"Ohh! Miss?"
"Kilala mo sya?" tanong ni Sir.
"No/Yes" Magkasalungat naming sagot
"You don't know him but he knows you Miss Aragon. Btw, Mister Castrillo she's Miss Aragon ang magiging tourguide mo sa school na to"
"Thank you po Sir! Naligaw nga po ako kanina!"
"Mabuti nakarating ka. Osya may gagawin pa ako! You may go now!" Nagpasalamat muna muli sya at lumabas na kami ng office ni Sir.
"Can I know your name?" tanong nito sakin. Naglalakad ako pabalik sa room ko, hindi ko alam kung saan tutungo ang lalaking kasama ko.
"Akala ko ba kilala mo ako?" tanong ko, kasasabi nya lang kanina ngayon tatanungin nya ako ng pangalan ko.
"Nakilala kita sa mukha but I don't know your name"
"Aragon na lang itawag mo sakin"
"But I need your name! Mas komportable"
"Hindi mo kailangan maging komportable sakin, isa lang akong hamak na studyante dito katulad mo"
"Kanina mo pa ako sinusungitan!" medyo may inis sa tono nya.
"Bakit ba? Gusto mo maging mabait ako sayo?"
"Niligtas kita kanina, hindi ka man lang nagpasalamat"
"Nagthank you ako Ano!" Inis kong sagot sa kanya "gwapo pero bingi! Walang silbi!" Bulong ko.
"May sinasabi ka?"
"Wala! Edi thank you! Ayos na ba?" inis kong tanong sa kanya.
"Sungit!"
"Dito na ang room ko! Saan ang sayo?"
"Di ko alam!"
"Edi hanapin mo!" sagot ko at pumasok na sa loob ng classroom namin. Naging mabilis at boring ang lecture, hindi ko alam kung bakit ako nagpsychology wala akong ibang maisip na kurso. Pero masipag naman akong mag aral bobo nga lang.
"Tara na Ara!" Yaya ko sa kaibigan ko. naglakad kami palabas ng classroom.
"Miss Aragon!" Nagulat ako sa tumawag sa apelyido ko. Lumingon at tinignan ko kung sino ito. Ang lalaking pinaubaya sakin ni Sir Madrigal.
"Oh! Carol! Manliligaw mo?"
"Anong manliligaw!" inis kong sagot kay Ara! naiinis ako sa kanya. Masyado syang feeling close. "Stalker ko!" pagmamayabang ko. Nakita kong nagulat si Castrillo sa sinabi ko.
"Stalker? Sa gwapong to? Naku girl di ako naniniwala! Baka ikaw pa tong maging stalker!" tumawa naman ng mahina si Castrillo
"Ara tigilan mo ako! Never akong magiging stalker ano!" inis kong baling kay Ara, tumingin ako kay Castrillo "Anong kailangan mo?" mahinahon kong tanong sa kanya.
"Wala akong kilala bukod sayo, atsaka sayo ako pinagkatiwala ni Sir"
"Hays! Another problem! Ikaw bahala!" sagot ko na lang sa kanya. Naiirita ako sa mga taong nakikita ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis kay Castrillo. Naglakad na kami papuntang Cafeteria. Nauuna kami ni Ara at nasa likod si Castrillo.
"Anong pangalan mo?" rinig kong tanong ni Ara kay Castrillo siniko ko naman ito.
"I'm Kaiser Hill Castrillo" rinug ko namang sagot niya mula sa likod ko "Buti ka pa tinanong mo pangalan ko!" papuri pa nito kay Ara.
"Abay bakit? Bakit Carol?" sakin na pala nagtatanong si Ara. Umiling lang ako sa kanya. "Pagpasensyahan mo an ang kaibigan ko. May toyo!" tinignan ko ng masama si Ara.
"Ayos lang. I think sasanayin ko na ang sarili ko!" sagot nito. Tumigil ako at humarap sa kanya.
"At bakit? ngayon ka lang naman sasama samin"
"Carol! Pasensya na ah!" hinila ako ni Ara. "Wag mo syang pakinggan! Ayos lang na sumama ka samin" magsasalita pa sana ako pero hinihila ako palakad ni Ara. Narinig ko namang tumatawa si Kaiser mula sa likod.
Sa Cafeteria, si kaiser ang umorder ng pagkain namin at nag antay na lang kami ni Ara sa lamesa namin.
"Carol! What is happeing to you?"
"Ginawa ba naman ako ni Sir na tourguide ng lalaking yon!"
"Ayaw mo non? May gwapo kang lalaking itotour"
"Oo! Ayaw ko!"
"Ang sama mo Carol! Wala naman sayong ginawa si Kaiser! Mukhang mabait pa"
"Naiirita ako sa kanya"
"At bakit? May nagawa ba sayo si Kaiser?" tanong ni Ara, naisip ko yung sandaling natapilok ako tapos nasambot ako ni Kaiser. May tuwa naman sa puso ko dahil hindi din ako nahulog. "Hoy!" napalingon ako kay Ara. "Ano? Hindi mo na nasagot ang tanong ko"
"Tumahimik ka na lang" Nakita ko si Kaiser na palapit na sa lamesa namin. "Palapit na sya" hindi na kami ni Ara nagsalita pa at inantay na lang ang pagdating ni Kaiser.
"Mukhang ako ang topic nyo!" sambit nito at nilapag ang tray na may lamang pagkain.
