Chapter 79

1156 Words
Iyon na nga ang ginawa ni Delsin. Nagulat naman si Alexis nang malaman nito na nanakawan pala ang kaibigan niya. Agad siyang pumunta kung nasaang pwesto si Delsin. Alalang-alala siya sa kanyang kaibigan. Nalungkot din siya dahil masalimuot na naman ang nangyari kay Delsin. Naaawa na siya rito. Noong napa-blotter na nila ang mga bata ay nag-usap na sina Selena at Delsin sa kotse nito. Noong una ay tahimik lang sila pareho pero inumpisahan na ni Selena ang pagsasalita dahil alam niyang nahihiya si Delsin sa kanya. ‘’Delsin, ako nga pala si Selena Diaz. Isa akong may-ari ng motel dito sa Maynila. Gusto ko sana na maging katiwala kita sa motel na iyon. Kulang pa kasi ako sa tauhan ko, e,’’ sabi ni Selena kay Delsin. ‘’A-Ah, iyon po pala ang trabaho ninyo. Kaya pop ala sabi ng ka-trabaho ko ay parang pamilyar daw po ang pangalan ninyo sa kanya. Sikat po siguro ang motel ninyo sa Maynila, ano?’’ sagot ni Delsin, napatawa naman si Selena dahil sa huling sinabi Delsin sa kanya. ‘’Ano ka ba naman? Hindi, ano. Hindi sikat ang motel ko dahil bago pa lang iyon. Baka nakita na niya ako sa mga advertisements kaya pamilyar ako sa kanya,’’ sagot naman ni Selena, nahihiya siya kay Delsin dahil sinabi nitong sikat ang kanyang motel. ‘’Kahit hindi sikat iyon, ibigsabihin ay bigatin pa rin kayo. May ari po kayo ng motel, e. Malaki po siguro ýon, ano?’’ ‘’Naku, kapag nakita mo na iyon sa personal ay sabihin mo sa akin kung malaki iyon o hindi. Hindi ko naman pinapansin kung malaki kasi iyon o kung ano man, e,’’ sabi ni Selena sabay tawa kay Delsin. ‘’A-Ah okay po. Magkano naman po ang sweldo ko kung sakali, Maám Selena?’’ nahihiyang sabi ni Delsin, ayaw man niyang itanong iyon pero kailangan para malaman niya kung tatanggapin ba niya ang offer o hindi. ‘’A-Ah, ýong tungkol naman sa sweldo mo, sampung libo ang starting rate noon. Kapag tumagal ka sa trabaho mo, tataas pa iyan. Ano? Payag ka na ba?’’ masayang sabi ni Selena kay Delsin. Nag-iisip pa rin si Delsin kung tatanggapin niya baa ng offer na iyon. Ilang minuto pa ay naisip niyang magtanong pa ng kung anu-anong bagay kay Selena. ‘’Eh, Maám Selena, paano po ang pagkain ko roon? Stay-in po ba ako o uwian?’’ tanong ni Delsin. ‘’Ah, libre na ang pagkain doon. Ikaw naman ang bahala kung gusto mong mag-stay in o uwian ka. Pero, kung ako lang ang tatanungin ay mag-stay in ka na lang. May mga kwarto naman sa motel ko kung saan pwede kang mag-stay eh. Walang problema. May iba rin naman akong kasambahay roon,’’ sagot ni Selena. Ngumiti si Delsin pagkasabi ni Selena noon. Desidido na siya na magpaalam kay Alexis tungkol rito para sabihan na rin niya ýong kaibigan nito na hindi na hihiram si Delsin ng ice cream cart. Iyon nga lang, maiiwan niya sa ere si Alexis. Sa isip ni Delsin, baka naman maintindihan na iyon ni Alexis at hindi na magtampo pa. ‘’Sige po, payag na ako Ma’am Selena. Kaya lang po, kailangan kong kausapin ‘yong isa kong kaibigan para sabihan na lilipat na ako ng trabaho ko. Ayos lang po ba iyon, Maám? Kukuha na rin po ako ng mga gamit ko dahil mag-stay in po ako sa inyo,’’ nakangiti si Delsin nang sabihin niya iyon. ‘’Oh, okay. Good! Ayos iyan. Mas okay nga kung stay-in ka roon dahil kung hindi, mapapagod ka pa kaka-byahe mo. Anyways, gusto mob a ihatid na kita pauwi? Siguro, ituro mo na lang sa akin ýong bahay niyo?’’ sagot ni Selena, nakangiti rin kay Delsin. Nahiya na naman si Delsin kay Selena dahil binigyan na nga siya ng pera nito. Sinamahan na rin siya para ipa-blotter ýong mga bata, tapos ngayon ay sasamahan naman siya para maka-uwi sa bahay ni Alexis. ‘’Naku, huwag na po. Ayos lang naman po ako. Malapit lang naman po ýong bahay ng kaibigan ko rito. Lalakarin ko na lang po,’’ pagsisinungaling ni Delsin dahil nga ayaw niya na maka-abala pa kay Selena. ‘’Hmm. Sigurado ka ba? Kaya mo na talaga?’’ pagsisigurado ni Selena kay Delsin. ‘’Opo. Sigurado po akong kaya ko na,’’ sabi ni Delsin, pilit siyang ngumiti para hindi na siya pilitin pa ni Selena na samahan siya pa-uwi. ‘’Oh, okay. Sige. Bukas ka na lang pumasok sa trabaho. Alam mo naman na siguro kung saan ýong motel ko? Nandoon ýon sa calling card ko, e. Ikaw na lang ang pupunta roon, tama ba ako?’’ sabi ni Selena. Kahit hindi alam ni Delsin kung saan ang motel ni Selena ay tumango na lang siya dahil sobrang nahihiya na siya talaga sa dami nang nai-tulong sa kanya ni Selena. Wala na siyang mahihiling pa dahil grabe na ang ginawa ng bago niyang boss para sa kanya. ‘’Opo. Alam ko na. Pupunta na lang po ako roon bukas, Maám. Ano po bang oras ninyo ako gusting pumasok?’’ tanong ni Delsin, nahihiya pa rin siya nang sabihin niya iyon. ‘’Siguro, mga ala-sais ng umaga. Para mapakita ko na sa iyo kung ano ang mga gagawin mo roon. Mas maaga kasing pumasok, mas maaga kang matatapos. Di ba?’’ nakangiting sabi ni Selena. ‘’Ah, oo nga po. Sige po, aagahan ko na lang po ang gising ko para maaga po akong makapasok,’’ sabi ni Delsin. ‘’Eh sige na, akoý aalis na. Magkita na lang tayo bukas, ah? Ingat ka sap ag-uwi mo, Delsin,’’ pagkatapos noon ay tinaas na ni Selena ang kanyang bintana at saka umalis. Noon pa lang nabunutan ng tinik si Delsin. Kanina ay kabadong-kabado siya, e. Pero sa loob-loob niya, syempre masaya siya dahil may regular na trabaho na ulit siya. Naisip niya na parang ganito rin ýong trabaho niya kay Maám Cynthia noon. Kaya lang, wala siyang babantayan na tao ngayon kundi isang motel na. Masaya siya dahil makakapagpadala na ulit siya kay Nanay Ising. Hindi na mahihirapan si Ate Nessa na maghanap ng panggastos sa kanyang ina dahil may ibibigay na siya buwan-buwan. Ngunit, aminado rin naman siya na siya ay takot sa kung anong pwede na namang mangyari sa kanya roon. Magiging maayos na kaya ang buhay niya o mamalasin na naman siya tulad nang iba pa niyang trabaho noon? Pinangako na lang niya sa sarili na kapag hindi pa nagging maayos itong trabaho niya kay Maám Selena ay uuwi na lang siya sa Bicol at mamumuhay nang simple. Tatanggapin na lang niya nab aka hindi talaga siya para sa Maynila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD