Nang makauwi na si Delsin sa bahay ni Alexis ay nagpahinga muna siya sa kanyang kwarto. Wala pa naman si Alexis kaya humiga muna siya para makapag-isip na rin kung tama ba ýong nagging desisyon niya o hindi.
Magiging maayos baa ng buhay ko roon?
Mabait kaya talaga si Maám Selena o niloloko na naman niya ako para pumayag ako sa gusto niya?
Iyon ang mga tanong ni Delsin sa kanyang sarili. Hindi mo rin naman siya masisisi dahil may problema na siya noon pa man pagdating sa mga amo niya. ‘Yong kay Maám Cynthia ma,am eh siya naman talaga ang lumayo roon kaya naging magulo.
Hindi niya alam, dahil sa pagod at pag-iisip ay nakatulog na pala siya. Nagising na lang siya dahil sa katok ni Alexis sa kanya. Pagkagising niya ay medyo madilim na ang langit. Gabi na pala.Nakita niyang papalapit sa kanya si Alexis kaya napa-upo siya sa kama at inayos ang kanyang sarili.
‘’Oh, Alexis, nandyan ka na pala. Pasensya ka na sa akin at nakatulog na ako. Medyo napagod kanina eh, ang init pati,’’ sabi ni Delsin kay Alexis.
‘’A-Ah, ayos lang naman. Alam kong nakakapagod nga ang nangyari sa iyo kanina. Kaya sa susunod, mag-iingat ka na dapat. Buti na lang at tinulungan ka noong Selena Diaz, kung hindi ay mahihirapan ka na naman. Wala naman akong maitutulong sa iyo dahil gipit rin ako,’’ sagot ni Alexis.
‘’Iyon na nga ang sasabihin ko sa iyo. Nasabihan na ako ni Maám Selena tungkol sa trabaho na gusto niyang ibigay sa akin. Hindi ko alam kung tama ang naging desisyon ko eh,’’ sabi ni Delsin, medyo nag-iisip pa rin siya sa kanyang naging desisyon.
‘’Ano bang naging desisyon mo? Pumayag ka ba sa offer niya sa iyo?’’ tanong ni Alexis.
‘’Oo, bukas na ako magsisimula roon. Pasensya ka na kung iiwan kita sa pagbebenta ng ice cream, ah? Kailangan ko lang kasi talagang magpadala ng malakihang pera kay Nanay Ising, matagal na rin kasi akong hindi nakakapagpadala sa kanya eh,’’ sabi ni Delsin.
‘’Naku, oo naman. Naiintindihan kita roon at ayos lang sa akin. Mahirap naman talaga kung karampot lang ang kita sa isang araw. Mas maigi na nga na nandoon ka kay Maám Selena,’’ sabi naman ni Alexis.
‘’Sigurado ka ah? Ayos lang sa iyo na mag-isa ka lang roon?’’ sabi ni Delsin.
‘’Oo nga. Parang bata naman ako kung hindi ko kaya. Basta, kapag kailangan ni Maám Selena ng bagong trabahador, sabihan mo ako ah? Para na rin may maganda akong trabaho. Bata pa kasi ang anak ko kaya hindi ko pa maiwan kay nanay. Matanda na kasi si nanay kaya hindi ko na maiwan sa kanya ang anak ko,’’ sabi ni Alexis.
‘’Oo naman, sasabihan kita agad kapag may trabaho na pwede sa iyo roon. Motel naman iyon kaya mukhang makakapag-trabaho ka naman roon,’’ sabi naman ni Delsin.
‘’Salamat, Delsin. Ingat ka roon ah. Oh siya, kumain na tayo. Luto na ang ulam sa labas. Tara na,’’ yaya ni Alexis kay Delsin.
‘’Sige, kain na tayo. Aayusin ko lang ýong mga dadalhin ko bukas, pagkatapos ay lalabas na ako para kumain,’’ sabi ni Delsin habang nakangiti.
‘’Sige, una na ako roon,’’ sabi ni Alexis pagkatapos ay umalis na sa kwarto ni Delsin.
Pagkatapos ni Delsin mag-ayos ng gamit ay lumabas na siya para kumain. Habang nakain sila ay tinanong niya si Alexis kung pwede bang samahan siya nito papunta sa motel ni Maám Selena. Hindi nga kasi alam ni Delsin kung saan iyon. Buti na lang at pumayag si Alexis, binigay na lang ni Delsin ang calling card ni Maám Selena para malaman ni Alexis kung saan talaga iyon.
Kinaumagahan, nagising si Delsin nang maaga. Nagulat siya dahil nakita niya ang nanay ni Alexis na gising na agad. May inaayos ito sa dining area. Nagtimpla naman ng kape si Delsin bago umupo. Tahimik lang siya dahil nahihiya siya sa nanay ni Alexis, ramdam kasi niya na hindi siya gusto nito.
Habang nagkakape siya ay umupo rin ang nanay ni Alexis doon. Ngayon ay magkaharap na sila kaya lalo siyang kinakabahan. Kung pwede nga lang na magpakain na lang sa lupa ay ginawa niya na iyon. Ayaw kasi niya nang gulo. Ang dami ring tanong sa isip niya.
Paano kung kausapin siya ng nanay ni Alexis? Ano ang sasabihin niya?
Ano ang nasa isip ng nanay ni Alexis ngayon, galit ba siya o ano?
Tanggap ba ako nito o hindi?
Iyon ang mga tanong sa isip niya, pero takot naman siyang malaman ang sagot. Alam na kasi niya kung ano ang posibling sagot doon sa tanong niya eh. Kaya ayaw na niyang marinig pa, alam niyang masasaktan lang siya eh.
Habang nagkakape ay nakatingin sa kanya ang nanay ni Alexis kaya lalo siyang nahihiya rito. Pagkatapos pa noon ay nagsalita na ito.
‘’Balita ko, may trabaho ka na raw ah? Buti naman at naisipan mo iyan. Hindi na nga kaya ni Alexis rito. Dumagdag ka pa. Mabuti iyan, umalis ka na nga rito para hindi na mahirapan pa ang anak ko. Hindi lang nagsasalita iyon pero alam ko na nahihirapan na iyon,’’ may inis sa boses ng nanay ni Alexis nang sabihin iyon.
‘’Nanay, pasensya na po kayo sa akin kung nahihirapan na po ang anak niyo sa akin. Kung ako lang naman po ang tatanungin, ayaw ko naman po talagang sumama noon kay Alexis eh. Pinilit niya lang po talaga ako kasi naawa siya sa akin,’’ sabi ni Delsin.
‘’Iyon na nga, tumutulong ang anak ko kung kani-kanino pero hindi naman siya tinutulungan ng mga iyon. Wala namang nahihita ang anak ko sa inyo. Ewan ko ba naman kung bakit ganoon siya. Ayaw ko lang siya sabihan dahil baka sumama ang loob niya sa akin, e.’’
Dahil sa narinig niya ay para bang nanliit si Delsin sa sarili niya. Tama naman ang nanay ni Alexis eh. Walang napala ýong mga tumulong kay Delsin sa kanya. Panay sakit lang sa ulo dahil sa dami ng problema na naiibahagi niya sa mga ito.
Nangako na lang siya ulit sa kanyang sarili na ito na ang huling susugal siya sa paninirahan sa Maynila. Kung hindi pa ito tumagal ay talagang mapipilitan siyang bumalik sa Bicol. Para na rin makasama na niya ang Nanay Ising niya.