"May masama ba sa sinabi ko? Namatay ang Daddy ko! Nag aagaw buhay sa harap ko! Tapos kayo pa itong mas inuna!" tumawa akong plastik "Sino ba kayo?" lumapit sakin si Mommy.
"Carol! Hindi ko na gusto ang lumalabas dyan sa bibig mo"
"Mommy! Bakit ba ang bait bait mo sa kanila? Ilang ulit ko na ding sinabi sayo sila ang may kasalanan kung bakit naka himlay si Daddy" iyak ko.
"Mag uusap tayo mamaya Carol! Doon ka muna!" Umalis ako sa harapan nila. Hinding hindi ko sila mapapatawad sa nangyari kay Daddy. Umupo ako sa tabi ni Ara.
"Sino yon?"
"Mga demonyo!"
"Carol!"
"Ano? Pagsasabihan mo din ako?"
"Hindi sa ganun! Pero huwag kang ganyan carol! Hindi maganda sa isang babae ang nagsasabi ng ganyan"
"Sila ang may kasalanan kung bakit namatay si Daddy! Kung nadala lang sana nila agad si Daddy! Maagapan pa sana sya. Mabubuhay pa sana sya Ara!"
"Carol!" Lumingon ako sa tumawag sakin, si mommy "Mag uusap tayo!" hinila ako patayo ni Mommy at dinala sa labas ng punerarya.
"Mommy!"
"Carol! makinig ka!"
"Ano yun Mom? Tungkol sa kanila? Ano bang ambag nila sa buhay natin?" Huminga ako ng malalim dahil patuloy ang pagtulo ng luha ko. "Anlalakas ng loob pumunta dito! Wala ba silang kahihiyan?" Pagpapatuloy ko.
"Carol! They are a Royal Family!"
"So what Mommy? Wala akong paki kung dyos pa sila! Wala sila—"
"Carol!" Hinawakan ni Mama ang kamay ko. "Hindi ko sila kayang sisisihin dahil noon pa man inalay na ng Daddy mo ang buhay nya sa trabaho at pagbabantay sa kanila"
"Kaya pala hindi nyo sakin masabi sabi"
"Listen Anak! Matagal na akong nasabihan ng Daddy mo! Paulit ulit ko na din syang sinasabihan na it's not safe for him! but he never listen!"
"Why Mom? Hindi nya ba tayo inaalala?"
"No anak! It's not what you think! He protected us! Habang pinoprotektahan nya ang Royal Family, he also protected us, remember kung bakit hindi ako nagsasabi sayo? That's one of the reason"
"No Mom! Hindi ko matatanggap! Daddy ko ang nawala! Nawalan tayo Mom! Tapos parang ayos lang sayo"
"Carol! Hindi sakin naging madali ang ganito! Akala mo ba madali lang?" umiling ako. "Kaya nga pinapaintindi ko sayo kasi panganay kitang anak! Gusto kong ipaalam sayo anak!"
"Bakit ngayon lang Mom? Ngayon lang na wala na si Daddy?"
"because this is the right timepara malaman mo ang lahat!"
"Ayaw ko pa rin silang makita Mommy! I don't wanna see them near daddy!" umalis ako sa harap ni Mommy at naglakad.
"CAROL!" rinig kong tawag sakin ni Mommy but hindi ako lumingon, gusto kong lumayo, lumayo muna dahil andyan ang mga taong naging sanhi ng pagkamatay ng Daddy ko! Umupo ako sa may swing dito sa may playground. Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa lugar na ito. Sa lalim ng iniisip ko hindi ko namalayan kung saan ako dinadala ng paa ko.
"You must be Carol?"
"And who are you?"
"I—"
"sinundan mo ba ako?"
"No but yes!"
"Anong klaseng sagot yan!" inis ko sa kanya, umupo ito sa kabilang swing. Madilim at hindi ko kita o masilayan ang mukha nya.
"I'm sorry about your father!"
"How do you know my father?" tumingin akong nagtataka sa kanya.
"You came from the funeral and I guess one of your family died"
"It's just your instinct, umalis ka na!" mahinahon kong sabi sa kanya.
"Aalis na ako! Mag iingat ka dito! May nakita pa naman akong multo kanina!"
"Alam mo lumayas ka sa paningin ko! Baka hindi kita matansya!" Banta ko sa kanya "Mananakot ka pa! Ano ako bata?" nakita ko syang naglalakad palayo mula sakin. Biglang lumakas ang hangin sa paligid ko. Naalala ko ang sinabi nyang may multo, hindi naman talaga ako maniniwala pero napaka ng lalaking yon
Tumakbo ako pabalik sa punerarya ni Dad. Nakita ko wala na ang mga taong ayaw kong makita, wala na din kasi ang mga bodyguard nila at mga sasakyan na halos sakupin ang lugar namin.
Ilang araw ang lumipas at Kahapon pa namin nailibing na namin si Daddy. Hindi ko na. nagawang umiyak dahil ubos na ubos na ang tubig ata sa mata ko, masakit ang puso ko na mailibing si Daddy, nakita ko din kung paano humagulgol ng iyak si Mommy at ang kapatid ko. Hindi ko sila magawang alalayan dahil ako man ay durog na durog sa nakikita ko. Umattend din ang sinasabi ni Mommy na Royal family. Hindi ko na sila pinag aksayahan ng oras dahil pagod at lungkot ang nararamdaman ko, may galit ako sa kanila at hinding hindi yun mawawala.
"Carol?" nasa sala ako at nanunuod ng TV. Pilit kong nililibang ang sarili ko na baka makalimot agad ako.
"Po Mom?"
"May naiwang letter ang Daddy mo para sa inyo ni Celine"
"Letter?"
"Yes! Ito ang sayo!" Inabit sakin ni Mommy ang white paper. Tumabi sakin si Mommy at binuksan ang letter.
from Daddy..
to my eldest daughter Caroline.
'Kamusta anak? Alam ko pag nabasa mo ito ay siguro wala na ako. Malaki ang pagkukulang ko sa inyo dahil lagi akong nakatutok sa trabaho ko. Pasensya ka na anak kung hindi namin masabi sa inyo ng Mommy mo ang tungkol sa trabaho ko, para din naman sa ikaliligtas nyo iyun. Mahal ko kayo ng Mommy at kapatid mo kaya mas pinili ko na isikreto ng mommy mo. Alam kong hindi ka na bata but you are always my baby. Mahal ko kayo at sana maintindihan mo ang desisyun ko anak.
P.S
May nakatago akong bank account sa closet namin ng Mommy mo, para sa inyo ang lahat ng iyon I love you'
Basa ko sa isipan.
"Mommy bakit ganito ang letter sakin ni Daddy? Parang alam na alam nyang anytime may mangyayari"
"Hindi naman kasi simpleng tao lang ang binabantayan ng Daddy mo Anak!"
"Yeah! I already know them that so called Royal Family! May ganyan pala dito"
"Hindi mo alam?" nagtatakang napatingin sakin si Mommy.
"Mommy magtatanong ba ako kung kilala ko sila?"
"Don't mind them! Nakita ko na din yang bankbook na tinutukoy ng Daddy mo"
"Anong meron don Mom?"
"It's your allowance anak! Pera nakalaan para sayo, meron na para sakin at kay Celine"
"Magkano Mommy?"
"It's almost a million!"
"What? Really Mom? Ganun kalaki? How about you and Celine?"
"Celine has a million and half while mine is double million" sagot ni Mom. Naintindihan ko agad dahil si Celine ay grade school pa lang kay mas kailangan nya ang malaking budget, kay Mommy naman is for herself. Magtatrabaho naman ako pagkatapos kong mag-aral so it doesn't really matter
"Where did Daddy got that Mommy?"
"It's his Salary!"
"Salary? Malaki ba talag sweldo ni Daddy?"
"You know what anak! Your Daddy is a Captain in bodyguard kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit ganoon na lang makaipon ang Daddy mo"
"Your right Mom! But it doesn't makes sense sobrang laki masyado"
"Wag ka ng magtanong pa anak! Ang importante mayroong naiwan satin ang Daddy mo!"
Tama si Mommy. tatlo na lang kaming mabubuhay at magsasama dito dahil wala na si Daddy, kailangan kong pangalagaan ang Mommy at kapatid ko.
--
"Kamusta ka?" tanong sakin ni Ara. It's been a week since the day na nilibing si Daddy.
"Ayos lang" umupo ako sa may tabi nya.
"Ayos lang daw! Kilala ko pagkatao mo caroline"
"Alam mo na pala! Nagtanong ka pa!"
"Bakit ba naiinis ka?"
"Wala namang maganda sa paningin ko ngayon"
"Umayos ka nga! Lahat nadadamay! Puro nega kasi ang nasa isip mo"
"tao po!" napatingin kaming magkaklase sa pintuan ng room
"Ano yun?" tanong ni Andy, sya kasi ang malapit sa pinto.
"Sino si Miss Aragon po?"
"Ako po bakit?" tanong ko sa kanya.
"Pinapatawag ka ni Sir Madrigal sa office nya"
"Ahh okay" Tumayo ako sa upuan "Dyan ka lang Ara!" tumango lang si Ara. Hindi na ako sinamahan ng lalaking tumawag sakin, alam ko na din naman ang office ni Sir. Nasa hagdan ako pababa ng matapilok ako sa mismong paa ko. Inaantay kong bumagsak ako sa lupa ngunit malambot na kamay ang sumabot sakin.
"Are you okay Miss?" tanong ng isang gwapo. Makinis ang mukha at matangos ang ilong. Hindi kaputian pero labas ang kgwapuhan. "Miss?"
"A-ahh" Umalis ako sa bisig nya at inayos ang sarili ko. Ramdam kong nag iinit ang mukha ko. Sa kahihiyan siguro. "A-ayos lang! Salamat" sambit ko at binilisan ang paglalakad para makaalis sa paningin niya.
"Nakakahiya ka Carol!" sambit ko asaking sarili at sinabunutan ko ang buhok ko. Nagtungo na ako sa office ni Sor Madrigal at kumatok.
"Come in!" rinig ko mula sa loob.
"Sir pinatawag nyo daw po ako?" tanong ko dito.
"Ahh yes Miss Aragon! We have a exchange students from other school!"
"Sino po?"
"Kanina ko pa sya inaantay! Antag—" may kumatok sa pinto ni Sir "I think there he is! Come in!" sambit ni Sir. Inuluha nito ang lalaking sumalo sakin kanina.
"Good Afternoon Sir! and Miss!"