GERALDINE: TULALA akong umakyat ng unit namin habang naiisip ang lalakeng naghatid sa akin. Hindi ako sigurado kung si Donnie iyon. Dahil hindi ko naman nakita ang mukha niya. Pero kung pagbabasehan ko lang ang boses at prehensya niya? Masasabi kong si Donnie iyon. But how? Paano nangyaring nandoon siya sa Bar at siya ang nasakyan ko? Nagkamali lang ba si Lemuel ng binuksang kotse kanina? Si Lemuel na kasi ang pumara ng grab na masasakyan ko. Tanda ko naman na huminto ang kotse sa tapat namin at hinintay akong makasakay. Napapilig ako ng ulo na pinagtatagpi-tagpi ang mga nangyari. Pero malabo pa rin na si Donnie iyon at ako ang sinundo niya sa Bar. Paano niya nalaman na nandoon ako? At wala pa naman akong nababalitaan na bumalik na ito ng bansa. "Pero paano niya nalaman na dito ako

