Kabanata 5

1513 Words
GERALDINE: TINANGHALI na ako nang gising. Alastres na kasi ng madaling-araw nang makatulog na ako. Sabado naman ngayon kaya kampante ako kahit tanghali na gumising. Wala din naman akong ibang gagawin ngayon kundi maglaba at linis lang dito sa bahay. Nangunotnoo ako na mapasulyap sa cellphone kong nakalapag sa ibabaw ng mesa at nag-vibrate ito. Napangiti ako na mabasang si Donnie ang nag-message. "Good morning, Gie. I'll bring food for our lunch. D'yan ako kakain. Okay lang ba?" Nagtimpla na muna ako ng kape ko bago nagtipa ng reply ko dito. "Sure. Hintayin kita." Sagot ko. Nagsimula na rin akong magluto ng agahan ko habang nagkakape. Wala namang masyadong gagawin ngayong araw. Dahil pinapanatili kong malinis at maayos ang bahay. Matapos kong magluto ay kumain na ako. Panay ang check ko sa cellphone ko pero hindi naman na nag-reply pa si Donnie. Marahil ay abala na ito sa site kaya hindi napansin ang reply ko. Pagkatapos kumain, nagligpit na ako ng pinagkainan. Nagsimula na ring maglinis dito sa kusina at sala bago sa silid ko at labas ng bahay. Nagpalit din ako ng mga kurtina, kobrekama, kumot at punda ng unan ko. Kinuha ko lahat ng marurumi kong damit sa may laundry basket na dinala sa banyo kung saan naroon ang washing machine namin. Kinusot ko ng kamay ang mga uniform at puting damit ko habang ang mga kumot ay in-washing machine ko. "Geraldine?" Nangunotnoo ako na may pamilyar na boses ang tumawag sa akin mula sa labas ng pinto. Naghugas na muna ako ng kamay ko na puro sabon bago lumabas ng banyo. "Mark?" Lalong nagsalubong ang mga kilay ko na mapagbuksan ng pinto si Mark na siyang nandito sa labas. Pilit itong ngumiti na hindi matagalang makipagtitigan sa mga mata ko. Sa nakalipas na tatlong buwan nilang magkarelasyon ni Stella, ngayon niya lang ako ulit nilapitan at kinausap. "H-hi," utal na pagbati nito. Napasulyap ako sa dala nitong paperbag na mula sa fast-food na paborito ko. "May kailangan ka ba?" casual kong tanong na ikinakamot nito sa batok. "Uhm, may dala akong tanghalian. Paborito mo." Saad nito na pilit ngumiti. "Ano ngayon? May pagkain naman ako dito sa bahay. Hindi ko kailangan 'yan lalo na't mula sa'yo." Sagot ko. Napalunok ito na kitang nasaktan sa sinaad ko. Kung hindi lang sana siya sumuko sa panliligaw sa akin at bumigay sa panglalandi sa kanya ni Stella? Baka sinagot ko na siya. Mabuti na lang at bago ko pa siya sinagot ay ipinakita na nito ang totoong kulay. "P-pwede ba tayong mag-usap ng tungkol sa atin?" wika nito na nangungusap ang tono at mukha. "Tungkol sa atin? Wala namang tungkol sa atin. Hindi tayo magkaibigan. Lalong-lalo ng hindi tayo nagkaroon ng relasyon." Sarkastikong sagot ko. "Sige na, umalis ka na. Marami pa akong gagawin." Pagtataboy ko. "Kahit saglit lang, Geraldine. Mag-usap lang tayo. Kahit hindi na tayo bumalik sa dati basta. . . basta maging magkaibigan ulit tayo," pakiusap pa nito. "Wala na tayong dapat pag-usapan, Mark. Ikaw ang sumira ng tiwala ko sa'yo. Kaya pwede ba? Umalis ka na." Pagtataboy ko na pinagsarhan na ito ng pinto. Naiinis akong bumalik ng banyo na nagpatuloy sa paglalaba ko. Dinig kong tinatawag pa rin ako nito at kumakatok sa pintuan pero hindi ko na siya pinansin pa. Hanggang sa nagsawa din ito at umalis na rin. Matapos kong maglaba, dinala ko na sa labas ang mga nilabhan ko. Nangunotnoo pa ako na makitang iniwan nito dito sa harapan ng pinto ang dala nitong pagkain. "Nagpapaawa ba siya? Bakit, dahil ba hiniwalayan na siya ng malanding Stella niya?" usal ko na napairap sa pagkaing dala nito. Isinampay ko na muna ang mga nilabhan ko dito sa sampayan sa harapan ng bahay bago bumalik sa loob. Napahinga ako ng malalim na madaanang muli ang pagkain. Kahit naman galing ito kay Mark, hindi ko maaatim na magsayang ng pagkain. Kinuha ko ito na dinala sa loob. Naligo at nagbihis na muna ako bago kinuha ulit ang paperbag palabas at ibinigay sa batang kapitbahay ko. Plano ko kasing magtungo sa palengke ngayon para mamili ng mga kakailanganin ko sa bahay. Minsanan lang ako mamalengke dahil kapag weekdays ay abala ako sa school. Sa weekend lang ako bakante na maglaba, maglinis sa bahay at mamalengke ng mga kakailanganin ko sa araw-araw. "Ghie? Where are you going?" Napakurap-kurap ako na biglang sumulpot si Donnie dito sa gilid ng kalsada kung saan nag-aabang ako ng masasakyang jeep patungong palengke. "Hi, uhm. . . sa palengke sana. Bakit?" tanong ko na napasuri ditong nakasuot ng black pantalon at navy blue vneck shirt na bumagay naman dito. "Samahan na kita." Alok nito. Napalingon ako sa site na pinagtatrabahuan nito at kitang abala ang mga trabahador nila. "Sigurado ka? Hindi ka ba nila hahanapin?" tanong ko. "Hindi 'yan. Nand'yan naman ang foreman namin eh. Tara," anito. "Teka, sa jeep na tayo." "Hwag na. Sa motor ko na lang." Wala na akong nagawa nang hawakan na nito ang kamay ko na hinila ako sa motor nitong nakaparada sa gilid. "Pare, hiramin ko na muna ang helmet mo ah?" pamamaalam nito sa isang kasamahan nito sa site na tumango at thumbs up sa kanya. Matamis itong ngumiti na napakindat pa sa aking naiiling na hinayaan itong suotan ako ng helmet. "Sigurado kang sasama ka? Ang dumi ng kamay mo oh?" aniko na inalalayan ako nitong makasakay ng bigbike motor nito. Mataas kasi ito na kailangan ko pang kumapit sa balikat niya para makaakyat ako at hanggang baywang ko na ang taas ng upuan nito. "Maghuhugas ako mamaya. Kaysa naman hayaan kitang mag-isa." Saad nito na nagsuot na rin ng helmet. "Naistorbo pa tuloy kita." "Hindi ka naman abala sa akin." Napangiti ako sa isinagot nito. "Kumapit ka," Anito. "S-saan ba?" Napasinghap ako na kinuha nito ang dalawang kamay ko at ipinulupot sa baywang nito. Bumilis ang t***k ng puso ko na nakayakap ako dito at damang-dama niya ang hinaharap ko. "Kumapit ka," saad nito. "N-nakayakap na ako sa'yo." "Okay lang 'yan. Ang sarap nga eh." "Ano?" "Wala. Sabi ko, kumapit ka lang. Baka mahulog ka." Napalapat ako ng labi na nakurot ito sa tyan na natawa. Sumubsob ako sa balikat nito na pinasilab na nito ang motor nito. Hindi pa naman ako sanay sumakay ng motor lalo na't ang taas ng bigbike nito. Parang lulukso ang kaluluwa ko sa katawan ko habang nasa kahabaan kami ng kalsada. PAGDATING namin sa palengke, magkahawak kamay kaming pumasok. Hindi tuloy maiwasang pagtinginan siya ng mga tao na agaw pansin ang kagwapuhan nito. "Sandali lang," pigil ko na may madaanan kaming nagtitinda ng sumbrero. "Ate, isa nga." Kumuha ako ng isangdaang piso sa wallet ko na pinambayad sa sombrero. Napaikot na lamang ako ng mga mata na halatang nagpapa-cute pa ang tindera kay Donnie kahit hindi ito sinusulyapan ni Donnie at hawak-hawak pa nito ang kamay ko. "Tara," aniko na hinila na ito matapos bayaran ang sumbrero. "Isuot mo nga ito. Pinagtitinginan ka nila." Utos ko. Sumunod naman ito na isinuot ang sumbrero na nangingiti pa. "Hindi nila ako maaagaw sa'yo, Ghie." Tudyo nito na ikinagapang ng init sa mukha ko. "Wala naman akong sinasabi ah." Nakangusong sagot ko na ikinangiti nito. "Akala ko kasi. . . pinagdadamot mo ako eh." "Magtigil ka nga. Mamalengke na lang tayo." Pag-iiba ko. Lihim akong nangingiti habang namamalengke kami ni Donnie. Ang laki kasi ng natitipid ko. Napakabolero nito sa mga tindera kaya hindi nila mahindian ang mga pagtawad nito sa mga pinapamili namin. Effective naman ang pagpapa-cute nito at pagbola-bola sa mga tindera kaya nakaka-discount kami sa mga pinamimili namin. Para nga kaming magkasintahan na hindi nito binibitawan ang isang kamay ko. Habang ang isang kamay nito ang may bitbit sa mga pinapamili namin na tila hindi manlang ito nabibigatan. Nagfi-flex tuloy ang biceps nito na kay tigas. "Baka may nakalimutan ka pa ha?" anito habang palabas na kami ng palengke. Napanguso ako na sinusuri ang listahan na dala ko. Naka-check naman na lahat ng nilista ko kaya tiyak akong nabili namin lahat. "Tingin ko wala na. Pero, kumain na muna tayo." Sagot ko. "Sige." Napangiti ako na isang kaway lang nito ay sumulpot ang dalawang bodyguard nito na naka-casual ang suot. "Bring this to her house," utos nito na iniabot ang mga pinamalengke namin sa dalawang tauhan nito. Iniabot ko rin ang susi ng bahay. "Salamat po." Yumuko ang mga ito sa amin na tumango bago kami iniwan. "Saan tayo?" anito nang makita naming sumakay na sa kotse sa 'di kalayuan ang dalawa. "May alam akong paresan dito. Masarap doon," sagot ko na hinila ito sa paborito kong kainan malapit dito sa palengke. Napababa ang tingin ko sa kamay namin nang pinagsalinop nito ang mga daliri namin. Napalunok ako na bumilis ang pagtibok ng puso ko na maramdaman itong pinisil ang kamay ko. "What's wrong, bhie?" Napatingala ako dito na matiim na palang nakatitig sa akin. "Bhie?" ulit kong tanong na ikinalapat nito ng labing pinamulaan ng pisngi. "Nah, I said, Ghie. Namali ka lang ng dinig," sagot nito na ikinangiwi ko. "Hmfpt," ingos ko ditong napahagikhik. "Ginawa pa akong bungol."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD