, welcome back po. " "Salamat. " Kumatok siya bago pumasok. "Come in. " "Good morning sir. " Iniangat ng lalaki ang tingin. "Villareal ikaw pala, sinabi sa akin ni don Jaime na nag resign ka na raw?" "Opo sir" "Hindi na kita tatanungin kung bakit, dahil tamang-tama at may ibibigay akong panibagong..." "Sir, ah, hihingi ho sana ako ng leave kahit isang linggo lang, " putol niya sa sasabihin nito "Leave?" "Opo sir, kailangan ho eh, pambawi lang. " "O sige, pero isang linggo lang Villareal, aasahan kong makakabalik ka na rito pagkatapos ng isang linggo. " "Opo sir" Kahit papaano, natutuwa siya at pinagbigyan siya ng head nila. Nang makuha ang hinihingi ay nagpaalam siya. "Maraming salamat ho sir. " "Walang anuman, basta bumalik ka. " "Oho " Isang linggo lang ang dapat niyang itagal sa pag sisintemyento at hindi na dapat lumagpas pa. Isang linggo lang Ellah, makakalimutan din kita! Sa loob-loob ng binata. Umuwi siya ng bahay at nahiga. Huminga siya ng malalim. Ipinikit niya ang mga mata. Pero hindi siya makatulog. Mabuti na rin ang pag resign at pag leave niya, makakapahinga siya ng matagal-tagal. Kinuha niya ang cellphone at tiningnan ang larawan ng dalaga sa contact niya. Ang larawang 'yon kung saan magkasama silang natulog sa iisang kama. Muling nagbalik ang lahat sa kanyang ala-ala. Bumangon siya at kinuha ang alak at isinalin sa baso. Kailangan niya ng pampatulog ngayon. "Gusto kong ibalik ang lahat sa dati, kung saan bago pa lang tayo nagkakilala, ako ang boss mo at ikaw ang tauhan ko. " Nilagok niya ang alak. Tanghaling tapat pero heto siya at umiinom ng alak. "Hindi ka mamamatay at hindi mo ako iiwan. Sasabihin ko kung kelan ka mawawala sa mundo. " Muli siyang lumagok ng alak. "I will tell you everything if you will become my girlfriend!" Umiinom siya habang inaalala ang lahat ng nakaraan na. Nang maubos ang alak ay muli siyang nahiga. "Isang linggo lang Ellah, makakalimutan din kita. " Wika ng binata bago ipinikit ang mga mata. --- Ipinikit ng dalaga ang mga mata. Nakaupo siya sa gilid ng pool at habang nasa tubig ang mga paa. Ilang araw na rin na naging normal ang takbo ng buhay niya nang nag-iisa. Kahit sabihin pang laging tatlo ang kanyang kasama parang wala namang halaga ang mga ito sa kanya. Sa loob ng mga araw na 'yon, walang ibang laman ang isip niya kundi si Gian! Noong unang pagkikita nila. Tanda niya noon na halos hindi na ito kumukurap sa pagtitig sa kanya, kaya alam niyang pati likod niya ay pinagpapantasyahan nito. "Are you watching my back?" Sa mga panahong tinulungan siya nito dahil nahihirapan siya sa pag-atras ng supplier nila. Noong mga panahong naabot nila ang tagumpay. Mga panahong nagsasaya sila dahil sa naabot na tagumpay at inisip nitong inakit niya ito ng malasing siya. Mga panahong mahirap itong intindihin. "Hindi lahat ng problema ay tungkol sa pera palibhasa ipinanganak kang mayaman. " Noong mga panahong unang pakikipagdate niya ay naging kalaban nila ang lalaki at sinapak nito. Noong panahong nagtapat ito ng nararamdaman sa kanya. "Damn it mahal kita!" Mga panahong nanalo sila ng swan at ibinigay sa kanya. Noong panahong nahaharap sila sa panganib. "Nandito ako sa likuran mo, magtiwala kang hindi kita pababayaan!" Mga panahong inihahatid siya sa mga lalaking dapat niyang i-date. Noong nagpalabas ito ng hinanakit sa inaakalang kaibigan, pero siya ang nakarinig. Noong ma hospital ito dahil sa bugbog na natamo tapos ay naglasing. Mga panahong ipinaglalaban ng binata ang nararamdaman sa kanya. "Wala kang karapatang utusan ako! Tauhan mo ako pero dahil lang sa trabaho, hindi mo hawak ang damdamin ko kaya wala kang karapatan na kontrolin ang nararamdaman ko!" Noong tinulungan siya nito para mapakinabangan ang reject na produkto at mabawi ang malaking lugi. Noong panahong bumisita sa kanyang lolo ang congressman na ama ng kanyang ka date noon sa mansyon kaya nagtago sila habang nakikinig. Mga panahong kinikilala niya ang family background nito. Noong panahong nasa restaurant sila at inakit ito ng waitress kaya sumabog siya. "You're acting like a jealous girlfriend!" Mga panahong dinala siya sa isang cable car at pinagagaan ang kanyang loob pero nauwi sa gulo at muntik ng makipagpatayan sa ibang tao ng dahil lang sa cable car. Mga panahong dapat na siyang umiwas kaya biglang nanlamig ang kanyang pakikitungo dito. "Umiiwas ka hindi ba? Kaya 'wag kang kumilos diyan na parang walang sinasaktan!" Pero sa lahat ng ala-ala na 'yon, tatlo ang kanyang napagtanto. Una: Tinutulungan siya Pangalawa: Pinoprotektahan Pangatlo: Minamahal At sa tatlong 'yon iisa lang ang taong kayang gawin ang mga bagay na 'yon walang iba kundi ang taong iniwan siya! Lumusong siya sa tubig baka sakaling gumaan ang bigat ng kalooban.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD