bc

You're Still the One [Donnie Madrigal12]

book_age18+
1.6K
FOLLOW
20.2K
READ
billionaire
HE
second chance
dominant
bxg
office/work place
multiple personality
like
intro-logo
Blurb

Tahimik ang buhay ni Geraldine sa kanilang probinsya. Mag-isa ito sa buhay at yumao na ang kanyang ina. Habang ang ama nito ay maaga silang iniwan ng kanyang ina. Gano'n pa man, hindi naman nagkukulang ang ama nitong isang public servant na nagbibigay ng pera sa anak nito. Siya ang nagpapaaral sa dalaga at bumubuhay dito, iyon nga lang ay patago silang magkitang mag-ama. Dahil walang may alam na anak niya ang dalaga. Nasa kolehiyo na si Geraldine nang dumating ang isang dayuhang lalake mula Manila. Napakagwapo nito at bolerong magsalita. Sa unang tingin ay makikita mo sa itsura niyang mula siya sa may perang pamilya. Niligawan ni Donnie ang dalaga. Kahit hindi ito madaling lapitan at masungit ito, hindi sumuko si Donnie na suyuin at makipaglapit kay Geraldine. Hanggang sa naging nobya na niya ang dalaga. Akala ni Geraldine, siya na ang pinakamaswerteng babae sa balat ng lupa na dumating sa buhay niya si Donnie. Ngunit isang araw, bigla na lamang umalis ang binata na walang paalam sa kanya. Kung kailan naisuko na nito ang puri sa binata. Lumipas ang limang taon. Muling nagtagpo ang landas nila. Naging boss ito ni Geraldine. Matatagalan kaya ni Geraldine ang kasungitan ni Donnie sa kanya kung palagi siya nitong pinapahiya? Higit sa lahat. . . maihaharap kaya ni Geraldine sa binata ang naging bunga ng pagmamahalan nila noon sa probinsya, kung ibang-iba na ang Donnie na kaharap nito ngayon--kaysa sa Donnie na nakilala nito noon at minahal.

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
GERALDINE: NAGMAMADALI akong tumawid ng kalsada at mali-late na ako sa unang subject ko nang may humaharurot na motor at muntik akong mahagip! Nanigas ako sa kinatatayuan na hindi makakilos sa sobrang kabiglaan! Naagaw na rin ang attention ng mga tao sa paligid namin na nagbubulungan. “Hey, mis. Are you okay?” ani ng baritonong boses. Napatingala ako dito na humawak ito sa braso ko at inakay patawid ng kalsada. Sobrang nanginginig pa rin ang katawan ko sa nangyari. Pagkatawid namin ay nagtanggal ito ng helmet na ikinaawang ng labi ko. Parang nag-slow motion pa ang paligid ko sa pagtanggal nito sa kanyang helmet na ikinatulala ko dito. Napakatangos ng kanyang ilong. Idagdag pa ang chinito na kulay asul niyang mga mata. Matangkad, maputi at makisig ito. Kulang ang salitang gwapo para i-describe ko ang itsura nito. Napangiti ito na magtama ang mga mata naming lalo niyang ikinagwapo na lumabas ang mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin. Nagniningning ang kanyang mga mata na tila nang-aakit ang mga labi nitong makintab at mapula. “Masyado ba akong gwapo para matulala ka?” tudyo nito na ikinabalik ng ulirat ko. Tinabig ko ang kamay nitong nakapisil sa baba ko na hindi ko namalayang nakanganga na pala ako habang nakamata dito. Nag-init ang mukha ko na tinalikuran na ito at may pagmamadaling pumasok sa university namin. “Naman, Ge! Matulala ka talaga sa kanya?” sikmat ko sa sarili na late na ako ng limang minuto sa klase ko. “Kainis naman oh!” Mariin kong nakagat ang ibabang labi na lakas loob pumasok ng classroom namin kahit nagsisimula ng mag-lecture ang professor namin. Pumwesto ako sa likuran dahil doon na lang ang bakante. “You're five minutes late, ms Marques. Next time, hindi na kita patutuluyin ng class ko na nali-late ka. You're not a VIP here. You understand?” pagalit nito sa akin na ikinangiwi ko. “Yes, ma'am Masikip. Pasensiya na po,” magalang kong sagot na ikinairap nito sa akin. Fourth year na ako sa kolehiyo sa kursong business Add. Mag-isa ako sa bahay pero sinusuportahan naman ako ng aking ama. Noong nakaraang taon lang namatay ang aking ina na siyang kasa-kasama ko dati sa bahay namin. Nagkasakit kasi ito at itinago sa akin. Kaya hindi na nalunasan nang mapag-alaman namin ang sakit nitong cancer. I'm already twenty years old. Kaya ko ng tumayo sa sarili kong mga paa. Kaya kahit mag-isa ako sa bahay ay kinakaya ko pa naman. Kahit paano ay hindi naman ako pinapabayaan ng ama ko. ‘Yon nga lang ay nananatiling nakatago ang relasyon naming mag-ama. Kung tutuusin, ako ang legal na anak ni Papa. Naghiwalay sila noon ni Mama dala na rin ng kahirapan. Nagtrabaho si Papa sa isang mayaman bilang family driver. Pero kalauna'y nahulog ang amo niya kay Papa. At mas pinili ito ni Papa kaysa sa aming mag-ina niya. Ngayon ay kasalukuyang congressman ang Papa ko dito sa probinsya namin sa Zambales. Nagsasama pa rin sila ng babaeng ipinagpalit niya sa amin ni Mama. Ang alam ko, pinalabas nilang kasal na silang dalawa sa publiko. Pero ang totoo, si Mama pa rin ang legal wife nito dahil hindi pinirmahan ni Mama ang annulment nila noon ni Papa. Matagal ko ng tanggap ang nangyari sa mga magulang ko. Iyon na rin marahil ang dahilan kaya may takot sa puso ko ang sumubok makipag relasyon. Tumatak na sa isipan ko na ang mga lalake, hindi kayang makuntento sa iisang babae. Katulad na lamang sa nangyari sa mga magulang ko. Hindi nakuntento ang ama ko sa aking ina. Kaya sa bandang huli, pinili pa rin niya ang babaeng mas nakakaangat kay Mama. Paminsan-minsan lang kami nagkikita ni Papa sa isang buwan. Patago kung magkita kami dahil kilala ito sa probinsya namin. Mabilis lang din ang pag-uusap namin. Iaabot niya lang ang dala niyang pera para sa akin, aalis na siya. Wala siyang oras para sa akin. Kaya kahit hindi nagkukulang ang perang binibigay niya para sa pang-araw-araw at pag-aaral ko, may malaking puwang pa rin sa puso ko ang nangungulila sa pagmamahal nito. LUMIPAS ang maghapon na wala akong halos maisaulo sa mga napag-aralan namin. Nakatulala ako sa buong maghapon na naiisip si Papa. Pauwi na ako nang mapadaan sa isang site na madaraanan kapag pauwi ako mula sa university namin. “Ano kayang itatayo nila dito?” usal ko na nakamata sa mga taong abala sa site. “Hey, beautiful. What a small world. We've met again,” ani ng baritonong boses na ikinalingon ko at napatitig sa lalakeng nagsalita. Napasuri ako sa kabuoan nito. Nakasuot ito ng maong na kupas at itim na shirt. Marumi na rin ang damit nito dahil halata namang nagtatrabaho siyang construction worker sa bagong bukas na site. Napakalapad ng ngiti nito na tinutukso pa siya ng mga kasama. Napairap ako dito na maalalang muntik na niya akong mabangga kaninang umaga. Yakap ang mga libro ko ay malalaki ang hakbang na nilagpasan ko ang mga ito. Dinig ko pang tinutukso nila ito na hindi ko siya pinansin. Kahit nakatalikod ako sa mga ito ay dama kong nakasunod sila ng tingin sa akin. “Mga lalake talaga,” ismid ko na marinig na napasipol pa ang isa sa mga ito. Pagdating ko ng bahay, tumuloy ako ng silid at inilapag ang bag at mga libro ko sa study table ko. Kumuha ako ng pambahay sa cabinet ko at nagtungo ng banyo. Mabilis akong naglinis ng katawan at nagluto ng hapunan ko. Mag-isa lang naman ako dito kaya ako rin ang nagluluto at naglilinis ng bahay. Kahit mag-isa lang ako dito ay pinapanatili ko ang kalinisan ng buong bahay. Ayaw kasi ni Mama na makalat dito. Kaya mula pagkabata ay nakasanayan ko na ang mga gawaing bahay. Matapos kong makapagluto ng hapunan ko, pumasok akong muli sa silid at kinuha ang libro at notebook ko. Next week kasi ay exam na namin. Kaya kailangan ko na ring mag-review sa mga previous lessons namin. Kahit wala na si Mama, ayokong bumaba ang grado ko sa school. Ako kasi ang nangunguna sa klase. Mula grade school ay ako ang nangunguna sa klase ko. Kaya mahalaga sa aking maging c*m laude ngayong graduating na ako. Habang nagbabasa dito sa sala, may kumatok sa pintuan na ikinalingon ko doon. Hindi ko namalayan na madilim na pala sa labas. Nangunotnoo ako na wala naman akong ibang inaasahang bisita ngayong gabi. Itinabi ko ang hawak na libro sa mesa na lumapit sa may pinto. “Sino ‘yan?” tanong ko na hindi ko pa pinagbubuksan ito. “Ate, Geraldine, may naghahanap po sa'yo.” Saad ni Tino, ang batang kapitbahay ko. Binuksan ko ang pinto at lalong nagsalubong ang mga kilay na makilala ang lalakeng kasama nito. ‘Yong gwapong muntik na akong mabundol kaninang umaga. “Oh, anong ginagawa mo dito?” masungit kong tanong. Napakamot pa si Tino na napangiwi sa akin. “Ate, mauna na po ako ha? Saka. . .hwag mong sungitan si Kuya pogi. Mukhang manliligaw pa naman siya sa'yo,” saad nito na patakbong iniwan na kami. “May kailangan ka ba?” inis kong tanong dito. Mahirap nang mapansin siya ng mga kapitbahay. Baka mamaya ay kung ano pang isipin nila sa amin. Mag-isa ako dito sa bahay at hindi magandang tignan na magpatuloy ako ng lalake dito. Lalo na't gabi na. “Uhm, bagong lipat kasi ako d'yan sa kabila eh. Sa boarding house,” anito na napakamot pa sa ulo. “Oh, eh ano ngayon? Hindi naman ako konektado sa boarding house d'yan sa kabila,” masungit kong sagot na napahalukipkip. Napapasulyap kasi ito sa dibdib ko eh sando lang ang suot ko. Wala akong bra. “Uhm, pwedeng humiram ng gamit? Wala pa kasi akong gamit