GERALDINE:
KINABUKASAN ay maaga akong bumangon. Naligo at nagkape na muna ako bago ininit ang natirang ulam kagabi. Isinangag ko rin ang natirang kanin para hindi mapanis. Habang nagpiprito ng itlog at hotdog, naalala ko naman si Donnie.
Baka mamaya ay wala iyong agahan na papasok ng trabaho. Akmang maghahain na ako nang may kumatok sa may pinto na ikinalingon ko doon.
"Ang aga naman mambulabog nito," anas ko na napasulyap sa wristwatch ko at pasado alassingko pa lang ng umaga.
Tinungo ko ang pinto na muli itong kumatok. "Sino 'yan?" tanong ko.
"Uhm, good morning. It's me, Donnie." Sagot nito na ikinabilis ng t***k ng puso.
Napalunok ako na umaktong normal at pinagbuksan ito ng pinto. Nakasuot lang ito ng jogger pants at black sando. Mukhang bagong gising pa ito na sabog-sabog pa ang buhok. Pero kahit gano'n ay napakagwapo niya pa ring pagmasdan.
"Ano na naman? Ang aga-aga ha?" paninita ko dito na nagawa pang ngumiti.
"Sorry, abusado na kung abusado. Pero. . . pwede bang makikape? Babayaran kita mamaya. Wala kasi akong cash dito. Magpapadala pa lang ako sa Mommy ko," saad nito na nahihiyang napakamot sa batok.
Napalinga ako sa paligid. Madilim pa naman at mukhang hindi pa gising ang mga kapitbahay namin. Nakapatay pa kasi ang mga ilaw sa bahay nila. Medyo niluwagan ko ang pinto na ikinalapad ng ngiti nito. Mabilis kong isinara ang pinto pagkapasok nito.
"Nasaan ang mga magulang mo? Okay lang kaya sa kanilang makikape ako? Kahit pahingi lang ng kape at sa boarding na ako magkakape." Pabulong saad nito habang nakasunod sa akin papasok ng kusina.
"Mag-isa lang ako dito." Sagot ko na nakatalikod dito.
"Ha? Nasaan ang mga magulang mo?" nagtatakang tanong nito.
"Nand'yan sa likod ng bahay si Mama. Si Papa naman. Sumakabilang bahay na. Mag-isa akong anak kaya wala akong kapatid. May tanong ka pa?" aniko na binalikan ang niluluto ko.
"Nasa likod bahay ang Mama mo? Bakit? Ang aga pa ah. Anong ginagawa niya d'yan? Baka kailangan niya ng tulong?" saad pa nito na ikinailing ko.
"Dami mong kuda. Magtimpla ka na lang ng kape mo." Sagot ko na hindi ito nililingon.
"Nasaan ba ang. . . ang coffee maker mo?" tanong nito na ikinakunotnoo kong nilingon ito.
"Anong coffee maker? Wala ako no'n." Ingos ko na ikinalapat nito ng labi.
"Eh. . . paano ako gagawa ng kape?" alanganing tanong nito na halatang nahihiya.
Napatitig ako dito. Kung itsura lang ang pagbabasehan ko, halata namang anak mayaman ito. Sa tindig pa lang ng pangangatawan niya. Sa kutis niya. Maging kung paano siya magsalita ng ingles ay halatang sanay siya. Kahit ang simple lang ng suot niya ngayon ay mapaghahalataan mo pa ring anak mayaman ito.
"Umamin ka nga," aniko na matiim na nakatitig ditong namula ang pisngi.
"B-bakit?" utal nitong tanong.
"Ikaw, hindi ka mahirap noh?"
Napaubo ito na lalong namula ang gwapong mukha. Napailing na lamang ako na nakamata dito. Kahit hindi niya sabihin ay halata namang tama ako.
"S-sakto lang." Utal nitong sagot.
"Tss. Eh bakit nagtatrabaho ka d'yan sa site na construction worker?" tanong ko na kumuha ng baso at kutsara.
Nakamata naman ito sa akin na may ngiti sa mga labing pinagtimpla ko siya ng kape.
"Para may pera ako," sagot nito.
"Para may pera ka? Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan kong sagot na iniabot dito ang kape.
"Salamat. Uhm, I mean. Para maranasan ko ring magtrabaho ng mabigat. Hindi puro hingi sa mga magulang ko," mababang sagot nito na kitang nagsasabi naman ng totoo.
"Kakayanin mo kaya? Kung ngayon ka lang magtatrabaho ng gano'ng kabigat? Mabibigla ang katawan mo. Hindi biro ang trabaho sa site. Lalo na't mainit ngayon. Baka mamaya ay magkasakit ka pa sa ginagawa mo," aniko na naghain ng agahan.
Hindi ko namalayan na dalawang plato ang kinuha ko at pinaglagyan pa ito ng pagkain. Nangingiti naman itong matamang pinapanood ako.
"Masasanay din ako." Sagot nito na ikinalingon ko dito. "Gusto kong subukang magtrabaho eh," dagdag nito na napasimsim sa kape nito.
Lihim akong napangiti na makitang nagustuhan niya ang kapeng gawa ko. Inilapag ko ang plato nito sa harapan nito na ikinalapad ng ngiti nitong nagniningning ang mga mata.
"Salamat ulit, Gie." Anito.
Naupo na rin ako na nagsimulang kumain. "Pagkain 'yan. Kahit naman hindi kita kakilala, hindi kita pagdadamutan ng pagkain." Aniko.
"Ang Mama mo ba, hindi kakain?" tanong nito na nagsimula na ring kumain.
"Hwag mo siyang intindihin. Kumain ka na lang. Maaga akong papasok ngayon sa school kasi marami pa akong ire-review doon. Kaya kumain ka na lang para hindi ka magutom sa trabaho mo mamaya sa site." Aniko na patuloy sa pagkain.
Napatango naman ito na maganang kumakain. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Napakagaan ng loob ko sa kanya at dama ko namang hindi siya masamang tao.
"Siya nga pala, Gie." Anito pagkatapos naming kumain.
"Bakit?"
"Uhm, pasensiya ka na kahapon ha? Muntik na kitang mabundol. Hinahanap ko kasi 'yong site kaya hindi kita napansing tumawid sa kalsada," paumanhin nito na bakas ang sensiridad sa mga mata.
Tumango ako na pilit ngumiti dito. "Wala na 'yon. Nagmamadali din ako kahapon kaya basta na lang akong tumawid."
"Baka may ipapabili ka? Mamimili ako mamaya ng mga gamit ko. Mapalitan ko manlang ang mga hiniram ko sa'yo. At itong dalawang beses mong pagpapakain sa akin," anito na tinulungan akong magligpit ng pinagkainan.
"Wala. Ibili mo na lang ng mga kailangan mo. Hindi naman kita sinisingil. Parang maliit na bagay lang eh," sagot ko na dinala sa lababo ang mga pinagkainan namin.
"Tulungan na kita?"
"Hwag na, okay lang. Kaya ko na ito."
Bumalik naman ito sa upuan nito na matamang pinapanood akong naghuhugas ng plato.
Pagkatapos kong maghugas at punas ng kamay ay bumaling na ako dito. Sakto namang nagliliwanag na.
"Alis na. Baka makita ka ng mga kapitbahay na nanggaling ka dito, isipin nilang dito ka natulog. Machichismis kasi tayo," aniko na ikinanguso nitong tumayo na rin.
"Ano ngayon? Binata naman ako. Dalaga ka rin. Walang masama kung dalawin kita dito sa bahay niyo. Wala ka pa namang asawa 'di ba?" sagot nito na ikinailing ko.
"Kahit na ba. Hindi pa rin magandang tignan. Baka isipin kasi nila, malandi ako."
Natawa naman itong napakamot sa ulo. "Kung ganyan ba naman kaganda ang manglalandi sa akin, aba gustong-gusto ko na lang machismis tayo na nilalandi mo ako," kindat nito na nakurot ko sa tagiliran.
Natatawa naman itong napadaing na inalis ang kamay ko. Sabay kaming natigilan na napatitig sa isa't-isa na makadama ng kakaibang boltahe ng kuryente sa pagkakahawak nito sa kamay ko.
"A-alis na," utal kong saad.
Yumuko ito na pinagpantay ang aming mukha habang matiim na nakatitig sa mga mata ko.
"Pwede bang makuha ang number mo?" malambing tanong nito.
"B-bakit?"
"Para matawagan kita. Gusto sana kitang sunduin pagkatapos ng klase mo eh," sagot nito na napapasulyap sa mga labi ko.
"H-hindi na kailangan. Malapit lang naman ang university namin. Nilalakad ko nga lang eh." Mahinang sagot ko na magkalapit ang mukha namin.
"Kahit na. Sige na, hmm?" pagpapabebe nito na napanguso.
Napahinga ako ng malalim na naglahad ng kamay. Napatuwid naman ito ng tayo na ibinigay ang cellphone nito. Napangiwi pa ako na makitang isang sikat na beauty queen ang profile nito sa cellphone. Ang idol ko. Si Miracle Madrigal.
"Sandali," usal ko na natigilan.
Napatitig ako sa larawan ni ms Miracle na may naalala. Binundol ng kakaibang kaba ang puso ko na napatingala ditong nagtatanong ang mga mata sa akin.
"Teka. . . bakit nga ba ngayon lang kita namukhaan," bulalas ko na namumutla.
"Ha?"
"I-ikaw. Ikaw si. . . si D-Donnie Madrigal 'di ba? Ikaw 'yong isang Kuya ni ms Miracle Madrigal. Tama ako?" nagkakandautal-utal kong saad na ikinalunok nito.
"Yeah. Ako nga."
Nanlambot ang mga tuhod ko na namula sa narinig mula dito! Kaagad namang yumapos ang braso nito sa baywang ko na muntik akong matumba!
"L-layuan mo ako. Hindi ka pwedeng mapalapit sa akin. Baka mamaya ay may mangyari sa'yo dito at madamay ako," pakiusap ko na ikinalamlam ng mga mata nitong halatang nasaktan.
"Hindi naman ako masamang tao, Gie," mababang saad nito.
"Kahit na. Paano kung may makakilala sa'yo dito? Paano kung kidnapin ka ng masasama? Hindi ka ba nag-iisip? Maaari kang mapahamak sa paninirahan mo dito," pagalit ko dito na napanguso.
"May mga bodyguard naman ako. Nand'yan lang sila sa tabi-tabi na nakamasid sa akin. Hwag mo naman akong ipagtabuyan, Gie. Nagsisimula pa nga lang tayong magkakilala eh," saad nito na nangungusap ang tono at itsura.
Napalunok ako na ilang beses huminga ng malalim. Damang-dama ko pa ang mabilis na kabog ng dibdib ko.
"Teka, ibig bang sabihin. . . sa inyo 'yong ipapatayong site d'yan?" tanong ko na ikinatango nito.
Napatampal ako sa noo na nanghihina. Pakiramdam ko ay umiikot ang paligid ko sa mga nalaman. Hindi pala siya basta mayaman lang. Kundi isang bilyonaryo! Kapatid pa siya ni ms Miracle. Nakakahiya sa idol ko. Sinungit-sungitan ko pa ang kapatid nito.
"Are you okay, Gie? Hindi ka naman iiwas sa akin noh? Nagsabi ako ng totoo sa'yo," anito na ikinabalik ng ulirat ko na napatitig dito. "Hwag ka namang umiwas sa akin dahil sa status ko sa buhay. Baguhan ako dito sa lugar niyo at naghahanap ng magiging kaibigan. Pwede ka ba? Pwede ba tayong. . . maging magkaibigan?" tanong nito na ikinalunok ko.
Napasunod ako ng tingin sa kamay nitong umangat na inilahad iyon sa akin.
"Please, Gie. Let's be friends," pakiusap pa nito na nangungusap ang mga mata.
Napapalunok ako na inabot ang kamay nitong ikinaaliwalas ng mukha nito na napangiti.
"Sige. Sa isang condition," aniko.
"Sure. Anything."
"Hwag mong ipagsabi sa iba kung sino ka. Mahirap ng. . . makahanap ng totoong kaibigan ngayon. Nakukuha mo ba ang ibig ko?" aniko na ikinatango-tango nito.
"Loud and clear, Gie. Salamat ha?"
"Tss. Alis na."