"C-carol! Hindi ba Apelyido mo yun?" tanong sakin ni Ara habang nakayuko at nakatakip ang kamay sa tenga! Tinignan ko ang lalaking nabaril, isa lang ang lalaking umaalalay sa kanya, ang iba nyang kasamahan ay pinoprotektahan ang mga taong nakakorona yung iba ay hinanap kung saan ito nangggaling.
"Miguel Aragon! Gumising ka!"
'Miguel Aragon? That is my Dad's name! Kapangalan kaya ni Daddy yon?
"Miguel!" sambit nitong muli at inuga uga ang lalaki.
"CAROLINE!! HOYYYY San ka pupunta?" sigaw ni Ara. Hindi ko din alam dahil kusang naglakad ang paa ko at pumunta sa nabaril na lalaki, hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan, hindi dapat ako makaramdam ng ganito. Safe si Daddy I knos na uuwe sya mamaya sa bahay. Ngunit traydor ang isip ko, tinignan ko ang lalaking nakahiga na puno at naliligo sa sarili nitong dugo.
"Daddy?" bulong ko. Hindi ako pwedeng magkamali, si daddy ang taong nabaril sa mismong harap ko at naliligo sa sarili nitong dugo.
"Captain! It's clear! Nilibot na namin wala na ang mga ito!" rinig ko.
"Daddy!!" Napaupo ako at gumapang papunta kay Daddy "Daddy!!! Wake up! Daddy!"
"Sino yan?"
"Dalhin na muna natin si Aragon sa hospital! Ang iba ay ihatid ang royal family, ako na at si Santos ang sasama sa hospital!"
"Daddy!!" Iyak ko "No Daddy! No!" sambit ko at binuhat si Daddy, tinakpan ko ang dumudugo nyang sugat which is yung nabaril sa kanya. "Daddy pls! open your Eyes! Daddy!?" Isinakay sa kotse si Daddy, hindi ako umalis sa tabi nya at sumama sa pag alis nila. Tinanong ako ng kasamahan nya ngunit hindi ko ito sinagot at tanging nakatingin lang ako kay Daddy at umiiyak. Pagkadating sa Emergency Room, agad na inasikaso si Daddy, kailangan nyang maoperahan at para din matanggal ang bala sa kanyang balikat.
Nag aantay ako sa labas ng operation room kasama ang kasamahan ni Daddy.
"Sir?" napatingin ako sa dumating.
"Mommy?" tumakbo ako palapit kay mommy.
"Carol! b-bakit ka—"
"Mommy! Si Daddy! he was shot! Mommy! Nabaril si Daddy!"
"Shhhh! Magiging okay ang Daddy mo!"
"No mommy! Naliligo sya sa sarili nyang dugo, nakita ko! Kitang kita ko!" sambit ko at humarap kay Mommy.
"Carol! Calm down! Puro ka dugo!"
"How can I mom? he's my Dad!" yumakap akong muli kay Mommy. Maya maya bumukas ang pinto at iniluwa ang doctor, tumakbo palapit si Mommy, ako at kasamahan ni Daddy.
"Doc! Ang Asawa ko?"
"I'm sorry Mrs. We did everything what we can but... He didn't survive" napaupo si Mommy, inalalayan ko si Mommy kahit nanghihina din ako. "while we were operating on him bigla pong bumaba ang bp nya. Malalim ang tinagos ng bala sa balikat nya, sanhi na din ng pagkawala nya ng maraming dugo, I'm sorry again at condolence!" Umalis ang doctor pagkasabi nya noon.
"Daddy!!" iyak ko kay mommy.
"Miguel!! Bakit miguel!"
"Cynthia! Nakikiramay kami sa pagkawala ni Captain Aragon!"
"No! We don't need your sympathy!" tumayo ako at pinaghahampas sila. "Kasalan nyo! Kung nadala nyo lang agad si Daddy! Hindi sya mawawala samin, makakasama pa namin si Daddy! Kasalanan nyo at nung mga royal royal na yan! Mas inuna nyo pa ang kaligatasan nila kaysa sa nag aagaw buhay na tao sa harap nyo! Mga hayop kayo! Hinding hindi ko kayo mapapatawad! Daddy!" Umiiyak na napaupo ako sa sahig.
"I'm sorry! Hindi namin sinasadya!" sambit nila bago umalis.
"MGA WALANG PUSO!" sigaw ko sa kanila.
"Carol!"
"Mommy!" Lumapit ako kay Mommy at niyakap sya, nag iyakan kami sa hallway.
DAEMON LAWSON
"King!" tawag ni Sandoval Assistant Captain ng guard namin, nasa sala kami at nag aantay ng balita sa Kapitan ng Guard namin na si Kuya Miguel Aragon. Iniligtas nya ako kaya gusto kong makibalita
"Sandoval!"
"He's dead!"
"What?" napatayo ako, hindi pwede yun. Si kuya Miguel Wala na, ang nag iisang taong promotekta sakin at nagmamahal.
"W-wha—" lumunok ito "What happened?"
"Kusang bumigay ang Katawan ni Captain King! Nawalan ng dugo dahil sa sobrang dami ang nawala sa kanya"
"I heard her daughter awhile ago" sambit ni Ama.
"Yes king! She's been with us, dumating din ang nanay nyang si Cynthia Aragon" huminga ng malalim si Sandoval. "Sinisisi nya kami kung bakit namatay ang Daddy nya!"
"Kasalanan nyo naman talaga! Kung sinugod nyo sana agad si Kuya miguel, buhay pa sana sya!" giit ko sa kanila. Masyado nila kaming inaalala at nakalimutan ang nabaril na kasama nila.
"I'm sorry Prince. Importante ang kaligtasan nyo." sagot ni Sandoval sakin.
"Mga inutil!"
"Daemon!"
"What?" Tumingin akong may inis sa Ama ko.
"Calm down! It's no one's fault" sagot ni Ama.
"Whatever!" sabi ko at umalis sa harap nila. Tumungo ako sa Kwarto ko at nilock ang pinto. I cried, ang lalaking tinuring kong kapatid wala na. Ang nag iisang taong nagmamalasakit sakin iniwan na ako. Walang nakakaalam na ganito ako dahil si Kuya Miguel lang ang laging nakakakita nito sakin na Kahit sila Ama at Ina hindi nila ito nakita. Laging masama ang tingin nila sakin.
CAROLINE ALEXIA
"Carol! My deepest Condolence!" Sambit ni Ara at niyakap ako, umiyak ako ng umiyak sa balikat nito. Ilang balde na siguro ang naipon ko kakaiyak dahil walang tigil ito simula pag uwe ko sa bahay. Hindi ako kumilos, hindi kasi maalis sa isipin ko ang senaryo ng pagbaril kay Daddy para itong tape na paulit ulit na nagfaflashback sa utak ko. Kahit siguro burahin ko ito ay macacancel lang. Sobrang sakit na sa harapan mo mismo nabaril ang mahal mo sa buhay na sa harapan mo mismo ito nag aagaw buhay. Ang sakit parang nawala ang kalahati ng pagkatao mo, parang bang may kulang na sayo at alam mo kung ano yon, pero hindi mo maamin sa sarili mo dahil takot ka.
"Ara!"
"It's okay friend! Umiyak ka lang! I'm always here"
"Ara ang Daddy ko!" sambit ko at hinarap ito. Pinunasan ko ang luha saking mata "Nakit mo Ara! Nakita mo kung pano ni Daddy saluhin ang baril!"
"I saw it Carol!"
"Kasalanan ito ng mga demonyong yon! Nawalan ako ng Daddy!"
"Carol! Ano ba yang pinagsasabi mo?"
"Sinalo ni Daddy ang bala na dapat hindi sa kanya Ara! Do you get me? Hindi dapat si Daddy ang nabaril!!" galit kong sabi kay Ara.
"Carol! Huwag kang mag isip ng ganyan. Ginusto ni Tito na protektahan iyon! It's his duty Carol!"
"Duty Ara! Paano kami? paano kaming pamilya nya? Wala ba syang duty samin? Araw araw nya laging nakikita ang pamilyang yon, minsan nya lang kami makasama. Ngayon lang tatagal kasi nakahimlay na sya Ara!"
"Carol!"
"Hindi nya kami inisip Ara! Si Mommy!" Tumingin ako kay Mommy, patuloy itong umiiyak katulad ko at nakayakap si Celine sa kanya "Ang bata pa ni Celine Ara!"
"Carol!"
"Paano na kami? Si Mommy is housewife all her life Ara!!"
"Kaya nyo yan! Sasamahan namin kayo nila Mommy! Hmm?" at niyakap ako muli ni Ara. Unang araw pa lang ng burol ni Daddy, sobrang sakit na nakikita ko sya sa kabaong nya. Hindi nya kami naisip ng saluhin nya ang baril na dapat ay sa lalaking yon. Hindi dapat si Daddy ang nakahimlay dyan! Kasama pa sana namin sya. Humiwalay ako sa yakap ni Ara at humarap kay Daddy.
'Daddy! Ang daya mo! Hindi mo kami love cause you leave us already! You never love us, you just love your d*mn work than us. Paano si Mommy? Paano na si Celine? Ang aga nya maulila Dad! Ang daya mo Daddy! Ang daya daya mo! Sa harap ko pa talaga! Sana pala hindi na lang ako lumabas non! Sana pala hindi ako nagpahila non kay Ara! Sana pala mas pinili ko na lang na bumalik sa classroom namin kaysa panoorin ang Parada ng walang kwentang tao. Daddy! Why? Why?
"Mam!" tumingin ako sa taong tumawag sakin. Pinunasan ko muna ang luha sa mukha ko.
"A-ano yon?"
"May dumating po!" turo nya sa may entrance ng punerarya. Makita kong lumapit si Mommy sa mga taong ito. Madami ang bantay nila.
'wait parang pamilyar sila'
Sinuri kong mabuti ang mga taong ito. Tumayo ako.
"Anong ginagawa nyo dito?" tanong ko sa kanila. "Hindi namin kailangan ang presensya nyo dito" tuluyan na akong nakalapit sa kanila, nagtitinginan na din samin ang mga tao sa loob.
"Carol!" rinig kong saway sakin ni Mommy.
"Bakit Mommy? Sila ang dahilan kung bakit namatay si Daddy! kung bakit nawala satin si Daddy dahil sa mga taong yan! Mga walang puso!" sambit ko sa kanila.
"Iha! Magdahandahan ka sa pananalita mo!" sambit ng lalaking parang kasing edad ni Daddy, sya yung may suot na korona noong parada.
"May masama ba sa sinabi ko? Namatay ang Daddy ko! Nag aagaw buhay sa harap ko! Tapos kayo pa itong mas inuna!"