eh. Kahit. . . banig, kumot at unan sana.” Saad nito na ikinakurap-kurap ko. “Seryoso ka ba? Lumipat-lipat ka ng tirahan na wala maski anong dala?” pagsusungit ko na ikinangiwi nitong pinamumulaan. “B-bagong lipat nga kasi. Uhm, ikaw lang ang kakilala kong malapit eh. Sige na, hmm?” pagpapa-cute pa nito na napakurap-kurap na parang bata. “Tsk.” Ismid ko na pumasok ng silid. Hindi ko rin maintindihan kung bakit napasunod ako dito. Una ay hindi ko naman ito kakilala. Kung tutuusin ay may atraso pa ito sa akin dahil muntik niya na akong mabunggo ng motor nito kaninang umaga. Kumuha ako ng malinis na banig, kumot at unan sa aparador ko na dinala palabas. Nangingiti naman itong nanatili sa harapan ng pinto. “Oh, baka may ibang kailangan ka pa? Matutulog na ako,” aniko na iniabot dito ang mga dala ko. “Uhm, may pagkain ka d'yan? Wala pa kasi akong gamit na lutuan. Wala akong hapunan eh.” Anito na ikinataas ng kilay ko. “Ang kapal ng mukha ah,” ingos ko na nagpunta ng kusina. Dinig kong natawa pa ito sa tinuran ko. Kumuha ako ng malinis na tupperware at kutsara. Nilagyan ko ng kanin at ulam na niluto ko. Mabuti na lang pala at nag-adobong manok ako ngayon. Ang kumag na ‘yon. Ginagamit niya ba ang kagwapuhan niya para hindi siya matanggihan ng kung sinong pagpapatulungan niya? Nakakainis. Sa akin pa talaga siya lumapit. Pinuno ko ang tupperware ng kanin at ulam. Kumuha na rin ako ng isang litrong tubig sa ref na inilagay sa ecobag na dinala dito. “Ngayon lang ito ha? Baka mamaya ay mamihasa ka na. Aba, hindi kita kakilala.” Aniko na iniabot dito ang pagkain. Nangingiti naman itong inabot iyon na nagniningning pa ang mga mata. “Salamat, mis beautiful.” Pagpapa-cute pa nito. “Tsk. Geraldine ang pangalan ko,” ismid ko. “Donnie naman ang pangalan ko,” sagot nito na ikinataas ng kilay ko. “Hindi ko tinatanong.” Napangiwi ito na halatang napahiya. “May kailangan ka pa?” Namula ito na napapangiwi ang ngiti. “Uhm, may nilagay ka bang tubig dito? Kutsara at plato?” “Abusado. Umalis ka na. Makakain ka na niya'n. Bukas, bumili ka ng gamit mo.” Ingos ko na ikinalapat nito ng labi. “Opo, salamat dito ha? Geraldine.” Puno ng sensiridad na pasasalamat nitong tinanguhan ko. “Sige na.” Isasara ko na sana ang pinto na mapansing hindi pa ito nakakapagbihis. “Teka nga, hwag mong sabihing wala ka ring damit pamalit?” tanong ko na ikinangiti nito. “May ilang damit ako. Pero. . . wala kasi akong personal na gamit. Baka. . .meron ka d'yan hygiene? Papalitan ko bukas, I promise.” Ungot nito. Napatampal ako sa noo na napailing. “Siguraduhin mo lang ha? Hindi ako mabait lalo na sa mga abusado,” ismid ko na tinalikuran ito. Kumuha ako ng bagong towel, toothbrush, toothpaste, bath soap at shampoo sa silid ko na dinala dito. Ngiting-ngiti naman ito na nakamata sa akin kahit pinaniningkitan ko. “Okay na? Pwede ka na bang umalis?” aniko na iniabot dito ang dala ko. “Pasensiya ka na ha? At salamat ulit. Ang bait mo,” sagot nito. “Tss. Alis na.” “Hwag mong kalimutan ang pangalan ko. Donnie,” kindat pa nito na napakalapad ng ngiting ikinaikot ng mga mata ko. Natawa pa ito na napailing na tuluyan ko ng pinagsarahan ng pinto. Bumalik ako ng sofa na nagpatuloy sa pagre-review. Naiiling na lamang ako na hindi ko mapigilang mapangiti habang inaalala ito. “Ang kumag na ‘yon. Ginawa pang instant grocery store ang bahay.” Inis kong litanya na naiiling na lamang sa naisatinig.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.4K
bc

His Obsession

read
103.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
95.9K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
29.6K
bc

The naive Secretary

read
69.6K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook