Chapter 8

2280 Words
“ANING, AMPUTA,” anang kasama niya nang tawanan ni Ari ang kahera. Hindi niya rin alam kung bakit siya tumatawa. Kagagaling lang nila sa isang pot session sa bahay ni Keeno at nang makita ang oras ay naalala nilang gagawa pa pala ito ng cake. Iiling-iling na lang ang kahera, kung ‘di siya nagkakamali ay natatawa rin ito sa kanila.  “Ano ba kasing sabi? ‘Di ko naintindihan, eh,” tanong niya kay Keeno. “Ewan ko. Wala ‘ko sa huwisyo,” sagot nito habang nilalagay sa eco bag ang mga pinamili nila. Nang makalabas ng supermarket ay binuksan niya ang white chocolate na binili nila at naghati sila niyon. Sabay silang kumakain habang pabalik sa apartment nito. ‘Di niya alam kung anong kalalabasan ng ibe-bake nito pero bahala na. She’s pretty sure he’s done a lot of other things while being high.  Ari texted Iya. Musta? Uhm. I’m soo nervous. Aww, no need. I’m sure Ale has the jitters, too. Iya replied with a bunch of emojis.  She fell asleep and was awakened by her phone ringing. “When are you gonna be here?” anang isang tinig ng lalake sa kabilang linya.  Sa nanlalabong mga mata ay tiningnan niya ang screen. “Oh, hey, Samael. Kagigising ko lang,” si Ari. Tiningnan niya ang paligid. Kalat sa buong kabahayan ang amoy ng cake. Tumayo na siya at pumasok ng kusina. Malinis iyon at wala ang kaibigan. Binuksan niya ang ref at nakita ang cake sa loob niyon. “Hmm, gawa naman na ‘yong cake. Mayamaya siguro nandiyan na kami. Marami na bang tao?” tanong niya. “Just a few friends. Be safe, okay?” “Yes, sir. Thank you.” Pagkatapos ng tawag na iyon ay tumunog na naman ang cell phone niya. Nang makita kung sino ang nag-text ay bumalik siya ng sofa at sumalampak ng upo. Matagal siyang tumitig sa kisame at nang mahimasmasan ay si Ale ang t-in-ext niya. Nangungumusta ang baklaaa. Ale didn’t fail her and she replied immediately. Block mo na ‘yan, tanga. Nang ‘di siya agad nag-reply ay tinawagan na siya nito. “Na-block mo na?” bungad nito. “Hindi pa.” “May boyfriend ‘yan. ‘Wag ka na riyan. Sa iba ka na lang.” “Hmm.” “Hmm, hmm pa raw. Pag-uwi ko, ako ang magba-block diyan, sinasabi ko sayo. Ano ba pinakain sa ‘yo niyan? Kalbuhin kitang bilat ka.” “Magaling mangain,” pang-aasar niya rito. “Hayop, sinasabi ko na. Iba ang habol. Imposibleng type mo talaga ‘yang pangit na ‘yan,” pang-aalaska nito. Natawa siya ng malakas. “Mapanglait kang babae ka. Walang pangit-pangit sa talented.” “Tse.” “Sige na, mag-enjoy ka na riyan.” Siya na ang pumutol ng tawag. Inaantok pa rin siya at gusto na lang matulog buong magdamag. Ngunit naka-oo na siya sa imbitasyon ni Samael at nakakahiya naman kung last minute siya umayaw.  Pupungas-pungas na lumabas ng kwarto nito si Keeno. “Ano, tara na?” anyaya niya rito.  “May sabit. Nag-text ‘yong amo ko, hindi makakapasok ‘yong isang kusinero. Ako ang pinapapasok,” imporma nito. . Napabuntong-hininga siya sa narinig. “Magpayaman ka na nga lang. Ako na lang ang pupunta roon ng mag-isa. Parang kupal naman ‘yang amo mo.” reklamo niya rito. “Hindi pa masyadong nagtatagal iyong cake sa ref pero pwede na siguro iyon. Magbibihis lang ako tapos sibat na tayo,” anito at muling pumasok ng kwarto. “ARE YOU ENJOYING, love?” tanong sa kanya ni Samael nang maabutan siya nito sa terrace na nag-iisa at nagpapahangin.  “Nagpapababa lang ako ng tama,” sagot niya. “Enjoy naman. Ang sarap mo pala magluto.” Napangiti ito ng malawak. “Sabi nga nila. But thank you. I appreciate that.” “Sabi ko pass muna ako sa inom-inom na ‘yan, eh. Ang pilit mo,” aniya rito. Napakamot ito sa ulo. “Wine lang naman,” dahilan nito. “Oo nga. Kaya tinanggap ko na rin.”  “Samael,” tawag ni Belle sa kasintahan nang makita sila nito sa terrace. “Hey, Ari. Did you enjoy the dinner?” pagkumusta nito. Tumango siya. “Yes. Thanks for having me here. I love the rustic design you have going on here.” “Samael helped me put it,” anito sabay lingkis sa boyfriend. “Aww. Happy Birthday, jolie.”  They hugged and kissed each other on the cheeks. Belle invited them inside because it’s time to cut the cake. Moments later, the atmosphere kinda changed and everyone was laughing. She’s starting to join the conversation of two Latino guys and she heard them talking about filming or something. Apparently these guys work with Samael and they were filmmakers. Having that information escape her back then, she never knew. So, he’s a filmmaker? Huh. Interesting. They asked her what she does for work and she answered she’s a receptionist. Somehow their conversation drifted from there to her s****l orientation. “So, you like both genders, right? How do you find me?” tanong ng isa sa kanila. “Ew. Why would you insert that into our conversation?” aniya na asar sa paraan ng pananalita nito. Para namang ikabababa nito kapag hindi nito nakuha ang opinyon niya tungkol sa panlabas nitong anyo. She doesn’t wanna be rude so she said, “For what it’s worth, you’re good looking. So relax.” She then quickly left the two to their own d**k competition.  She received a text from Keeno asking her if they like his cake. 10/10 is what she replied.  “Hey, Belle, where’s the bathroom?” she asked the celebrant. Itinuro nito ang direksyon at nagpasalamat siya. Nginitian niya lang ang mga nakasalubong na ibang bisita ni Belle. Nang tangkain niyang buksan ang pinto ay sarado iyon kaya kumatok siya. “Espera.” A man’s voice said. Pakiramdam niya ay ang tagal na niyang naghihintay kaya kinalampag na niya ang pinto. “¡Vaya! ¿Estás sorda o que?” sabi ng tinig sa loob ng banyo. Pinagkrus niya ang mga braso sa dibdib at hinanda ang sarili sa pagbukas ng pinto. Niluwa niyon si Samael at ang boyfriend nitong si Archie na may Caucasian features.  “Puto,” aniya. “Va. Naiihi na ako,” aniya kay Samael. Pupungas-pungas pa ang mga mata ng kasintahan nito at nang makita siya ay nginitian siya nito. “Disculpa. Ya puedes entrar.” ani Archie at lumabas na. Si Samael naman ay naghugas muna ng kamay. Pinagmamasdan niya lang ito mula sa salamin hanggang sa natawa siya.  “Momoland ka, girl?” tukso niya. Napangisi ito. “Istorbo.” Iyon lang at iniwan na siya nito. LINGGO. Wala siyang balak umalis sa kama niya ngunit ito lang ang araw na makakasama niya ang mga magulang kaya pinilit niya ang sarili na bumangon. Nakapagluto na sila at nakahain na rin ang mesa. Kulang na lang ng taga-lantak ng pagkain. “Sabi nitong ate mo, may boyfriend ka na raw,” bungad ng tatay niya. Ang aga naman nito mag-umpisa. Binalingan niya ang kapatid. She thought she was clear when she said she’s single. Mapang-asar talaga ang isang ito. “Girlfriend lang ang meron,” tukso niya sabay upo sa pwesto niya sa hapag. “Charice Pempengco ka ba?” tanong ng nanay niya.  “Hindi. Bi nga, eh. Ibig sabihin, bet mo both gender. Pero waz, mga babae trip ko, as far as I know,” sagot niya. “Eh, ba’t no’ng tinatanong ka ng Tita Plari mo kung katulad ka niya, sabi mo hindi?” tanong pa ulit nito. Napakamot siya sa ulo. “Tomboy naman ‘yon. Paulit-ulit ka naman, ‘Nay,” reklamo niya. “Naku, sayang lahi. Itigil mo ‘yan,” pinal na wika nito.  “Kay ganda mong bata, eh,” ang tatay niya naman. “Sinabi ko na, ‘di ba. Maghanap ka ng Kastila o ‘di kaya’y ibang lahi.” Kinilabutan siya. “No, thanks.” “Hayaan niyo na nga ‘yan si Amari,” singit ng kapatid niya. “Ba’t hindi niyo matanggap na ganyan siya?” Umingos ang nanay niya. “Paano, gumagaya sa kaibigan. Iyang si Ale ba may girlfriend na?” “Amari naman, hindi ka naman ganyan dati. Nagsimula lang ‘yan nang mamuhay ka na rito,” ang tatay niya. Nawalan siya ng ganang kumain. “Hindi ako gumagaya sa kaibigan ko. ‘Wag niyong pinapakialamanan ang buhay no’n. Hindi ako ganito dati dahil hindi ko naman alam na ganito nga talaga ako. Kaya laking pasasalamat ko na napunta ako rito dahil—” “Naiintindihan ko namang magaganda talaga ang mga babae rito,” singit ng nanay niya. “Kahit itong tatay mo ay napapalingon. Nagagandahan ka lang sa kanila. Normal naman ‘yan. May naging girlfriend ka na ba?” Nagdududa ang tingin nito sa kanya. Umiling siya. “Wala… pa.” Booty call lang lahat. “Eh, sino ga iyong lalake na sinasabi ng kapatid mo?” si tatay. “Kaibigan ko po iyon. Friend din ni Ale. Naki-birthday nga ako sa kanila kahapon,” sagot niya. “O, baka kung kani-kanino ka na lang mapasama,” paalala ng nanay niya. “Kumain na nga lang tayo,” sabi niya. Wala na talaga siyang gana kumain pero pipilitin niya na lang kaysa mauwi pa sa away ang umaga nilang lahat kapag hindi siya sumalo sa almusal.  Nag-videoke lang silang magkapatid maghapon habang nagpapaaraw ang mga magulang sa parke. Nang maubusan sila ng kanta at pawang tinatamad maghanap ng panibagong kanta ay hinarap siya ng Ate niya. “Magsabi ka nga ng totoo,” pukaw nito. Napatingin siya agad dito at kinabahan. “Lesbiana ka ba?” tanong nito. “I thought I was but then I’m kinda attracted to a guy friend of mine right now so whatever. The attraction with men is always there but this one is stronger,” mabilis na sagot niya, tila takot na kung pananatilihin niya iyon sa isipan ay baka hindi totoo ang nararamdaman niya.  “May naging girlfriend ka na?” tanong pa ulit nito. Umiling lang siya. “Seryoso?” Tumango siya. “May dine-date ka?” Umiling siya. “Eh, ano lang? Paano mo nasabi na bisexual ka nga?” naguguluhang tanong nito. Natahimik siya at inisip kung paano ipaliliwanag ang sitwasyon niya. “Sabihin na lang natin na… may mga bagay na ako lang ang makakaintindi. Alam mo ‘yong attraction na hindi lang paghanga, hindi ka lang mapapasabi ng ‘she’s gorgeous’. It was a weird feeling to find validation because all the guys I see here are handsome as hell yet here I am giving second looks to women when they catch my eyes.” “So what did you do?” curious na tanong nito. “Kinausap ko si Ale. Little did I know, confused din pala siya. So we started to unearth all the thoughts that made us stay up late. We talked to colleagues, we visited groups that supports l***q+ community.” “Yeah?” Tinitigan niya ito. “May mali ba kung magkagusto ako sa isang babae?” Tinawanan siya ng kapatid. “Tanggap ng nanay at tatay ang mga kamag-anak nating bakla at tomboy pero ikaw na bisexual ay hindi. Iyan ang hindi ko ma-gets sa kanila. At tsaka iba naman ang environment dito kung saan ine-embrace ang pagiging gay at lesbian. I’m surprised hindi nila na-a-adapt ‘yon. I don’t know, maybe deep down they just want you to have a normal life. Alam mo ‘yon?” “Hindi,” sagot niya. “Kaya nilang suportahan ang mga kamag-anak natin sa panahong makaluma ang pag-iisip pero ngayong nandito tayo sa Espanya at ibang mundo na ang ginagalawan, ako pa ang hindi nila mabigyan ng suporta. Like I already said, I’m a f*****g bi. I didn’t wanna say it out loud that I am attracted to a guy now because I don’t wanna confirm it. I don’t want to find comfort in my parents’ opinion that I’m just having a phase. I don’t wanna stray away from me being bi because I thought that’s my only identifier. I built myself around it. And then a guy will just come and be like, ‘f**k me’?”  Her sister was shocked. “Did he literally say that?” “What? No,” Ari sighed. “I meant, I suddenly had the urge—feeling that, oh, he’s handsome. And then one day when I looked at him like what I was always doing when I’m with him, I thought… oh, s**t. My heart skipped a f*****g beat.” “Hmm,” anang kapatid niya at tumingin sa malayo. “Hmm?” ulit niya. Iyon lang ang sasabihin nito? Hindi na niya ito pinilit dahil ayaw naman niyang sabihin ang lahat ng ginagawa niya sa buhay. May mga bagay na hindi naman kailangang sabihin pa. Hindi nito kailangang malaman na suki siya ng Pensión Segre kapag may imi-meet siya. Katulad nito ay tumingin na lang din siya sa malayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD