Chapter 82

1168 Words
Sa kabilang banda naman ay inaalala pa rin ni Cynthia si Delsin. Ilang araw na niyang hinahanap ito pero hindi pa rin niya makita. Ilang beses na rin siyang napunta kay Tonyo para magtanong rito kung dumadaan pa ba si Delsin doon pero hindi naman daw sabi ni Tonyo. Kaya lungkot na lungkot si Cynthia, ilang araw na. ‘’Sigurado ka bang wala pa rin hanggang ngayon? Kahit text man lang sa iyo, wala? Sa akin kasi, hindi naman siya nasagot sa mga text at tawag ko eh,’’ sabi ni Cynthia kay Tonyo. ‘’Wala talaga, mare eh. Kahit na ano nang sabihin ko sa text, wala. Hindi rin naman siya napunta rito. Ang daya niya nga, sabi niya ay bibisitahin niya ako rito pero hindi naman niya ginawa,’’ sabi pa ni Tonyo, ang tono niya ay parang nagtatampo pa kay Delsin. ‘’Ikaw naman kasi, hinayaan mo pang umalis ýon. Kung hindi mo hinayaan, sana ay nandito pa siya kung hindi mo iyon ginawa,’’ sisi pa ni Cynthia kay Tonyo. ‘’Eh, anong magagawa ko? Ayaw na niya sa atin eh. Kapag kailangan naman niya siguro tayo eh saka iyon magpapakita. Hintayin mo na lang kasi siya. Babalik naman iyon. Naniniwala ako,’’ sagot naman ni Tonyo kay Cynthia. ‘’Haynaku. Ako na nga lang ang maghahanap sa kanya. Mahahanap ko rin siya, makikita mo,’’ may galit sa tono nang pagsasalita ni Cynthia. ‘’Hindi mo makikita ang isang taong ayaw namang magpakita sa iyo. Tandaan mo iyan,’’ inis na rin si Tonyo dahil inaaway siya ni Cynthia. Hindi na lang sumagot si Cynthia. Bagkus, umalis na lang siya dahil kapag nagsalita pa siya ay baka lumala lang ang inis niya kay Tonyo at makalimutan niyang kaibigan niya pala ito. Habang siya ay na-byahe, tinawagan niya ang isa sa mga malalapit niyang kaibigan. Si Selena Diaz. Pupuntahan niya muna ito dahil gusto niya munang mag-relax. Sa motel kasi ni Selena ay medyo tahimik, mapuno roon kaya makakapag-relax ka naman talaga. ‘’Selena, sorry to disturb you but pwede ba akong pumunta dyan sa motel mo, kahit saglit lang? I just want to be alone. Medyo stressed lang ako lately, e.’’ ‘’Oh, of course naman. You can drop by anytime. You know naman na this is a safe palce for you, di ba? Sige, ipapahanda ko na ang room mo para kapag nandito ka na ay handa na ang lahat,’’ sabi naman ni Selena kay Cynthia. ‘’Oh, thank you so much. Oo nga, miss ko na rin ang place mo eh. Ang ingay kasi ng paligid ko recently. Medyo magulo. Alam mo naman, lagi akong may problema,’’ sabi ni Cynthia. ‘’Oo nga. I miss you too. Oh sige na, pumunta ka na lang rito. Tamang-tama, may bago akong tauhan. Ipapakilala kita roon. See you, my dear friend!” sabi naman ni Selena. ‘’See you!’’ sagot naman ni Cynthia pagkatapos ay binaba na ang tawag. Ilang minuto pa siyang nag-byahe. Nang makarating siya sa motel ni Selena ay sinalubong siya ni Ray na may malaking ngiti sa kanyang labi. ‘’Hello po, Ma’am Cynthia. Kumusta na po kayo? Buti naman po at napadaan ulit kayo rito. Tara po, Madam. Kanina pa po kayo hinihintay ni Maám Selena, e,’’ sabi ni Ray at inalalayan niyang makapasok sa loob si Cynthia. Pagpasok naman ni Cynthia ay gulat na gulat siya dahil nakita niya si Delsin. Kahit malayo pa lang siya ay alam na alam na nito na si Delsin iyon. Agad siyang lumapit roon, gulat na gulat naman si Selena dahil sa ginawa ng kaibigan niya. ‘’Delsin, buti naman at nakita na kita! Sobra akong nag-aalala sa iyo,’’ sabi ni Cynthia, gulat na gulat naman si Delsin dahil doon. ‘’Oh, Maám Cynthia! Kayo po pala iyan. Kumusta na po kayo?’’ sabi ni Delsin, pero sa totoo lang ay hiyang-hiya siya dahil alam naman niyang may pagkakamali siya rito. ‘’Naku, pasensya ka na Selena. Ang tagal ko na kasing hinahanap si Delsin eh. Nandito lang pala siya sa motel mo. Kailan pa siya rito?’’ sabi ni Cynthia pagkatapos ay umupo ito. ‘’A-Ah, eh noong isang araw lang naman siya rito. B-Bakit nga pala kayo magkakilala?’’ tanong ni Selena, nagtataka pa rin sa kinikilos noong dalawa. ‘’Ah, sakin siya dating nagta-trabaho. Iyon nga lang, may mga nangyari lang na hindi namin inaasahan kaya napahiwalay siya sa akin. But don’t worry, maayos naman iyan si Delsin. Tiyak ko na mapapagkatiwalaan mo naman siya,’’ sabi ni Cynthia. ‘’A-Ah, ganoon ba? Eh, hindi ka naman ba galit sa akin? Like, hindi ko naman ninakaw sa iyo si Delsin, tama ba ako? I saw him on the streets. Nagbebenta siya ng ice cream noon kaya iyon, kinuha ko siya,’’ paliwanag naman ni Selena. Natawa naman si Cynthia dahil sa sinabi ni Selena sa kanya. Todo explain pa ito kung paano niya nakilala si Delsin. Para bang may nagawa siyang masama sa kanyang kaibigan. ‘’Ano ka ba naman? Ayo slang iyon, ano. Mabuti na nga lang at dito siya napapunta sa inyo eh. At least, alam kong nasa mabuti siyang kamay. Hindi na ako mag-aalala pa. Saka, pwede ko siyang dalawin dito kapag gusto ko, di ba?’’ sabi ni Cynthia. Halata mong sobrang saya niya. ‘’Oo naman, pwedeng-pwede mong puntahan si Delsin dito. Anytime,’’ sabi naman ni Selena. Dahil sa sobrang hiya niya ay lumayo na lang si Delsin doon sa dalawa. Nang makalayo na siya ay para bang may tinik na nabunot sa kanya at nakahinga siyang maluwag. Hindi talaga niya lubos akalain na matalik na magkaibigan pala ýong mga amo niya. Nang matapos nang kumain sina Selena at Cynthia ay pinatawag ulit ni Selena si Delsin kay Ray. Nanginginig si Delsin sa kaba pero wala naman siyang magagawa dahil kailangan niyang harapin ‘yong dalawa. ‘’Delsin, kakausapin ka raw ni Cynthia. Doon muna kayo sa labas, sa mahangin na parte ng motel ko,’’ sabi ni Selena. ‘’Pero, Maám Selena, kailangan ko pa pong maghugas ng plato eh. Hindi ko naman po pwedeng iwan na lang bigla iyon,’’ sagot ni Delsin para makaiwas kay Cynthia. ‘’Ah, naku. Hayaan mo na iyon kay Ray, kaya naman na niya iyon eh. Saka, saglit ka lang naman daw kakausapin ni Cynthia. Huwag ka nang mag-alala,’’ sabi ni Selena. Doon na napagtanto ni Delsin na kailangan na nga niya talagang harapin ang dati niyang amo. Kailangan na niyang ipaliwanag kung bakit ng aba bigla na lang siyang umalis nang wala man lang paalam rito. Ang hiling na lang niya ay sana maintindihan siya ni Maám Cynthia.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD