Chapter 41

1217 Words

NILALAGNAT SI AMARI. Nag-absent siya sa trabaho niya. Tambak na ang maruruming tissue na ginamit niya sa bedside table. Ni-love-nat yata siya. Pinagluto siya ng Ate Eileen niya ng pagkain bago ito umalis. Ngayon ay nag-iisa siya sa bahay nila. Nakaupo lang siya sa sofa sa sala at nanonood ng telebisyon. Ayaw niyang pumirmi sa kwarto niya dahil lalong bumibigat ang pakiramdam niya kapag nakahiga lang siya. Hindi pa nga siya kumakain. Inuna niya pang manood kaysa lantakan ang hinaing pagkain ng kapatid niya. Kung hindi pa niya narinig na kumalam ang sikmura niya ay hindi pa siya tatayo. Sa tabi ng plato ay nakita niyang may gamot doon. Napangiti siya. Maalagain talaga ang Ate Eileen niya. Magana siyang kumain at ilang minuto lang ay ubos na ang laman ng plato. Kinuha niya ang baso ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD