GERALDINE:
NANGINGITI akong hinihintay matapos ang klase namin. Lihim akong nagpapasalamat sa Poong Maykapal na kahit na-distract ako kaninang umaga sa paghalik ni Donnie sa pisngi ko, nagawa ko ng maayos ang exam namin. Nasagot ko lahat ng katanungan at kampante ako na tama ang mga sagot ko dahil tandang-tanda ko pa ang mga previous lessons namin.
Nang matapos na ang klase namin, tumuloy ako sa cafeteria ng school.
"Isang strawberry shortcake --"
"Two strawberry shortcake and two caramel macchiato, please?" pagsulpot ni Mark dito sa counter na ikinakurap-kurap ko.
Kaagad namang kinuha ng staff ang order nito. Matamis itong ngumiti sa akin kahit nakakunotnoo akong nakamata dito.
"I still remember your favorite, Geraldine." Wika nito na inabot na ang order nito. "Let's go."
Hindi ko ito pinansin na akmang oorder ako ng akin nang muli itong magsalita.
"Ipapahiya mo ba ako? Everyone is looking at us, Geraldine," pabulong pakiusap nito.
Napalinga ako sa mga kasama namin dito sa cafeteria at tama naman siya. Nakamata ang iba sa amin at ang iba naman ay naghihintay na nakapila kasunod naming dalawa.
Napahinga ako ng malalim na sumusukong sumunod ditong matamis na napangiti. Labag man sa loob ko ay naupo ako kung saan ito pumwesto at marami-rami na ring estudyante dito sa cafeteria.
"Ano na naman ba ito, Mark?" naiinis kong tanong.
"Bakit? Dati ko naman na itong ginagawa 'di ba?" painosenteng tanong sagot nito.
Napahinga ako ng malalim na kinuha ang kape at shortcake ko na nagsimulang kumain. Nangingiti naman itong sinabayan ako nang pumasok sila Stella at mga kaibigan nito.
Napataas kilay pa ito na makita kami ni Mark dito sa sulok. Lumapit ang mga ito sa amin na ikinatigil ni Mark sa pagkain na napatingala sa mga itong huminto sa harapan namin.
"Bagay na bagay kayo, Geraldine, Mark. Mga losers." Pang-uuyam nito na ikinaigting ng panga ni Mark.
"Are you sure we are the losers? O baka naman. . . you're talking about yourself, Stella." Nakangising pang-aasar ni Mark dito. "Kasi kung kayo lang din naman ni Geraldine ang pagpipilian? Mas pipiliin ko ang isang inosente at mahinhing katulad niya. . . kaysa sa wasak na wasak na." Makahulugang saad nito na sinadyang iparinig sa mga malapit sa amin.
Napasinghap ang mga nakarinig kay Mark na kapwa namin estudyante habang si Stella ay namula ang mukha at halatang napahiya sa sinaad ni Mark.
"Oh, by the way. I've enjoyed your company. Sa galing mo ba namang mag-blow at handjob ay kahit sinong lalake. . . titirik ang mga mata." Pambubuko pa ni Mark dito na sinasadyang lakasan ang boses. "Pero pasensiya ka na ha? Hindi mo mapapantayan si Geraldine. Sa kantutan ka lang naman kasi may ibubuga."
"Mark, tama na." Pag-awat ko dito na hindi makaimik si Stella at kitang pinagtatawanan na siya ng mga tao.
Maging ang mga kaibigan nito ay napapatakip na lang ng mukha na hiyang-hiya sa mga lumalabas sa bibig ni Mark.
"How dare you." Nanginginig ang boses na asik nitong ikinangisi ni Mark.
"You're the one who started it, Stella. Binigyan lang kita ng magandang laro." Wika ni Mark na tumayo at pumalakpak pa. "Boys, may I have your attention, please?"
Napalingon ang lahat sa amin na bakas ang kasabikan sa mga mata nila habang hinihintay ang sasabihin ni Mark.
"You know this girl, right?" wika nito na itinuro si Stella.
Tumango-tango naman ang mga kasama namin dito sa loob ng cafeteria na nakamata kay Mark. Ngumisi ito na bumaling kay Stella na pulang-pula ang mukha at hiyang-hiya.
"Mag-iingat kayo sa babaeng 'to. Alam niyo ba? Nagkatulo ako matapos niya akong gilingan. Pero sinasabi ko sa inyo na napakagaling niya sa kama. 'Yon nga lang. . . wasak na wasak na."
Nagkatawanan ang mga estudyante na nag-apiran pa sa mga kasama nila.
"So if you wanna fvck her? You better use condom for your protection. Ang hirap mahawa eh. Ilang linggo din akong nagpabalik-balik ng clinic," paturnada nito na ikinahalakhak ng lahat.
Tumayo na ako na inawat ito sa pagpapahiya kay Stella na naiiyak na sa sobrang hiya nito sa lahat. Napakatalim ng tingin na ginagawad nito kay Mark na ngumisi lang sa kanya. Patakbo itong lumabas ng cafeteria na sinundan ng mga kaibigan nito. Naghiyawan pa ang mga kasama naming estudyante na pinagtatawanan si Stella.
Napailing ako kay Mark nang bumaling ito sa akin. Unti-unting napalis ang ngisi nito na mapatitig sa aking bakas ang disappoinment sa aking mga mata.
"G-geraldine."
Napailing ako dito na dinampot na ang bag ko.
"I've never thought you're this kind of man, Mark. Pagkatapos mo siyang magkarelasyon ng ilang buwan, matapos mong pagsawaan ang katawan niya, ito ang igaganti mo?" dismayadong saad ko dito na napalunok.
"Geraldine, she's the one who started it. Ibinigay ko lang ang hinahanap niya. Sawang-sawa na ako na pinapahiya ka na lang niya palagi. Ikaw ba, hindi ka ba naiinis sa kanya? Wala kang ginagawa sa kanya pero palagi ka niyang binabangga at pinapahiya," sagot nito na sinundan akong lumabas ng cafeteria.
"Ano ngayon? Wala naman siyang magagawa kung hindi ko siya papatulan. But what you did to her was too much. Mark, pinahiya mo siya. Ibinilad mo siya sa kahihiyan. Babae rin ako at bilang babae, nasaktan ako sa ginawa mo. Kaya mo palang magpahiya ng gano'n? Ibubulgar mo sa lahat ang mga private things na pinagsaluhan niyo ng babaeng minsan mo ng nakarelasyon?" dismayadong saad ko dito.
"She started it, Geraldine. Sagad na sagad na ako sa babaeng 'yon. Kung ikaw pinapagpas mong pinapahiya ka niya kahit wala kang ginagawang masama? Pwes ako hindi. I can't take it anymore, Geraldine. Sumusobra na siya." Apila pa nito na ikinailing ko.
"Sige na, may klase pa ako."
Napahinga ito ng malalim na malamlam ang mga matang napatitig sa akin.
"Galit ka ba sa akin?" napapalabing tanong nito.
"Mali 'yong ginawa mo, Mark."
"Mali rin naman siya ah."
"Kahit na. Hindi pa rin tama na ibulgar mo ang mga namagitan sa inyo. Sana pinalagpas mo na lang siya. Pinagtatawanan na siya ng mga schoolmates natin." Sagot ko.
"Ano ngayon? Pinag-uusapan at pinagtatawanan din naman siya ng mga lalakeng nakatikim na sa kanya ah. Alam mo ba, may group chat sila at si Stella ang topic nila doon. 'Yong iba nga nagpapasahan pa ng intimate photos at videos nila habang wala silang saplot eh. At ang iba, actual na nagsi-s*x sila sa video." Wika nito na ikinailing ko.
"Tama na, please? Wala akong pakialam sa mga 'yan. Buhay niya 'yan. Ayokong magulo ang utak ko lalo na ngayon at may exam pa ako." Masungit kong sagot na ikinabuntong hininga nito ng malalim.
"What I'm trying to say is, don't get mad at me. Hindi naman ako ang nagbibilad sa kanya sa kahihiyan ah. She did it to herself. Kung kani-kanino siya nakikipag-s*x. Kahit nga dito sa school eh. Nagagawa niyang makipag-s*x. Siya ang nagdala sa sarili niya sa putikan, Geraldine. Hindi ako. At nagsisisi ako. . . na umasa akong magbabago pa ang isang katulad niya." Saad nito na iniwan na ako.
Napailing na lamang akong napasunod ng tingin dito hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.
Bagsak ang balikat ko na pumasok sa room namin kung saan ang sunod na subject ko. Pumwesto ako sa sulok at naglabas ng notes ko na wala pa naman ang professor namin. Nagsisidatingan na rin ang mga classmates ko at si Stella ang topic ng mga ito.
Nagtatawanan pa ang mga ito na usapan ang mga isiniwalat ni Mark kanina sa cafeteria. Hindi na lamang ako umimik na nag-focus sa pagre-review ko sa sunod naming subject.
MAGHAPONG si Stella ang topic hindi lang ng mga classmates ko kundi buong university. Dumalo pa rin naman ito sa mga subjects namin at kitang tahimik ito maging ang mga kaibigan nito. Pero kahit nakaharap ito, lantaran siyang pinagtatawanan at usapan ng mga schoolmates namin at kitang hiyang-hiya ito. Kung wala lang siguro kaming exam ngayon ay nag-cutting class na ito sa kahihiyang inabot.
Pauwi na ako nang madaanan ko ang apartment ni Donnie. Hindi ko alam pero may kung anong bumubulong sa akin na dumaan dito. Wala sa sarili na pumasok ako sa boarding house at tumuloy sa silid na akupado nito.
Akmang kakatok na sana ako sa may pinto na may marinig akong umiiyak mula sa loob.
"See what kind of woman she is? Nagpapanggap lang siyang anghel sa paningin ng lahat. I know her secret, Danny. May sugar daddy siya na sumusuporta sa kanya. Noon pa man ay napapaisip na ako kung saan siya kumukuha ng pera niya. At hindi na ako nagulat na kabit siya ng isang matanda," wika ng pamilyar na boses ng babae.
Naikuyom ko ang kamao na ilang beses huminga ng malalim. Pilit kinakalma ang sarili na sugurin ito sa loob.
"It doesn't matter to me if she's a mistress of someone, Stella..If you're done with your dramas in life? Please, get out now. Ayokong may ibang makakita sa'yo dito at makarating kay Ghie na nagpunta ka dito," saad ni Donnie na ikinalunok ko.
"She's a mistress, Danny. A homewrecker woman. Don't tell me you're falling in love with that b***h?"
"Enough! Get out! And please, don't come back again. Kapag inulit mo pang pumasok dito? Lilipat na lang ako ng matitirhan." Asik ni Donnie na bakas ang galit sa boses nito.
Mabilis akong lumabas ng boarding house nila na marinig ko ang mga papalapit na yabag sa may pinto. Pagkalabas ko ng gate, hinintay ko si Stella na makalabas.
Napahalukipkip ako na hinintay ang paglabas nito na nagulat pa na makita ako.
"At anong ginagawa mo dito?" mataray nitong tanong na ikinangisi ko.
"Eh ikaw? Anong ginagawa mo dito? Oh let me guess. . .may bago ka na namang puntirya noh?" pang-uuyam ko dito na nag-igting ang panga at napakuyom ng kamao.
"Hwag kang umarteng malinis, Geraldine. Dahil mas marumi ka pa sa akin," pang-uuyam din nito na ikinatawa ko.
"Hwag mo akong itulad sa'yo, Stella. Hindi ako. . . kasingbaba mo." Palaban kong sagot na ikinangisi nito.
"Of course, magkaiba tayo, Geraldine. Pero mas gugustuhin ko namang maging playgirl. . . kaysa katulad mo na isang kabit." Nakangising saad nito na napahagod ng tingin sa kabuoan ko.
"Alam ko ang sikreto mo, Geraldine. Kaya hwag kang magmalinis.dahil baka ipagkalat ko pa. . . kung sino ang sugar daddy mo." Pananakot nito na binangga ako sa balikat at iniwang nakatulala.
"Ako kabit? Ang kapal-- oh no. Hindi kaya. . .si Papa ang tinutukoy niya?"