"Ito naman! Halata ba?" sagot ni Ara. Kahit kailan talaga ang bunganga ng babaeng to walang preno. Tumawa naman si Kaiser. Umupo ito sa katabi kong upuan.
"Alam mo na ang papuntang Cafeteria! Baka kailangan pa kitang samahan uli dito?" tanong ko sa kanya. Naramdaman kong sinipa ako ni Ara sa ilalim, tinitigan ko naman ito ng masama.
"Hindi pa din! Sayo kasi ako nakatingin!"
"HA.HA.HA nakakatawa ba yon?" sarkastikong sagot ko sa kanya.
"Carol! Your mouth! Kumain ka na nga!" sinubo sakin ni Ara ang kinakain nyang tinapay. "Kaiser! Pasensya na talaga sa kaibigan ko"
"Naku! You don't need to say sorry!"
"Napaka understanding mo naman! Kakakilala pa lang natin"
"Wala din naman akong kaibigan dito"
"Buti na lang! You can be friend with us" pinapakinggan ko lang ang pag uusap nila, dahil baka pag binuka ko na namn ang bibig ko may masabi na naman akong hindi maganda. Ang bestfriend ko talaga ay napaka ususera. After namin kumain sila pa ring dalawa ang nag uusap, tango at iling lang ang sagot ko kung tatanungin ako ni Kaiser hanggat maaari ayaw ko syang sungitan. Natapos ang iba naming klase naging maayos at unting activity lang ang pinagawa samin.
"Kaiser?" sambit ni Ara
"Sabay na tayo palabas"
"Tara" sagot ni Ara. Sumabay ako sa kanila sa paglalakad at hinayaan silang mag usap.
'hindi ba nauubusan ng itatanong to si Ara?'
"Hatid ko na kayo?" tanong ni Kaiser.
"Ayos lang ako. I can manage public transpo" sagot ko.
"No I insist! Mas delikado"
"Tara na Carol!" Hinila na ako ni Ara sa parking lot. "Sabay na tayo para mas makatipid" bulong niya pa sakin.
"Masyado kang nagtitiwala dyan!" bulong ko din sa kanya. kinurot naman ako nito sa tagiliran ko.
"Umayos ka nga! Marinig ka nyan"
"Ewan ko sayo" pinagbuksan kami ni Kaiser ng pinto, sa unahan ako pinaupo ni Ara dahil magmumukhang driver daw si Kaiser pagdalawa kami ang sa likod uupo. As usual si Ara na naman ang maingay saming tatlo. "Ara!"
"Ano?"
"Ang ingay mo!"
"Si kaiser nga di naiingayan sakin!"
"Magkavibes kasi kayo!" sagot ko.
"Ewan ko ba sayo kung bakit ka tinotoyo" hindi na ako sumagot sa kanya. Sa may terminal lang ako ng tricycle nagpababa ganon din si Ara, hindi na din naman nagtanong si Kaiser at hinayaan na kami. Sa kabilang Village nakatira si Ara pero iisa lang ang terminal na sinasakyan namin.
"Ate?"
"Celine! Anong ginagawa mo dito sa labas?" tanong ko sa kanya, naglalaro ito ng bola mag isa.
"Wala pa kasi yung kalaro ko ate!"
"Oh sige! Wag magpapagabi. Ang Mommy?"
"Nasa loob ate! May kausap"
"Sino? Kilala mo ba?" nagtataka kong tanong sa kanya.
"Pamilyar pero di ko tanda ate!" napatingin ito sa labas. "Ate! Andyan na kalaro ko"
"Sige! Mag ingat! Wag magpapagabi"
"Oo!" sagot nito at tumakbo palabas.
'sino kaya kausap ni Mommy'
"Mom?"
"Carol?" napatayo si Mommy sa gulat, nakaharap ito sakin, nakatalikod naman ang babae at lalaking mula sakin. "Napaaga ata uwi mo?" tanong ni Mommy.
"Sumabay kasi ako sa kaibigan ko Mom! Sino sila?"
"Sila a-ano" utal na sagot ni mommy
"Sila?"
"Good Day Iha!" lumingon sakin ang lalaki. Sila lang naman ang mga taong ayaw kong makita.
'Another bwesit sa buhay! Wala na bang ikasisira pa ng araw ko?'
"Anong ginagawa nyo dito?" inis kong tanong sa kanila
"Carol!" saway ni Mommy, dahil hindi ko talaga sila kayamg respetuhin. Hindi ko kayang ibigay sa kanila dahil hindi nila deserve to be respected.
"We just want to talk to your Mom!" sambit ng babae.
"And?" walang ganang sagot ko
"and to you!"
"Wala akong balak na makinig sa inyo! Makakaalis na kayo" pagtataboy ko sa kanila.
"Carol! that's bad" saway muli ni Mommy
"It's okay beth" sambit ng babae at tumayo ito kasama ang Asawang lalaki nito.
"Ayos lang pala Mom!" sagot ko kay mommy at bumaling sa kanila. "Makakaalis na kayo" taboy ko.
"Hindi pa kami tapos mag-usap iha" Mahinahon nilang sagot sa akin.
"Well... ako naman ang walang balak na makinig sa inyo!" hinubad ko ang sapatos ko at aakyat sa taas.
"It's about you Carol!" boses ng babae ang sumagot. humakbang ako pataas.
"We want you to marry my son!"