MAHIGIT dalawang linggo na rin ang matuling lumipas at kahit paano ay maayos na rin ang pakiramdam ni Cougar. Ilang araw lang din naman kasi ang itinagal niya sa hospital ng Octagon. Bukod kasi sa hindi siya sanay na nagtatagal sa loob ng isang hospital ay kailangan pa niyang mag-report kay General Gallego tungkol sa nangyari. At kanina lang ay kaagad siyang nakatanggap ng tawag mula sa dating deputy director. Tinatanong siya nito kung kailan ang susunod na transaction ng mga Guerrero pero dahil sa sunod-sunod na pagkaka-bulilyaso ng mga deal ng Octagon ay dama niya ang biglaang pag-lie low ng mga ito. Kung mayroon mang naka-planong gawain ay tanging ang mga matatagal nang tauhan ni Señor Lion ang nakaka-alam. Dumukot ng sigarilyo si Cougar mula sa hawak niyang pakete at sinindihan iyon g

