Chapter 7

1988 Words
ARI WAS DEAD TIRED FROM WORK. Katatapos niya lang magbihis at palabas na siya ng vestuario nang tumunog ang cell phone niya. Tinatawagan na naman siya ni Samael. Parang every other day ito kung tumawag. Minsan pa ay nagyayayang lumabas. Siya naman ay madalas na wala sa mood lumabas na ito ang kasama dahil panay rin ang pasyal niya kasama si Iya. Hindi na niya kayang makipag-socialize ng todo. Ang aga niyang nagsimula sa paglabas-labas na inuumaga na ng uwi kaya nagsasawa na rin siya.  Kaya ngayon, ang mga pinupuntahan nila ni Iya ay museums, basilica at cathedral, pati na rin ang mga muntanya at ibang libreng puntahan katulad ng laberinto basta may sinusunod na araw kung saan walang kailangang bayaran. Nagbababad din sila sa beach upang magpaaraw.  Hindi naman laging nandito si Iya kaya nililibot niya ito sa pwede nilang puntahan pagkalabas niya ng trabaho. Sa malalayo sila pumapasyal tuwing fin de semana. Hindi nakakasama si Ale dahil bumabawi ito sa trabaho sanhi na malaman-laman niya ay kasama itong pupunta ng Zaragoza. Eh, ‘di sila na, sa isip-isip niya. Buti ang dalawa ay makakagala pa outside Barcelona. Aside from that, they have all the time in the world for each other. Walang siya, walang Ari na sabit, walang third wheel.  Ang sabi sa kanya ni Iya ay hindi pa naman sila pero may mutual understanding na. Siya naman itong napaingos dahil hindi pa ba MU na matatawag iyon kung babiyahe pa sila sa ibang lugar? Nang dalawang araw? Gano’n?  Inggit lang kamo siya, ah.  Nakikipanuluyan si Iya kay Ale para mas tipid daw kaysa mag-bnb pa ito. Magdi-dinner daw ang dalawa mamaya paglabas ni Ale ng trabaho. Niyayaya siya ngunit tumanggi siya dahil walang araw na hindi siya kumakain sa labas at nagrereklamo na ang bank account niya.  Sa ikalawang ring ng cell phone ay sinagot na niya ang tawag ni Samael. “Hello,” bati niya. “Hi. Nakaistorbo ba ‘ko?”  “Palabas na ako ng work. What’s up?” Minsan ay nagdududa na siya kung ano ba talaga ang gusto nito mula sa kanya. Simpleng pagkakaibigan lang ba o may iba pa? Maybe it’s just her. Gustong-gusto kasi nitong nakikipagkita sa kanya. Dahil magkaiba sila ng circle of friends at si Ale ay busy sa trabaho o ‘di  kaya’y kasama si Iya, habang si Lewis naman ay hindi niya trip makasama, hindi na ito nagyayaya pa ng iba. Sinabi niya rin dito na hindi siya marunong makitungo sa maraming tao. Madalas siya kung ma-out-of-place. Hindi niya kayang makipagsabayan sa ingay at sa agos ng usapan lalo na kung hindi niya gusto ang mga kasama niya. She’s good in a group of three. If there’s more and she can’t vibe with them, it’s either they suck or she’s inept at socializing, and by socializing, it just means beer cans, party lights, pregame. Partying was like her mating call but after several years of wasting money and energy, it might be time to put a stop into it. She enjoys the drunk conversation, the nightcap, but it’s just exhausting. Sa ngayon okay na sa kanya ang mga inuming pampalabas lang ng kulit. Ayaw na niyang magtawag ng uwak.  O di kaya naman ay gusto lang talaga siyang makasama ni Samael. May mga gano’ng tao naman talaga na masarap kasama. Minsan ang habol lang ay ‘yong usapan. Gano’n din naman siya rito. Kapag may nakakasalamuha siyang gano’ng klase ng tao, mahirap nang hindi hanap-hanapin ang company nito. Kahit minsan walang kwenta na lang ang usapan, naghahanap na lang ng mapag-uusapan.  Kung tanungin na lang niya kaya ito ng diretsahan at hindi siya nanghuhula. It doesn’t really bother her but any time now she will be assuming another thing rather than Samael enjoying her company. It’s not hard to like the guy. Even knowing that he’s taken, it doesn’t take away his charm. But she might wanna check again and look over the fact that Samael has a girlfriend and a boyfriend. It wasn’t a simple threesome. The other guy really was his boyfriend.  “I’m inviting you to a dinner party at Belle's this weekend. You can bring Ale and Iya and any of your friends,” he said. “Anong okasyon?” tanong niya. “Birthday niya. Punta kayo, ha,” anito. “Naku, aalis ‘yong dalawa. May lakad,” aniya nang maalalang itong weekend na ang alis ng dalawa. “Ikaw na lang din. Kung may gusto kang isama, ok lang. Kahit ilan pa ‘yan. Don’t bring gifts. You don’t have to.”  “How about cake?” mungkahi niya. Naalala niya ang kaibigang kusinero na magaling din mag-bake. Baka pwede niya itong isama at ito na rin ang mag-bake para may bitbit sila. Napakagaling niya talagang kaibigan. Kung papayag ito ay siya na ang bibili ng kakailanganin nito. Kung hindi naman ito libre ng araw na iyon, bibili na lang siya. “Uh, kung ok lang naman sa inyo, bakit hindi,” anang kabilang linya. “Talaga? Sige, i-update kita.”  Nang matapos ang tawag ay umuwi na siya sa kanila at nagpahinga sa kwarto. Umidlip siya at ginising na lang siya ng kapatid niya nang maghahapunan na sila. Dalawa lang silang kakain dahil wala ang mga magulang nila. Sa fuera nagtatrabaho ang dalawa. Nagpa-deliver na lang ang kapatid niya ng pagkain nila.  “Uy, sabi ng kaibigan ko nakita ka niyang may kasamang lalake,” si Eileen, ang nakatatanda niyang kapatid.  Napataas ang kilay niya. “Anong itsura?” tanong niya naman. “May tattoo, malaki katawan, tapos matangkad.” “Long hair?” “Oo, naka-pony pa nga raw.” “O tapos?”  “Sino ‘yon?” tanong nito. “Type mo?”  “Tangek. Kinuwento lang sa akin. Boyfriend mo ba?” usisa nito.  “Taken ‘yon. Wala akong boyfriend. Wala akong girlfriend. Wala ako sa mood maghanap ng jowa,” sagot niya. “Gwapo raw, eh, sabi ng kaibigan ko. Magkadikit pa nga kayo,” dagdag pa nito. “Magkadikit lang, mag-boyfriend na agad.” Masama na ang tingin niya rito. “Nang-aasar ka na lang, eh.”  Tinawanan siya nito. “Ang pikunin mo. Kumain na nga lang tayo.” Wala kayang nakakarating na balita sa mga ito na may kasama siyang babae? Hindi na iba ang public display of affection sa kanya. Hatinggabi na ay may nakapulupot pang mga braso sa leeg niya. Pero ginagawa niya lang iyon sa madalang na kuta ng mga Pilipino. Ayaw niya namang matsimis na kung sino-sinong babae ang kasama at kakaibang tagpo pa ang makikita nila. Mabilis nang lumaganap ang tsimis kaya nag-iingat din siya kapag may “date” siya. I mean, wala namang bahid ng tsimis ‘yong may kasama siyang babae pero baka magdagdag pa ng kwento. Iyon na ang mahirap.  Nang matapos kumain ay siya na ang nagligpit, tutal ang kapatid niya ang gumastos ng dinner nila. Pagkatapos ay sumalampak na lang siya sa sofa at t-in-text si Keeno na kung gusto nitong samahan siya sa isang birthday-han. Agad itong tumawag. Napaungol siya nang makitang nagfa-flash ang pangalan nito sa screen. Hindi ba ito pwedeng mag-text na lang? She’s so much better when not talking.  “Pwede ka ga?” aniya. “Aba’y oo naman,” anito.  “Okay, gawa ka ng cake, ha. Ako na bahala sa ingredients,” agad niyang sabi. “Noted. Ate mo, hindi o-order?” anito at ilang segundo siyang nag-isip bago naintindihan ang sinabi nito. Binalingan niya ang kapatid na katulad niya ay nagse-cell phone din. “Ilang grams sa ‘yo?” tanong niya rito. “Ha? Sino ba ‘yan?” anito na nakatuon ang pansin sa hawak-hawak. “Si baby girl. May on hand ‘ata siya ngayon. Bibili ka ba?” “Si Keeno ba ‘yan?”  “Oo.” “Si boss pala ‘yan,” anito at inilapit ang bibig sa phone niya. “Next time, par. Pass muna ako riyan. Saka na lang.” “Gesi.” Narinig niyang sagot ng kabilang linya. “Sa Sabado, ha. Hatid ko ng maaga ‘yong kailangan mo. Patambay na rin,” sabi niya rito. “Sino ba ‘yong mga ‘yon? Masaya ba ‘yan kasama?” usisa nito. “Dalawa nga lang silang kilala ko do’n. We’ll see. Bigyan ng chance. Baka naman masaya kasama ang mga kaibigan no’n,” aniya. “Mga Pinoy?” “Hmm. Iyong celebrant ay French.” “Dudugo pa ‘ata ang ilong ko riyan.” “Ayaw mo ‘yon? Para ibang lahi naman. Mapapa-oui ka na lang.” “‘Ge, kitakits na lang.” Sakto pagkapatay ng tawag ay may nag-pop up na notification na may naka-match siya. Agad na lumikot ang mga daliri niya at nag-type ng message sa chat. Hindi niya pa iyon nase-send at pinag-isipan kung gusto niya bang mag-engage ng conversation sa naka-match. Kahit sino yatang maka-match niya ay kikitain niya. Parang kahapon lang ay gano’n ang ginawa niya. Pagkalabas ng trabaho ay may kinita siya tapos hanggang ngayon ay wala pa ring text ang babae sa kanya. Not that she’s waiting for that woman’s text. In this scene, people assume that the other person would always initiate the conversation. The people she matched with liked to breadcrumb a lot. It’s where they like the attention on them so they text and flirt every now and then to keep the person interested. She’s guilty of doing it now that she has discovered that it’s okay to breadcrumb but being on the receiving end sucks especially when she likes the woman. She might wanna tone down that behavior. It’s not healthy but she likes the cold company. Samael told her to initiate the convo but deep down, there’s no need to say hello because they always come back or there will be new ones to come. Wow, ang haba talaga ng hair. Akala mo nuknukan ng ganda.  Muling tumunog ang phone niya at nakakuha na naman siya ng bagong match. Lalake iyon. Ina-unmatch niya agad kapag ‘di niya trip lalo at lalake.  Parang dati ay pinag-uusapan lang nila ni Ale ang mga makamundong bagay. Ngayon ay wala na silang awat. Good thing ay dumating si Iya sa buhay nilang dalawa. Nakahanap siya ng isa na namang kaibigan sa katauhan nito at para kay Ale naman ay posibleng yumabong iyon sa isang pagmamahalan na sila lang ang makakaintindi mula sa mapangmatang lipunan.  Nakakaramdam nga siya ng inggit, eh. Na sana kahit papaano ay maramdaman niya ang ganoong uri ng pag-ibig. Gusto niya ay kusang dumating iyon. Pakiramdam niya ay ang tagal na niyang hinihintay na mangyari iyon. But then again, while there’s no one to share her bare soul with, that’s fine. Might as well enjoy this crazy ride and not waste her youth by being a wallflower. She doesn’t wanna be reduced to a spectator. She wants to join in on the fun that everyone is stoked with. It’s only natural that she can’t help but feel jealous that everyone seems to be in a relationship. She can use this time to know herself more, focus on herself, and maybe not punish herself by being different and by engaging in casual s*x with random people she met online.   Heto siya, single at walang pera. Puro ganda lang. So sino talaga ang lugi?  Nagpababa na lang muna siya bago muling matulog. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD