Tatlong mahina at sunod-sunod na katok ang pinakawalan ni Adrielle bago niya dahan-dahang itinulak ang pinto ng silid na kinaroroonan ni Crimson.
May sariling maliit na hospital ang Octagon na naroon lang din sa ekta-ektaryang lupa ng ama nilang si Lion Guerrero. Magkahiwalay ang silid na ginagamit nina Crimson at Kimhan na parehong naka-confine sa hospital maging si Bob.
Sumilip muna sa loob si Adrielle bago siya tuluyang pumasok nang makitang gising si Crimson. Nakasandal ito sa pinagpatong-patong na unan habang nakapatong sa bandang tiyan ang laptop nito. Kaagad na nalukot ang mukha niya dahil sa kanyang nakita.
"Hey," malambot ang tinig na bati ni Adrielle kay Crimson na kaagad na nag-angat ng paningin nang marinig ang kanyang boses.
Mula sa monitor ng kaharap na laptop ay tumutok ang mga mata ni Crimson sa bagong dating. Isang malawak na ngiti ang kaagad na gumuhit mula sa mga labi niya bago hinubad ang suot na salamin.
"El," nakangiting usal ni Crimson kay Adrielle. "Come," aniya rito na bahagya pang sinenyasan ang kapatid.
Tuluyan naman nang itinulak ni Adrielle ang pinto at pumasok. Humakbang siya palapit sa hospital bed at kaagad na inalis ang laptop na nakapatong sa tiyan ng kapatid.
"Tigilan mo muna ito, p'wede ba?" malumay ngunit bakas ang pagka-inis sa tinig na turan ni Adrielle kay Crimson na mas lalo lang lumawak ang ngiti sa mga labi.
"Yes, Ma'am!" walang reklamong tugon ni Crimson bago inabot ang kamay ni Adrielle. Mahina niya nitong hinila paupo sa gilid ng hinihigaan niya.
Kaagad namang lumambot ang anyo ni Adrielle at nawala ang nararamdamang inis. Bumuga siya ng hangin bago nag-aalalang tinitigan ang kapatid.
"How are you feeling?" mahina ang tinig na tanong niya kay Crimson. Umangat ang kanan niyang kamay at hinaplos ang mukha nito. Nang hindi makontento ay sinuklay pa niya ng mga daliri ang buhok nitong tuwid na tuwid at may kahabaan. "May masakit ba?" dugtong na tanong pa niya.
Mahinang tumawa ni Crimsonn pagkuwa'y marahang umiling.
"I'm fine, El,". Tugon niya sa bunsong kapatid na bihirang makitaan ng emosyong kagaya ng nakikita niya ngayon. Adrielle looked so soft and it was just so pretty amusing.
Umangat ang kilay ni Adrielle. Nagdududang tinitigan niya ang kaharap na kapatid.
"Are you sure?"
Tumango si Crimson. "Yeah, one hundred and five percent sure. Wala lang akong gaanong alam sa hand-to-hand combat and stuff like that but I'll be fine. Malayo sa bituka." aniyang bahagya pang natawa. "But I would really appreciate it if you remind me to learn some in one of these days." dugtong pa niya.
Umirap si Adrielle. May tama ito ng saksak sa bandang balikat na ayon kay Kimhan ay nakuha ni Crimson nang tangkain ng huli na saluhin ang suntok na dapat ay para kay Azure.
Sa kanilang walo ay si Crimson ang walang gaanong alam sa pakikipaglaban. Ni hindi nito kanyang humawak ng baril. Malaki kasi ang trauma na natamo ni Crimson nang mismong sa harapan nito binaril ng step-dad nito ang sariling ina. Kaya nang sumailalim silang lahat sa madugong training ay hindi ito napilit ng kanilang ama.
"Do not ever do that again, Crim. Hindi kami mamamatay sa bala ng baril kundi dahil sa sobrang pag-aalala sa iyo." nakasimangot na turan ni Adrielle. Natawa naman si Crimson nang marinig ang kanyang sinabi kaya napangiti na lang din siya. Bumakas sa kislap ng kanyang mga mata ang malaking fondness para sa kapatid. "Just promise me," seryoso at may bahid na takot sa tinig na dugtong niya.
Sumeryoso naman si Crimson pagkuwa'y mahinang hinila si Adrielle. Niyakap niya ito at ginawaran ng magaang halik sa ulo.
"You worry too much, little witch," malambing na aniya rito bago tumingala. Ikinurap niya ang kanyang mga mata para pigilan ang mga luhang nagbabantang bumagsak. Hangga't maaari ay ayaw niyang ipakita rito ang totoong siya. O kahit sa iba pa nilang mga kapatid lalo na sa Daddy nila. Marahan niyang hinaplos ang likod ni Adrielle bago muling nagsalita. "Mas dapat kang mag-alala kay Kim. He was shot and—"
Mahinang umungol si Adrielle na tila ba tumututol sa sinasabi ni Crimson. Umalis siya mula sa pagkakayakap ng nakakatandang kapatid bago nakangusong umirap.
"Masamang damo 'yon, Crim," aniya sa kapatid sabay dukwang sa maliit na mesa sa tabi ng hinihigaan nito kung saan nakapatong ang mga prutas na kagaya ng mansanas at oranges. "baka nga pati si Kamatayan, matakot na sunduin 'yon, eh. Kahit sa impeyrno ay tiyak na hindi iyon tatanggapin ni Satanas." patuloy niya bago hinipan ang hawak na mansanas saka iyon ipinunas sa suot na oversized T-shirt.
Walang pakialam na kumagat siya sa hawak na prutas at ngumuya na hindi man lang inaalok ang napapa-iling na lang na si Crimson.
"Hindi mo man lang ako bibigyan?" hindi nakatiis na tanong ni Crimson kay Adrielle na muli sanang kakagat sa hawak na mansanas.
Napatigil naman si Adrielle at napatingin sa kanyang kapatid. Umismid siya bago itinuloy ang pagkagat.
"Hindi ka naman kumakain nito. Sino ba ang nagdala nito dito?" turan niya sa pagitan ng kanyang pagnguya.
Napasimangot naman si Crimson. Kahit na hirap gumalaw dahil unti-unti nang nawawala ang bisa ng anesthesia ay pinilit niya pa rin ang sarili na dumukwang para hablutin ang mansanas mula sa kamay ng bunsong kapatid.
Ipinadyak ni Adrielle ang kanyang kaliwang paa nang biglang mawala sa kamay niya ang kinakaing prutas. Masama ang tinging nilingon niya si Crimson at nanlalaki ang mga butas ng ilong na pinandilatan ang kapatid.
"Ang damot mo naman. Akin na 'yan!" Singhal niya rito.
"Hindi ito para sa iyo." Pilit na itinatago ang ngiti sa mga labi na ani naman ni Crimson.
Tuluyan nang nawala ang kanina lang ay napakalambing na si Adrielle. Muling nangibabaw ang pagka-mainitin ng ulo nito.
"Eh, ano naman? Ayaw mo naman niyan, eh!"
Umismid si Crimson bago inabot ang orange mula sa fruit basket at ibinigay iyon kay Adrielle.
Napatingin naman si Adrielle sa hawak ni Crimson. "Aanhin ko naman 'yan?" singhal niya sa kapatid.
"Ipaghiwa mo ako," utos ni Crimson kay. Adrielle na muling nanlaki ang mga butas ng ilong.
"Excuse me?!" asar na sikmat ni Adrielle.
"Ayoko! Bahala ka diyan! Ang damot mo..." dugtong pa niya bago padabog na tumayo at humakbang patungo sa pinto.
Napangisi naman si Crimson bago nagkunwaring nasasaktan.
"A-Aray..." Hiyaw niya at hinawakan ang bahaging may sugat.
Napatigil naman si Adrielle at kaagad na nilingon ang kapatid. Tarantang napahakbang siya pabalik sa tabi nito at nag-aalalang tiningnan ang bahaging may sugat.
"Hey, what's wrong? Tawagin ko ba si Trigs?"
Si Trigger ang resident doctor sa hospital ng Octagon kasama ang dalawa pang doctor din na pareho namang associates ng kanilang ama.
Hindi na napigilan ni Crimson ang kanyang sarili. Isang malakas na halakhak ang pinakawalan niya na ikinatigil naman ni Adrielle. Nawala rin ang matinding pag-aalala sa anyo nito.
"Happy?" lukot ang mukhang sikmat ni Adrielle.
"How can you still be so impatient, El?" natatawa pa ring untag ni Crimson sa kapatid. "Paano kang magkaka-boyfriend niyan?" dugtong na tanong niya pa.
"I don't need one," naka-ismid na turan ni Adrielle. "Masamid ka sana." aniya pa bago binigyan ng katakot-takot na irap si Crimson.
"Hindi nga ako mamamatay sa saksak, malalagutan naman ako ng hininga sa samid." Nang-iinis pa ring patuloy ni Crimson.
"Don't worry, marami pang space sa sementeryo." sagot ni Adrielle na muling ikinatawa ng nakatatanda niyang kapatid.
"Balita ko'y nandito rin ang personal bodyguard mo, ah. I think, he deserves a visit from his young Miss. What do you think, sis?"
Itinaas ni Adrielle ang kanang kamay at binigyan ng middle finger sign si Crimson.
"f**k off, Crim!"