THE NAME

1063 Words
MULA sa silid ni Crimson ay sambakol ang mukhang tumuloy si Adrielle sa kuwarto na ginagamit ni Kimhan. Halos magkatabi lang naman ang dalawang silid kaya kaagad din siyang nakalipat. Salubong ang mga kilay na itinulak niya ang pinto at ni hindi na siya nag-abalang kumatok. Mula sa binabasang libro ay nag-angat naman ng paningin si Kimhan at kaagad na salitang umalsa ang mga kilay nang makita ang anyo ng bunsong kapatid. Mukhang anumang sandali ay maghahamon na ito ng away. "What's up?" tanong ni Kimhan kay Adrielle pagkaraang maipatong sa katabing maliit na mesa ang hawak na libro. "Bakit para kang makikipagdigma? Nasaan ang giyera?" dugtong pa niya. Umikot ang mga mata ni Adrielle paitaas bago sinulyapan ang bahagi ng katawan ni Kimhan na may tama ng baril. Oo, may tama ito ng baril sa tagiliran dahil pinag-initan ito ng isang Russian na kasama ng dapat ay ka-deal nito pero nagawa pa rin nitong makipagbarilan sa mga kalaban nang dumating sila sa lumang gusali. "Thank God, buhay ka pa!" Pabulalas na turan ni Adrielle na hindi pinansin ang mapang-asar na mga tanong ni Kimhan. Baka kapag pinatulan niya ito at tuluyan siyang napikon ay siya na lang ang papatay dito. She'll gladly do the honor if that's the case. Kaagad namang umasim ang mukha ng nakatatanda niyang kapatid nang marinig nito ang sinabi niya. Marahan siyang humakbang palapit sa hinihigaan nitong hospital bed at napa-iling. Pumalatak siya nang makitang tila hindi man lang ininda ni Kimhan ang nangyari dito. Medyo delikado din ang tama nito dahil halos tatlong pulgada na lang ang pagitan ng balang bumaon sa katawan nito at ng puso nito. "Disappointed ka?" naka-angat ang kilay na tanong ni Kimhan kay Adrielle na kaagad namang gumuhit ang mapang-asar na ngisi sa mga labi. Nagkibit ng balikat si Adrielle. "Not really," bale-walang sagot niya sa kapatid. "inaasahan ko na 'yan, eh." dugtong pa niyang muling nagpa-angat ng mga kilay ni Kimhan. "Meaning?" Kinindatan pa muna ni Adrielle si Kimhan bago dahan-dahang humakbang paatras. "Mukhang okay ka naman na, Kim. Sisilipin ko muna ang bodyguard ko,". Aniya rito habang patuloy sa pag-atras. Alam ni Kimhan na may karugtong pa ang sasabihin ni Adrielle kaya tumango siya bago hirap na inabot ang maliit na kutsilyo sa kanyang tabi na ginamit ng nurse kanina na panghiwa sa orange. "And?" untag niya habang hinahaplos ng kanyang hintuturo ang talim ng hawak niyang kutsilyo. "Hmm, kasi alam nating dalawa na aayawan ka pareho ng langit at empiyerno, Kim. Sabi ng tagabantay nila doon, dito ka na lang daw sa lupa..." Sinasabi na nga ba niya. "Go back to where you belong, Adrielle!" Singhal ni Kimhan sa bunsong kapatid na ngumiti lang nang matamis. "You mean—" ani ni Adrielle na sadyang ibinitin ang sasabihin. Hinawakan niya ang doorknob at pinihit iyon saka binuksan. Nasa labas na siya ng pinto nang sandali siyang tumigil. Sinilip niya si Kimhan na naka-angat pa rin ang mga kilay at tila naghihintay ng susunod niyang sasabihin. "to hell?" dugtong niya bago tuluyang hinila pasara ang pinto. "Witch!" sigaw ni Kimhan saka ihinagis ang kutsilyo sa pasara nang pinto. Kung kaninang paglabas ni Adrielle sa kuwarto ni Crimson ay hindi mapinta ang mukha niya, ngayon naman ay ang lawak ng kanyang ngisi habang naglalakad palayo sa silid ni Kimhan. Pasipol-sipol pa siya na nagpatuloy sa paghakbang patungo sa isang bahagi ng tatlong palapag na hospital. Lumiko siya sa kanan bago kumaliwa. Habang naglalakad ay pasulyap-sulyap si Adrielle sa mga numero na nakasulat sa itaas ng mga nadaanan niyang pinto hanggang sa tuluyan siyang napahinto. Room 206, iyon ang nakalagay sa itaas ng pintong nasa kanyang harapan. Sandali munang hinawi ni Adrielle ang bahagyang kulot at may kahabaan niyang buhok bago tuluyang kumatok ng tatlong beses. Ilang saglit lang ay bumukas ang pinto at sinalubong siya ng nagtatakang mukha ng babaenng nurse. "Yes?" tanong nito sa kanya. Pasimple pang umangat ang kilay nito bago mabilisang pinasadan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Ikiniling ni Adrielle ang kanyang leeg bago ipinasok ang mga kamay sa magkabilaang bulsa ng suot niyang pinutol na pantalon. "Si Bob?" tanong ni Adrielle sa kaharap. Tuluyan nang umangat ang kilay ng nurse nang marinig ang pangalang binanggit niya. Mukhang balak pa siya nitong tarayan kaya napakamot siya sa tungki ng kanyang ilong. "He's sleeping. Kung dadalaw ka ay bumalik ka na lang or mas mabuting hintayin mo na lang na makalabas siya ng hospital." masungit na ani ng kaharap ni Adrielle. Sandali niyang tinitigan ang mukha ng kaharap na nurse. Gusto niyang memoryahin ang bawat parte ng mukha nito. Mukhang napagkamalan pa siya nitong karibal kay Bob. Magsasalita na sana si Adrielle nang isang pamilyar na tinig ang narinig niya mula sa kanyang likuran. "El?" Pumihit siya paharap dito at kaagad na gumuhit ang matamis na ngiti mula sa magkabilang gilid ng kanyang mga labi. "Hey, Reap," bati niya sa kaibigang napasulyap naman sa pintong bahagyang nakabukas. Nakatayo pa rin sa bungad niyon ang nurse na bigla namang nagtaka. Napa-isip rin ito nang marinig ang pangalang binanggit ng bagong dating na si Reaper. 'El...' Ulit niya sa kanyang isipan habang pilit na inaalala kung saan nga ba niya unang narinig ang pangalang iyon. "You want to see him?" tanong ni Reaper kay Adrielle na bahagyang tumango. "Yeah," sagot ni Adrielle. "galing na ako sa rooms nina Crim at Kim," patuloy niyang sinundan ng pagkibit ng balikat. Nanlaki ang mga mata at napasinghap naman ang nurse nang tuluyang pumasok sa isip nito kung saan at kanino nito unang narinig ang pangalang "El". Kay Bob niya mismo narinig nang minsang mag-usap sila ng lalaki. Nabanggit nito sa kanya na nalipat ito sa bunsong anak ni Señor Lion at nabanggit ni Bob sa kanya ang pangalang narinig niya naman ngayon mula sa bibig ni Reaper. Napatingin naman si Adrielle sa nurse na namumutla. Ngumiti si Adrielle sa babae bago pinisil ang pisngi nito. "Ang cute mo," aniya rito bago ito hinawi at tuluyang humakbang papasok sa loob. "and babe, the name is Adrielle Guerrero." pahabol na sabi pa niya sa nurse na mas lalo pang namutla. Nanginig ang buong katawan nito at wala sa loob na napasandal sa pinto. Umangat naman ang mga kilay ni Reaper. Nagtatakang humakbang siya pasunod kay Adrielle. "Hey, what was that all about?" tanong niya sa babae. Nagkibit ng balikat si Adrielle bago sumagot. "Nothing..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD