DEMON 1
CAROLINE ALEXA POV
"AHHHHHHHHHHH!" Sabay sabunot ko saking sarili
"Oh anyare?" tanong ni Ara sabay upo sa tabi ko.
"Ayaw ko talaga ng Math. I hate it!"
"You are not alone~" kanta pa nito "Ano ka ba!"
"Argh! pano ba to? paulit ulit ko ng inaalala yung nilesson ni Sir kahapon! hindi ko talaga maalala!" tanong ko sa kanya. "May alzheimer na ba agad ako? Diba! Masyado pang maaga ara?!" sabay lingon ko sa kanya. "Aray!" pinitik nya ang noo ko.
"Buang ka ba! Anong Alzheimer Alzheimer ka dyan? Inday nahihirapan ka lang kasi hindi ka nakinig!"
"Nakinig ako! Hindi ko lang naintindihan!"
"Ayan ang sabihin mo! Kung ano ano pa ang sasabihin mo!" Si Ara Navales ang nag iisa kong kaibigan since our highschool days, and now we are college hindi kami naghiwalay parehas kaming tinake na course which is psychology. "Ayan na si sir!" siko nya sakin, inayos ko muna ang sarili ko at nakinig kay sir. Mabilis natapos ang lesson ni Sir. Boring Oo! hindi naman nawawala bukod na lang kung may activity itong ipapagawa.
--
"Mommy!" tawag ko sa aking Ina na nagluluto.
"Andito ka na!"
"Mommy ang bango naman nyan!"
"Alam ko na yan Anak! Umupo ka na! Paghahanda kita ng pagkain!" Hinalikan ko sa pisnge si Mommy at umupo. I am 21 yrs old, my mom got pregnant at early age... 17 yrs old while Daddy is 40. Two years lang ang gap nila sa isa't isa that's why they are perfect for each other. Si Daddy ay isang Bodyguard, hindi ko alam kung president or vice president. Ilang ulit ko ng tinanong si Daddy kung sino but he never said it. Close ko sila Mom and Dad, and to not forget I have a sister name Celine, she is 9 yrs old. Malaki ang gap ng age namin ni Celine. Akala ko mag iisa lang akong anak nila Mommy at Daddy but I was happy ng malaman namin na may kapatid ako.
"Mommy si Celine pala?" tanong ko ng ilapag ni Mommy ang pagkain sa harap ko.
"Nasa labas na naman siguro"
"si Daddy po?"
"Nagtrabaho"
"Akala ko po ba Dayoff ni Daddy ngayon?"
"Bigla syang pinatawag! May parade ata ganun!"
"Mommy sabihin mo nga sakin! Sino ba talaga ang binabantayan ni Daddy?" tanong ko at sumubo ng ginataang mais.
"Sinabihan ako ng Daddy mo na Secret lang namin"
"Mommy naman! Baka naman sindikato yan Mommy?" pinalo ako ni Mommy, napaso tuloy dila ko. "Mommy naman! anshaket!" sambit ko at inilabas pa ang dila ko.
"Ikaw kasi! Marangal ang trabaho ng Daddy mo anak! Magtiwala tayo sa kanya! Lalo na at bodyguard sya! Hindi ligtas sa kanya dahil may mas pinoprotektahan sya!"
"Mommy! Why don't you tell na lang kung sino! Para aware ako diba? I'm not a child anymore!" sambit ko kay Mommy
"But you're my child! Wag ka na ngang maraming tanong! Daddy mo na mismo ang nagsabi sakin na ilihim muna" Wala na akong nagawa dahil kahit anong pilit ko kay Mommy hindi nya talaga sakin sasabihin.
"Mommy!! Mommy!"
"Ubusin mo yan Carol" utos sakjn ni Mommy at iniwan ako sa dining table. Andyan na kasi ang makulit kong kapatid, babae pero ubod ng tigas ang ulo.
--
"Daddy!" sigaw ni Celine! Napaka isip bata pa din talaga. palibhasa daddy's girl. Tumakbo si celine patungo kasy Daddy.
"How's my baby?" tanong ni Daddy at hinalikan sa noo si Celine.
"I'm good Dad!"
"Miguel! Akala ko ba gagabihin ka?" tanong ni Mommy, hinalikan ni Daddy sa labi si Mommy, sana'y na ako sa kanila minsan nga nauumay na ako sa kanila.
"Maagang dumating ang kaship ko ng sched!" hinalikan din ako ni Daddy sa noo.
"Mabuti, para sabay sabay na tayong maghapunan!" Nagpalit muna si Daddy ng Damit bago kami kumain. Hindi kami mayaman at hindi din ganoon kahirap. sapat na ang trabaho ni Daddy para tustusan ang pag aaral at pamumuhay para makasurvive sa pang araw araw namin. Mommy has been a Housewife all her life. She never experience working Daddy won't let her work kahit gustuhin ni Mommy. Nasanay na lang si Mommy na Inaalagaan kami ni Celine at lalong lalo na si Daddy.
"Daddy may Group project kaming gagawin nila ara!"
"Oh! Graduating ka na pala Carol"
"Yes Dad! So I really need to do that project with Ara"
"Wala namang problema Anak! Saan ba kayo gagawa?"
"Sa bahay po sana ni Ara"
"Alam mo na ang sagot ko dyan Corolina"
"Daddy naman!"
"Anak! Bakit hindi na lanng si Ara ang mag overnight dito"
"Mommy, gusto ko sa bahay nila Ara!"
"Hindi papayag ang Daddy mo" tumingin ako kay Daddy na parang nagmamakaawa. Sobrang strict ni Daddy, pero I never betrayed him, iniisip nya siguro na may boyfriend ako.
"Okay fine Dad! I'll call ara!" Sambit ko ata pinagpatuloy ang pagkain ko.
"That's good Carol" I never win against Daddy, Kahit anong pilit ko hindi nya laging pinapayagan, kaya minsan tumatakas ako
--
"Ara Sorry talaga!" paghingi ko ng tawad. Nasa Cafeteria kami ng school at kumakain.
"Caroline! Expected ko na yan! Kailan ka ba pinayagan ng Daddy mo na gumala or mag overnight with me"
"Ewan ko ba! Kilala naman nila, kilala din niya ang mommy at Daddy mo"
"Intindihin mo na lang. Ano later na ako pupunta sa inyo?"
"Oo, nagpaalam ka na ba kanila tito at tita?" tanong ko, tumawa ito.
"Noong isang araw pa ata ako nagpaalam kay Mommy!"
"Ganon ba talaga pag alam mo na ang mangyayari sakin" Tumawa lalo si Ara sa sinabi ko.
"Nasanay na lang talaga ako sayo Carol"
"Grabe ka na talaga sakin Ara!" at sabay kaming tumawa.
--
"Carol may papakita ako sayo!" sambit ni Ara at dinala sa harap ko ang Laptop nya. Nasa kwarto ko na kami at nagawa ng project namin ni Ara.
"Sino naman yan?"
"Napaka mo! Schoolmate natin yan"
"Anong kurso?"
"Crim ata, nakita ko sya minsang papunta tayo sa library! Ang gwapo nya kaya Carol"
"Hilig mo talaga sa gwapo mamaya manloloko!"
"Alam mo friend! Kaya hindi ka nagkakaboyfriend!"
"Gusto mo bang mapalayas ako ni Daddy? May usapan kami ni Daddy na study before boyfriend kaya wala akong paki sa mga gwapo Ara"
"Hindi ka naman maganda!" Napalingon ako sa sinabi nya at hinampas sya. "Aray!" ngiwi nito "pero grabe kastrict sayo si Tito"
"Wala akong magagawa dahil tatay ko sya! Kailangan ko syang sundin"
"Nagmumukha akong bad influence sayo friend!"
"Kahit na bad influence ka kinaibigan pa din naman kita! Minsan nga no choice na... Aray!" Ngiwi ko ng hampasin nya ako
"Nakakailan ka na Caroline Alexia!!"
"Ikaw nga kanina pa!"
"Anak!"
"Shhh!! wag kang magbabanggit ng ganyan" Nagtungo ako sa pinto at binuksan ito. "Mommy?"
"May food akong dala!" Nakita ko ang dala ni Mommy na tray na may juice at pizza.
"Ayy tita sakto I'm hungry na" singit bigla ni Ara at sya na ang kumuha ng tray sa kamay ni Mommy
"Baka matapon!" sambit ni Mommy, tuloy tuloy kasi ang pagpasok ni Ara sa kwarto ko.
"Salamat Mommy!"
"Sige na ituloy nyo na ang ginagawa nyo!" Sabi ni mommy at umalis na ito. Sinara ko ang pinto ko at tumabi kay Ara.
"Girl gutom ka ba?"
"H-hind anowh" bulol nyang sagot sakin dahil may nginunguya ito.
"Kalmahan mo ang pagkain Girl! Para kang di pinapakain sa inyo! Ginugutom ka ba nila Tita?" Lumunok muna ito at uminom ng tubig.
"Caroline! Kung hindi lang kita kaibigan! Kanina pa kita sinipa palabas dito"
"Ni hindi mo bahay to Girl!"
"Ewan ko sayo! Gutom lang talaga ako" Hindi ko na sya sinagot at pinagpatuloy ko ang ginagawa namin.
--
"Okay class! Pass your project and give it to Ms. Aragon" utos ni Mam Sanchez, favorite talaga nila akong utusan. Kinolekta ko ang ibang project ng mga kaklase ko ganun din ang samin ni Ara! "Put it on my table in my office!" utos muli ni Mam,
"Ara! Samahan mo ko!"
"Sige, wait!" Pinaghati namin ni Ara ang dala kong project namin, nagtungo kami sa office ni Mam Sanchez sa second floor. Nasa fourth floor ang classrooom kaya sobrang hassle ang pagbaba at pag akyat nakakapagod. Inilapag namin ni Ara sa table ni Mam ang gamit at lumabas na ng opisina.
"Ano yun?" tanong ko kay Ara, nagkukumpulan ang mga student sa tapat ng school.
"Parada? Tara nuod tayo!"
"Ano? Babalik pa tato sa Room ara! Baka mapagalitan tayo ni Mam!"
"Nagdismiss na yun si Mam! Tara na!" Hinila ako pababa ni Ara at pumunta sa harap ng school at nakigulo. Tama nga si Ara! Parada, Kumakaway ang lalaking nakasuot ng korona sa ibabaw ng truck at kasama ang isang babae na nakakorona din. Nakaupo naman ang isang lalaking nakakunot ang noo at nakacrossarm pa. Maya maya nakarinig kami ng isang malakas na putok ng baril. Napatatungo kami ni Ara, tinignan ko kung saan galing pero hindi ko nakita, nakaharang naman ang mga bodyguard ng mga nakasakay sa truck mukhang isang malaki at kilalang mga tao ito. Pinababa muna sila para mas mabantayan kung sakaling may kasunod na pamamaril. Hindi ako nagkamali, nagkaroon pa muli ng pagputok ng baril ngunit sa isang bidyguard ito natamaan dahil iniharang nito ang kanyang sarili sa lalaking nakakunot ang noo.
"Aragon!" banggit ng isa pang bodyguard ng pilit na ginigising ang nakatamaang lalaki.
"C-carol! Hindi ba Apelyido mo yun?"