Chapter 81

1142 Words
Nang makaligo na si Delsin at nakapagbihis na rin ay nag-ayos na siya para hindi sila mahuli ni Alexis sa kanilang pupuntahan. Agad na nagpaalam si Alexis sa kanyang nanay. ‘’Nay, sasamahan ko lang po si Delsin ah? Babalik din po agad ako. Ingat po kayo ni May rito,’’ sabi ni Alexis. ‘’Oo naman anak. Ingat kayo ni Delsin sa byahe niyo,’’ nakangiting sabi noong nanay ni Alexis sa kanya. Masama naman ang tingin nito kay Delsin pero hindi niya na lang pinahalata sa kanyang anak iyon. ‘’Sige po, alis na po kami,’’ paalam naman ni Delsin, tumango lang ang nanay ni Alexis at hindi na nagsalita. Pumasok na lang ulit ito sa bahay. Karga niya si May, ang anak ni Alexis. Nang makaalis na sila ay tahimik ang dalawa sa byahe papunta sa motel ni Maám Selena. Ilang minuto pa ang nakalipas ay nandoon na sila. ‘’Manong, dyan na po kami bababa,’’ sabi ni Alexis doon sa tricycle driver. ‘’Salamat po,’sabi naman ni Delsin pagkatapos ay binigay niya ang bayad doon sa tricycle driver. Pagbaba nila ay napatingin sila roon sa motel ni Maám Selena. Halata na napakalaki nito at sobrang elegante. Tuwang-tuwa si Delsin. Nagkatinginan sila ni Alexis. ‘’Oh paano? Ingat ka na lang dyan ah. Di bale, may cellphone ka naman kaya may komunikasyon pa rin tayo. Sabihan mo na lang ako kapag pwede mo na akong ipasok dyan ah?’’ paalam ni Alexis kay Delsin. ‘’Oo naman, tatawagan kita agad kapag nangailangan ulit sila ng tauhan. Salamat ulit sa pagpapatuloy mo sa akin sa bahay ninyo. Alam kong marami na akong utang sa iyo kaya salamat talaga dahil hindi ka nagsawa na tulungan ako,’’ sabi ni Delsin. ‘’Syempre, kaibigan kita eh. Tutulungan kita hangga’t kaya ko. Wala namang problema sa akin iyon,’’ nakangiting sabi ni Alexis. ‘’Sige na. Ingat ka, Alexis. Pasok na ako,’’ paalam ni Delsin at naglakad na siya papasok sa trabaho. Pumasok na si Delsin doon sa motel. Kumatok siya sa pinto roon at pinagbuksan siya ng isang babae. Nasa edad 40 na ito. Ngumiti ito sa kanya at saka siya binati. ‘’Pasok ka. Ikaw ýong bagong kasambahay ni Maám Selena? Tama ba ako? Pinagbilin ka naman niya sa akin,’’ sabi noong babae. ‘’Opo. Ako nga. Pasok na po ako, ah?’’ paalam ni Delsin doon sa babae. ‘’Sige, pasok ka na. Tatawagin ko lang si Maám Selena para sabihan sa kanya na nandito ka na. Upo ka muna dyan,’’ sabi noong babae kay Delsin, umupo naman si Delsin sa may sofa pagkatapos noon. Naghintay si Delsin doon. Ilang minuto lang ay lumabas na si Selena. Ngumiti ito kay Delsin pagkatapos ay umupo na siya sa tabi nito. ‘’Good morning, Delsin. Kumusta ka na? Buti naman at maaga kang pumasok,’’ sabi ni Selena. ‘’Opo. Ayaw ko naman po kasi na hindi tumupad sa usapan, eh. Baka hindi niyo po ako tanggapin kapag ganoon po ang nangyari,’’ pabirong sabi ni Delsin, tumawa naman sila ni Selena dahil doon. ‘’Oh siya, simulan na natin ang trabaho mo. Ipapakita ko muna sa iyo ang pasikot-sikot dito sa motel ko. Halika na,’’ yaya ni Selena kay Delsin pagkatapos ay tumayo na silang dalawa. Iniwan naman ni Delsin ang kanyang bag sa sofa. Inikot siya ni Selena roon. Pinakilala na rin sa kanya ang mga makakasama niya sa motel. Si Ray, si Jenny at si Ate Dolor. Mayroon pang iba pero hindi pa oras ng pasok nila kaya wala pa sila roon. ‘’Si Ray, siya ýong nagpapapasok sa mga customers natin. Sa ngayon, parehas muna kayo ng magiging trabaho dahil parehas naman kayong lalaki. Oo nga pala, mayroon ka ding uniform. Ibibigay ko sa iyo ýon mamaya,’’ sabi ni Selena. ‘’Okay po, Maám. Salamat po,’’ maikling sagot ni Delsin kay Selena. ‘’Si Jenny naman, siya ang taga-lista ko ng mga papasok na customers dito sa motel natin. Sa kanya mo sasabihin kung lumabas na baa ng customer sa room na iyon o hindi pa. Minsan, may iba akong taga-lista, pero day-off siya sa ngayon kaya si Jenny ang nandyan. Makikilala mon a lang iyon kapag pumasok na siya,’’ sabi ulit ni Selena. Tumango naman si Delsin bilang tugon. ‘’Si Ate Dolor naman ang taga-luto ko. Sa kanya mo sasabihin kapag may order na pagkain ang mga customer natin. Masarap magluto iyan si Ate Dolor. Dapat mong matikman ang luto niyan. Well, siyarin naman ang magluluto ng pagkain natin kaya matitikman mo talaga ang luto niya,’’ sabi ni Selena. Lahat naman ng magiging kasama niya sa trabaho ay nakangiti sa kanya kaya sa palagay niya ay magiging maayos naman ang lahat para sa kanya. Sana nga, maging kasundo na niya ang mga kasama niya ngayon para hindi na siya magkaroon pa ng problema. ‘’Oh, nasabi ko naman na ang lahat. Pwede ka na sigurong magsimula. Ray, kunin mo nga ýong uniform niya sa stock room. Salamat,’’ utos ni Selena, pumunta naman si Ray para kunin ang uniform ni Delsin sa stock room. Nang makapagpalit na siya ay nagsimula na nga siyang mag-trabaho. Tuwang-tuwa siya dahil kitang-kita niya na sobrang linis niya. Para bang bagong tao ulit siya. Iyon nga lang, napansin niya na hindi maayos ang kanyang buhok dahil hindi pa siya nakakapagpagupit ulit. ‘’Hayaan mo, Delsin. Kapag ayos na ang lahat, pwede ka nang magpagupit. Ga-gwapo ka na,’’ sabi nito sa kanyang sarili. Ang hindi niya alam, nasabi pala niya ýon nang malakas. Eh nandoon si Ray kaya naman narinig nito kung ano man ang sinabi ni Delsin sa kanyang sarili. Hindi napigilan ni Ray na hindi sagutin si Delsin dahil doon. ‘’Anong sinasabi mo dyan? Hindi naman pa-pogian dito. Paramihan lang ng customer. Kapag nakarami ka ng customer, eh di ayos. Marami ka ring tip na makukuha,’’ sabi ni Ray na kinagulat naman ni Delsin. ‘’Ah, ganoon ba?’’ nahihiyang sabi ni delsin, ngayon niya lang napagtanto na napalakas pala ang pagsabi niya noon. ‘’Oo, ganoon rito. Wala naman ýan sa ka-gwapuhan. Kaya ayos lang ýang itsura mo. Ngayon, tara na para makarami tayo ng customer. Ang dami mo pang sinasabi dyan, e.’’ Dahil doon ay nagmadali na si Delsin na sumunod kay Ray. Para naman sa kanya, mas magugustuhan na pumasok ng mga customer kung malinis ding tingnan ang mga nagpapapasok sa kanila. Di ba? At syempre, kung mabait sila sa mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD