GERALDINE:
NAGING abala kami ni Donnie na magkatulong inayos ang mga gamit nito. Pasado alasotso na ng gabi nang maayos namin ang boarding house nito. Nagpintura din kasi kami ng dingding at ceiling kaya umaliwalas ang silid. Naglagay din kami ng floormat at carpet sa buong boarding nito na ikinaganda nito.
"Pasensiya ka na ha? Ang dami nating ginawa pero ito lang ang hapunan natin," anito habang kumakain kami.
Hindi na kasi kami nakapagluto ng hapunan kaya nagpa-deliver na lang ito sa kilalang fast-food dito sa amin.
"Wala 'to. Ang sarap nga eh. Favorite ko kaya ang chicken McDo," aniko na ikinangiti nito.
"Parang hindi nga nakakabusog eh."
"Kumain ka ng marami para mabusog ka."
Natawa naman ito na napatango-tango. "Siya nga pala, Gie."
Nilingon ko ito na nagtatanong ang mga mata dito. Uminom na muna ito ng tubig bago seryosong bumaling sa akin.
"If. . . if you need money or anything. Don't hesitate to ask me," anito na ikinalunok ko.
Ngumiti ito na inabot ang kamay kong ikinabilis ng t***k ng puso ko.
"Uhm, don't get offended ha? Narinig ko kasi ang usapan niyo kanina nung kausap mo sa cellphone." Saad nito na marahang pinipisil-pisil ang kamay ko.
"Wala 'yon. Binibigay niya lang ang para sa akin, Donnie. Hwag mo ng pansinin ang bagay na 'yon. Salamat sa offer," sagot ko na pilit ngumiti dito.
"Nandito ako, Gie. Hwag kang magdalawang-isip na magsabi sa akin kung may kailangan ka. Masaya akong makatulong ako sa'yo," puno ng sensiridad nitong saad na ikinatango ko.
"Salamat, Donnie."
Tumango ito na muling nagpatuloy kumain.
MATAPOS naming kumain ay inihatid na ako nito sa bahay. Maagang natutulog ang mga tao dito sa amin. Kaya kahit mahigit alasotso pa lang ay nakasarado na ang mga bahay.
"Tuloy ka. Gusto mong magkape na muna?" aniko pagkapasok namin sa bahay.
"Teka, wala ang Nanay mo?" pabulong tanong nito.
Inilapag nito sa center table dito sa maliit naming sala ang bag, books at uniform ko na siya ang nagdala.
"Sinabi ko naman sa'yong mag-isa lang ako dito," sagot ko.
"Ha? Pero sabi mo noong nakaraan, nasa likod bahay ang Mama mo," naguguluhang tanong nito na mahinang ikinatawa ko.
Nagtungo ako sa kusina. Sumunod naman ito sa akin. Nagtimpla ako ng kape namin. Naupo naman sa silya na nakasunod ng tingin sa akin na nagtatanong ang mga mata.
"Gusto mong makita si Mama?" tanong ko.
"O-oo sana. Dalawang beses na kasi akong pumasok dito. Nakakahiya na hindi ako nagpapaalam sa magulang mo." Anito na ikinatango ko.
"Dalhin mo ang kape mo. Tara sa likod." Sagot ko na ikinasunod nito.
Dala ang kape namin ay nagpunta kami sa likod bahay. May kubo na nakatayo dito. Maliit na garden ng iba't-ibang gulay at bulaklak. Alagang-alaga ko ang garden dito sa likod dahil hobby ito noon ni Mama. Kaya kahit wala na siya ay pinanatili kong may mga pananim dito. Lalo na ang mga paborito niyang bulaklak. Ang sunflower.
Ini-switch ko na muna ang ilaw dito sa likod bahay. Madilim na kasi dito kapag gan'tong gabi. Mataas naman ang bakod namin kaya walang mangangahas akyatin ito para pasukin ako. Isang taon na akong mag-isa sa bahay pero wala pa namang nagtatangkang pasukin ako dito sa gabi.
"Halika," aniko.
Nakasunod naman ito na naigala pa ang paningin. Dinala ko ito sa kubo. Kung saan ang nitso ni Mama. Napalunok ito na mapatitig sa nitso na tila nakuha na nito ang ibig ko.
Ibinigay ko na muna dito ang kape ko na kinuha nito. Inayos ko ang mga bulaklak sa vase na nakapaibabaw dito sa nitsu ni Mama.
"Mama, magandang gabi po. Uhm, may kasama nga pala ako. Bagong kaibigan ko. Si Donnie," nakangiting saad ko na hinaplos ang larawan ni Mama na nakapatong dito sa ibabaw ng nitsu niya.
Bumaling ako kay Donnie na nakamata din sa larawan ni Mama.
"Siya ang Mama ko, Donnie. Dito ko siya ipinalibing noong nakaraang taon kasi ayokong mawalay sa kanya. Kahit ang katawan niya manlang ay manatiling malapit sa akin." Aniko na ikinatango nito.
"Hindi mo naman sinabing patay na siya. Akala ko. . . nakabukod lang siya ng tirahan sa'yo," mababang saad nito na ikinangiti ko.
"Hindi ba't ang sama ko namang anak no'n kung buhay pa ang ina ko pero ibubukod ko na siya ng tirahan?"
"Yon nga eh. Kaya naguluhan ako kung bakit nandito sa likod bahay ang Mama mo. Hindi mo naman sinabing. . . dito nakalibing ang ina mo." Anito na ikinangiti kong kinuha ang kape kong hawak nito.
ILANG minuto kaming tumambay sa kubo ni Donnie bago bumalik sa loob ng bahay. Nagpakilala naman ito ng maayos sa puntod ni Mama na lihim kong ikinangiti.
"Lock the door, hmm? Tawagan mo ako kapag may problema dito," anito na inihatid ko na siya sa tapat ng pinto.
Tumango ako na ngumiti dito. "Sige, ikaw din. Ingat ka," sagot ko.
Ngumiti ito na hinaplos pa ako sa ulo bago tuluyang lumabas ng bahay. Napasunod ako ng tingin ditong kumaway pa bago tuluyang nawala sa paningin ko. Tatlong bahay lang naman ang pagitan namin sa boarding house nito.
Isinarado ko na ang pinto at nag double lock bago tumuloy ng banyo na naglinis ng katawan ko. Matapos kong mag-shower ay dinala ko na sa silid ang mga gamit kong naiwan dito sa mesa.
Habang naglalagay ng moisturizer sa katawan ay nag-vibrate ang cellphone ko na ikinakunot ng noo ko. Dinampot ko iyon na napangiting mabasang si Papa ang nag-text.
"Nandito ako sa tapat. Lumabas ka na muna."
Nagsuot ako ng jacket at naka-pajama at sando lang ako. Excited akong lumabas na napangiting makita sa 'di kalayuan ang isang puting SUV. Lumapit ako dito na hindi mabura-bura ang ngiti sa mga labi ko.
Pagkatapat ko ay bumukas ang pinto kaya pumasok na ako. Lalong lumapad ang ngiti ko na makita din sa wakas. . . ang ama ko!
"Papa!" aniko na hindi na napigilang yakapin ito.
Mag-isa lang naman siya kaya hindi na ako nag-aalala na tawagin siyang Papa ko. Niyakap din naman ako nito pabalik na pinaghahalikan sa ulo ko na ikinangiti kong tumulo ang luha.
"Kumusta po kayo? Gusto niyo pong magkape muna?" saad ko na kumalas na dito.
Nagniningning ang mga mata kong nakatitig ditong nakangiti ding hinaplos ako sa pisngi at mariing hinagkan sa noo.
"Maayos naman ako. Ikaw, kumusta ka?" balik tanong nito.
"Okay lang po."
"Sino 'yong lalakeng lumabas kanina sa bahay niyo? Nobyo mo ba iyon?" tanong nito na ikinailing ko.
"Hindi po. Inihatid niya lang po ako. Kaibigan ko lang po iyon." Sagot ko na ikinatango-tango nito.
"Mag-iingat ka ha? Mag-isa ka pa naman sa bahay mo at babae ka. Hindi naman masamang makipag kaibigan. Pero iwasan mong magdala ng kaibigan sa gabi sa bahay mo lalo na't mag-isa ka. Lalake pa naman iyon." Pagpapayo nito na ikinatango-tango ko.
"Opo, Papa."
Saglit itong natigilan na napatitig sa akin. Bakas ang tuwa at lungkot sa mga mata nito na inabot akong hinaplos sa pisngi.
"Ang ganda-ganda ng anak ko pero tinatago ko. At hindi ko manlang maipagsigawan na. . . anak ko 'yan." Anito na nangilid ang luha katulad ko.
Napalabi ako na hinawakan ang kamay nitong nakasapo sa pisngi ko.
"Patawarin mo ako, Geraldine. Hindi manlang kita maipakilala sa publiko na anak ko. Believe me or not? Gustong-gusto kong ipagsigawan na anak kita. Pero paano ko iyon gagawin kung ikakapahamak mo?" anito.
"Marami akong kalaban sa pulitika. Tiyak na gagamitin ka nila laban sa akin kapag ipinakilala kita sa publiko. Idagdag pa. . . ang asawa ko." Mababang saad nito na nag-iwas ng tingin sa mga mata ko.
"Naiintindihan ko naman po eh. Hwag niyo na pong alalahanin ang bagay na iyon. May tampo ako kasi hindi ko manlang matawag na Papa ang ama ko. Pero. . . mahalaga pa ba iyon? Ang mahalaga naman ay kahit paano hindi niyo pinapabayaan ang financial needs ko. Hindi ako naghihirap dahil sa tulong niyo. Alam ko rin namang nahihirapan na kayong pumuslit sa asawa niyo para maabutan ako ng pera." Sagot ko na ikinangiti nito kahit hindi iyon abot sa kanyang mga mata.
Maya pa'y kinuha nito ang isang white envelope sa bag nito na iniabot sa akin.
"Thirty thousand 'yan. Sinobrahan ko na para may pang-allowance ka. Bumili ka ng para sa sarili mo. Deserve mo ding i-treat ang sarili mo." Anito na ikinangiti ko.
"Salamat po."
Hinaplos ako nito sa ulo na ngumiti. "Ingatan mo ang sarili mo ha? Kumain ka ng marami at hwag mong abusuhin ang sarili mo. Good luck nga pala sa exam mo. Alam kong. . . kayang-kaya mo 'yon."
Niyakap ko ito na tumulo ang luha. Hinahagod-hagod naman ako nito sa likuran na panay ang halik sa ulo ko.
"Salamat po. Salamat pinuntahan niyo ako dito. Namis ko po kayo. Mis na mis ko po kayo. . . Papa."
"Mis na mis din kita. Mag-message ka lang sa private number ko kapag may kailangan ka ha? Kahit ano pa iyan. Tawagan mo lang ang number ko kapag kailangan mo ng tulong," saad nito na ikinatango-tango ko.
May isang number kasi si Papa na ako lang ang may alam ng number niya na 'yon. Doon ako nagti-text o tawag sa kanya para hindi siya mahuli ng asawa niya.
"Sige na, pumasok ka na sa bahay. Kunin mo ito," anito na inabot ang isang human size teddy bear na kulay purple na ikinangiti ko.
Inabot ko iyon na niyakap na ikinangiti nitong nakamata sa akin.
"Ang ganda nito. Salamat po, Papa."
"Walang anuman. . . anak."
Napalabi ako na niyakap itong natawa na niyakap din ako pabalik. Ang sarap palang marinig mula sa sarili mong ama na tawagin ka niyang. . . anak.
"Yong bilin ko ha? Ingatan mo ang sarili mo." Anito na ikinatango kong mabilis na humalik sa pisngi nitong napangiti.
"Opo. Kayo din po. Mag-iingat po kayo sa pagmamaneho. Salamat po dito." Sagot ko na inginuso ang hawak kong sobre at teddy bear.
"Walang anuman, anak ko. Sige na, goodnight."
Bababa na sana ako nang pigilan ako nito sa braso na ikinalingon ko ditong ngumiti sa akin.
"Mahal kita, anak ko. Mahal na mahal kita." Naluluhang saad nito na ikinangiti kong niyakap itong muli.
"Mahal na mahal ko din po kayo, Papa. Mahal na mahal ko po kayo." Sagot ko na kumalas ditong hinagkan ko sa noo.
Napangiti ito na hinagkan din ako sa noo bago ako tuluyang bumaba ng van. Yakap ang teddy bear ko ay bumalik na ako ng bahay. Bago ako pumasok ng gate namin ay kumaway na muna ako ditong bumusina na ikinangiti kong tuluyan ng pumasok ng bahay.
Magaan ang loob ko na dinala sa silid ang teddy bear na bigay ni Papa. Ang laki nito na ang lambot yakapin. Nahiga ako ng kama na yakap-yakap ito na iniisip si Papa. Ito ang unang beses na may binili siyang regalo para sa akin. Madalas kasi ay pera lang ang binibigay nito at ako na ang bahalang bumili ng gusto ko.
"Sana dumating din ang araw. . . na ikaw ang katabi kong matulog, Papa." Usal ko na tumulo ang luhang mas niyakap pa ang teddy bear ko.