Kabanata 6

1708 Words
GERALDINE: "SALAMAT, ha? Sa pagsama sa aking mamalengke." Saad ko kay Donnie habang papasok kami ng bahay. "Walang anuman. Ikaw pa ba?" sagot nito na ikinangiti ko. "Geraldine!" Natigilan kami ni Donnie sa akmang pagpasok nang may tumawag sa aking boses ng lalake. Kunot ang noo na nilingon namin ito at nabungaran si Mark na palapit. Salubong din ang kilay nito na napasulyap pa kay Donnie at sa pasimpleng pag-akbay nito sa akin. "Ano na naman ba?" naiirita kong tanong dito nang makalapit sa amin. Lumamlam naman ang mga mata nito na mapatitig sa akin. "Mag-usap naman tayo ng tungkol sa atin, Geraldine. Kahit sandali lang, please?" pakiusap pa nito. Pagak akong natawa na napailing sa tinuran nitong ikinalunok nito. "Bakit, Mark? Dahil ba hiniwalayan ka na ni Stella kaya heto ka at nangungulit na sa akin ngayon? Pero noong nilandi ka niya? Bigla mo akong nakalimutan 'di ba?" pang-uuyam ko na dito na napipilan. Napahinga ako ng malalim na yumapos sa baywang ni Donnie na ikinasulyap nito doon na napalunok. Kita ang pagdaan ng kirot sa mga mata nito nang magtama ang aming mga mata. Matapang kong sinalubong ang mga mata nitong nangungusap. "Tama na, Mark. Hwag mo na akong guluhin. Kasi. . . may boyfriend na ako. Masaya na ako at tahimik na rin. Hindi naman naging tayo. Ikaw itong kusang sumuko sa panliligaw mo dahil nagpatangay sa ibang babae. So, please? Tama na. Hwag ka ng mangulit." Pagpaprangka ko ditong nangilid ang luhang nakamata sa akin na kitang nasaktan sa sinaad ko. "Gano'n na lang ba iyon? Oo, nagkamali ako na pinili ko siya. Nagkamali ako na nagpadala ako sa kanya. Pero, Geraldine. May pinagsamahan naman tayo 'di ba? Hindi ko hinihingi na patawarin mo ako kaagad. Pero, pwede bang bigyan mo naman ako ng pangalawang pagkakataon? I promise, this time I'll be better." Pakiusap pa nito na bakas ang pagsisisi sa kanyang tono at mga mata. Napailing ako na tipid na ngumiti dito. "I can't, Mark. I'm sorry. Hindi kita kayang pagbigyan. You've lost your chance." Sagot ko. "Please?" "Tama na. Respeto naman, Mark. May boyfriend na ako." Madiing sagot ko na tinalikuran na namin ito. Dama kong nakasunod pa rin ito ng tingin habang papasok na kami ni Donnie ng bahay. Hanggang sa isinarado na ni Donnie ang pinto, saka lang ako bumitaw sa pagkakayapos sa baywang nito. Nanghihina akong naupo sa sofa namin na napahilamos ng palad sa mukha. Naupo naman si Donnie sa tabi ko na tahimik na pinapakiramdaman ako. "Ang kapal ng mukha niya. Matapos niya akong ipagpalit sa Stella niya, babalikan niya ako ngayong hiniwalayan na siya ng babaeng 'yon?" wika ko na napailing. "Stella?" ulit nitong tanong na ikinalingon ko dito. "Oo. Si Stella. 'Yong classmate ko na kalaban ko sa klase." Sagot ko na ikinatango-tango nito. "Siya ba 'yong. . . 'yong anak ng may-ari sa boarding house?" tanong nito. Natigilan ako na napatitig ditong alanganing ngumiti. "Tama. Siya nga. Bakit, nagpunta ba siya d'yan?" tanong ko dito na tumango. "Honestly, Ghie. Pinuntahan niya ako kagabi." "Ano?" Namilog ang mga mata ko na binundol ng kakaibang kaba sa dibdib sa nalaman. Napailing naman ito na kinuha ang kamay ko at marahang pinipisil-pisil. "Nagpakilala siya na siya ang anak ng may-ari ng boarding house." Saad nito. "Nagulat pa nga siya na makitang napaganda natin ang loob ng silid na akupado ko eh." "Pinapasok mo siya sa boarding mo?" "Siya ang pumasok. Hindi ko na napigilan." Sagot nito na ikinapikit kong napasandal ng sofa. "Hindi sa paninira, Donnie. Pero mag-iingat ka sa babaeng 'yon. Malandi 'yon. At noong nakaraan, pinag-uusapan ka nila ng mga kaibigan niya. Noong sinundo mo ako sa school, doon ko nakumpirmang ikaw ang pinag-uusapan nila. Mukhang ikaw ang bagong target niya kaya hiniwalayan niya si Mark." Pagbibigay alam ko ditong napatango-tango. "No worries, marunong akong kumilatis ng mga babae. Alam ko naman kung anong motibo niya. Hinding-hindi ko iyon. . . ipagpapalit sa'yo." Sagot nito na ikinagapang ng init sa mukha ko. Nag-iwas ako ng tingin ditong nangingiting matiim na nakatitig sa akin. Hindi ko tuloy masalubong ang mga mata nito. "Pero, ano nga ulit 'yong sinabi mo kanina? Ano mo nga ulit ako?" wika nito na may halong lambing. Napalunok ako na bumilis ang pagtibok ng puso ko. "A-ano bang sinasabi mo? Wala naman akong sinasabi ah." Painosente kong sagot na hindi makatingin ng diretso dito. "Akala ko pa naman. . .seryoso ka na," bubulong-bulong parinig nito na ikinagapang ng init sa mukha ko. Tinulungan ako nitong maiayos ang mga pinamili namin. Mabuti na lang at hindi na ito nangulit pa tungkol kay Mark dahil naiilang akong pag-usapan namin ang tungkol doon. "Gusto mong magkape?" tanong ko matapos naming maiayos ang mga napamili. "Sure." Tugon nito na ikinangiti ko. Nagtimpla ako ng kape naming dalawa. Naiilang tuloy ako na matamang niya akong pinapanood. Nilabas ko rin ang peanut butter at pandesal na binili namin na naglagay ng palaman sa pandesal. "Okay lang naman sa'yo ang peanut noh? Hindi ka naman allergy sa peanut?" tanong ko dito na sumilay ang pilyong ngiti sa mga labi. "Nope. Peanut is my favorite. Especially. . . if it's your peanut." Makahulugang saad nito na ikinapilig ng ulo ko. "Ha?" "Ahem! I mean, gusto ko ang mani mo. Ang gawa mong mani," kindat nito na namula ang pisngi at nakapaskil pa rin ang mapaglarong ngiti sa mga labi nito. Magkaharap kaming nagkape habang nagkukwentuhan. "Kumusta ka nga pala sa site? Wala pa rin namang may alam kung sino ka talaga 'di ba?" pag-iiba ko sa usapan namin. "Yeah. They have no idea who am I. Ikaw pa lang ang nakakaalam kung sino ako. Maigi na rin iyon. Nang hindi ako pagkaguluhan," sagot nito. "Siya nga pala. Uhm, hindi kasi maganda ang kutob ko kay Stella. Paalalahanan lang kita bilang kaibigan ha?" wika ko na ikinatango nito. Napahinga ako ng malalim na sinalubong ang mga mata nito. "May access si Stella sa boarding house nila. Hindi malabong puntahan ka niya d'yan kahit anong oras. Lalo na sa gabi. Kursunada ka ni Stella, nag-aalala lang ako na. . . alam mo na. Mapahamak ka dahil sa kanya. Kaya kapag lumalapit 'yon sa'yo, maigi ng umiwas ka sa kanya." Pagpapayo ko dito na tumango. "Yeah. You're right." Pagsang-ayon nito. "Hindi ko naman siya papatulan kung sakali. No worries," kindat nito na ikinangiti ko. Matapos naming magkape, nagpaalam na rin ito. Naligo at bihis na rin ako ng pantulog at gusto ko ng magpahinga. Pahiga na ako ng kama nang mag-vibrate ang cellphone ko na ikinalingon ko doon. Napalunok ako na inabot ito at binuksan ang message mula sa unknown number. "Alam ko ang sikreto mo. Alam ko na. . . kung sino ang sumusuporta sa financial needs mo. If you want me to keep my mouth shut? Sundin mo ang utos ko," pagbabanta nito. Napalunok ako na binundol ng takot at kaba sa dibdib! Maya pa'y muling tumunog ang messenger ko na may nag-send sa akin ng photo na mula sa dummy account. Nangangatal ang kamay ko na binuksan ang message nito at tumambad sa paningin ko ang picture na kuha kung saan lumabas ako sa van ni Papa kagabi! Kuha pa dito ang hawak kong white envelope at teddy bear. "Oh my God! May nakakita sa amin ni Papa! Pero sino siya?" bulalas ko sa isipan na pinagpawisan ng malapot. Napalapat ako ng labi na palakad-lakad dito sa loob ng silid ko. Hindi ako mapakali sa kaalamang may nakakita sa amin ni Papa kagabi. Wala namang kaso sa akin. Pero natatakot ako para kay Papa. Tiyak na babatikusin siya ng mga tao. Maaapektuhan ang pagiging public servant nito. Maging ang pagsasama nila ng asawa nito. Nalalapit pa naman na ang election at tiyak na gagamitin ng mga kalaban niya sa pulitika ang tungkol sa amin! Napapikit ako na ilang beses huminga ng malalim. Kabadong tinawagan ang number na nagbabanta sa akin pero. . . naka-off na ito. Napatitig ako sa teddy bear na nasa kama ko. Nanghihina akong umupo sa gilid ng kama na dinampot ito at niyakap. "I'm sorry, Papa. Hindi ko po hahayaang mapahamak at masira ang imahe mo dahil sa akin. Aayusin ko po ito," usal ko na tumulo ang luhang naiisip ang ama ko. DUMATING ang lunes kung saan ang exam namin. Maaga pa lang ay naghanda na ako sa pagpasok. Nag-review pa kasi ako kaninang madaling araw para makasiguro na natatandaan ko ang mga previous lessons namin. Ayokong may ma-missed ako sa exam namin lalo na't maliit lang ang lamang ko kay Stella. Papasok na ako sa school nang mabungaran ko si Donnie na nandidito sa labas ng gate namin. Nakasakay pa ito sa ducati nito na napangiting malingunan ako. Kahit simpleng cargo black pants at white sando lang ang suot niya ay napakagwapo niyang tignan. "Hi, good morning." Nakangiting pagbati nito. "Good morning too. Anong atin?" tugon ko. "Ihahatid ka." Kindat nito na inalalayan akong makaupo sa bigbike motor nito. "Malapit lang naman ang school ko. Ikaw talaga." Wika ko. "Gusto kitang ihatid eh. Saka maaga pa naman kaya pagbigyan mo na ako, Ghie." Sagot naman nito. Hindi na ako umangal na yumapos sa baywang nito nang paandarin na nito ang motor. Lihim akong napangiti na makapa ang kay tigas nitong pandesal sa tyan. Nakakahiya man pero ang sarap niyang haplusin. Pagdating namin sa tapat ng university, inalalayan pa ako nitong makababa. May mga nagsisidatingan na ring estudyante kaya napapalingon sila sa amin ni Donnie na kinikilig na makita ito. Nagbubulungan pa ang mga ito at ang iba ay kinikilig sa aming dalawa. "Sunduin kita mamaya?" tanong pa nito. "Hindi ka ba abala sa site?" tanong ko naman na ikinailing nito. "Abala pero. . . marami akong free time pagdating sa'yo." Sagot nito na napataas baba pa ng mga kilay nitong ikinalapat ko ng labi na nagpipigil mapangiti. "Sige na. Alis na." "Good luck sa exam mo, bhie." Anito na kay bilis yumuko at humalik sa pisngi kong ikinamilog ng mga mata ko! Napapairit naman ang mga nakakita sa ginawa nito na ikinagapang ng init sa mukha ko! "Alis na." Bulong nito na natulala ako. "E-eto na. Ikaw--mamaya ka sa akin," nauutal kong ingos ditong napahagikhik na nakurot ko sa braso. "Gosh. He kissed me."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD