GERALDINE: "NANAY, lalabas ka po?" tanong ni Ayca sa akin. Katatapos lang kasi naming kumain kaya nag-aayos na ako ng sarili. "Oo, anak eh. Pero saglit lang si Nanay doon. Farewell party kasi iyon ni Nanay sa mga katrabaho niya. 'Di ba, sinabi ko sa'yo kanina. Lilipat na si Nanay ng trabaho. Ibig sabihin, iiwan na ni Nanay ang mga dating katrabaho niya sa dating pinapasukan ko," paliwanag ko dito na napanguso. "Pero Nanay. Hindi po ako makakatulog na wala kayo eh," sagot nito na ikinangiti kong hinaplos ito sa ulo. "Dalawang oras lang ang Nanay doon, anak. Hindi naman kita pwedeng isama doon at bawal ang bata," wika ko. "Iinom ka po ba, Nanay?" pag-uusisa pa nito. "Ayaw mo bang uminom ang Nanay?" "Ayoko po, Nanay. Paano po kapag nalasing kayo? Sino po ang titingin sa inyo? Ba

