Chapter 52

1083 Words
Nang makababa na sila sa cafeteria ay nag-order na si Cynthia ng pagkain nila ni Delsin. Noong una ay hiyang-hiya pa nga si Delsin dahil mamahalin ang ulam na binili ni Cynthia para sa kanya. Ayos naman na sa kanya ang murang ulam tulad ng itlog na may kamatis pero iba ang binili ni Cynthia para sa kanya. Sabay silang umupo sa cafeteria, ilang minuto pa ay nagsalita na si Delsin para naman hindi sila tahimik. Kapag kasi tahimik, feeling niya ay may problema sa kanya o sa paligid kaya minabuti na lang niya na magsalita. “Ma’am, sigurado po ba kayo na ayos lang sa inyo na binili niyo ako ng pagkain? Ayos lang naman po sa akin kahit ano, ang akin lang po eh ang mahal nito, Ma’am.” “Iyan ka na naman, ah. Ayos nga lang iyan. Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo ‘yon? Saka, wala naman tayo sa bahay kaya hindi mo ako amo ngayon kundi kaibigan,” natahimik naman si Delsin dahil sa sinabi ni Cynthia sa kanya. Pagkatapos ng ilang minuto ay nagsalita ulit siya dahil naalala na naman niya ang itsura ni Tonyo noong nakita niya ito. Hanggang ngayon ay awing-awa pa rin siya sa kanyang kaibigan. “Ma’am, alam niyo po? Natatakot ako na baka kung anong mangyari kay Tonyo kapag hindi pa natin siya nakuha kanina. Haynaku, nakakatakot pala ‘yong lalaking ‘yon. Grabe siya kay Tonyo, Ma’am,” sabi ni Delsin habang nakain. Uminom muna ng tubig si Cynthia bago niya sagutin si Delsin. “Naku, kung hindi mo pa siya nakita kanina, baliw na iyon sa mga susunod na araw. Well, baliw na nga pala talaga siya sa lalaking ‘yon. Haynaku, kawawa talaga siya kay Ysmael,” nag-aalalang sagot naman ni Cynthia. “Kaya kapag nakalabas na siya rito Ma’am, aalagaan ko po talaga siya. Kung iyon po ay ayos lang sa inyo?” sagot naman ni Delsin, kinabahan tuloy si Cynthia dahil sa sinabi ng binata sa kanya. “Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Cynthia kahit na may ideya na siya sa sinasabi ni Delsin sa kanya. “Ah, gusto ko po sana na ako ang mag-alaga kay Delsin sa bahay niya. Kahit dalawang buwan lang po. Kapag ayos na po siya, babalik na po ako sa inyo. Iyon ay kung ayos lang naman po sa inyo. Kung hindi po, ayos lang po sa akin, maiintindihan ko po,” sabi ni Delsin. “Bakit mo siya gustong alagaan? Pwede naman na kumuha na lang ako ng taga-alaga niya hindi ba? Hindi naman sa ayaw kong umalis ka sa amin ni albert, nagtatanong lang naman ako,” sagot ni Cynthia. “Ah, kaya ko po gustong alagaan siya dahil kaibigan ko po si Tonyo. Alam niyo, Ma’am. Siya lang ang bukod-tangi na nalapitan ko noong wala pong nakakaintindi sa akin,” kwento ni Delsin. “Ah, kaya gusto mo siyang alagaan ngayon? Akala ko, mahal mo na siya eh,” biro ni Cynthia, pagkatapos noon ay natawa siya sa sinabi. “Ah, opo. Mahal ko naman po si Tonyo, hindi nga lang po tulad sa pagmamahal ni Ysmael. Para po sa akin, kapatid ko na si Tonyo. Siya na lang po ang pamilya ko rito sa Maynila eh.” “Siya na lang ang pamilya mo? Akala ko, may pinsan ka? ‘Yong nakita natin sa mall noong nakaraan?” tanong ni Cynthia, naguguluhan sa kwento ni Delsin sa kanya. “Ah, opo. Pinsan ko naman po talaga ‘yong nakita natin. Kaya lang po, may poblema po kami kaya hindi ko alam kung kaya ko silang tawagin na pamilya,” sabi naman ni Delsin. Tumango-tango lang si Cynthia, kunwari ay nagulat siya pero alam naman niya iyon na may problema si Delsin pagdating doon sa pinsan niya. Hindi man niya alam kung ano ‘yon, basta malinaw sa kanya na may problema si Delsin. Kaya nga lang, alam din niya sa sarili na wala siya sa posisyon para tanungin si Delsin kung bakit kaya minabuti na lang niya na tumahimik. Kumain na lang siya. Pagkatapos niya ay hinintay niyang matapos si Delsin para sabay na sila sa pag-akyat doon sa kwarto ni Tonyo. Bago tuluyang umalis ay bumili muna sila ng pagkain para kay Tonyo para kapag nagising ito ay may kakainin siya. Isa pa, iniisip din nila nab aka nga gising na si Tonyo noong mga oras na iyon. “Halika na sa taas, baka gising na iyon si Tonyo,” nakangiting yaya ni Cynthia kay Delsin, sumunod naman si Delsin kay Cynthi. Nagmabilis sila nang makita na bukas nang konti ang pinto doon sa kwarto ni Tonyo. Pinapanalangin nila na wala lang ibigsabihin iyon, pero gulat na gulat sila nang makita si Ysmael na sinasakal si Tonyo. “Hoy! Anong ginagawa mo rito? Umalis ka rito, hindi ka pwede rito!” sigaw ni Cynthia, tinulungan naman ni Delsin si Tonyo para maayos ang kanyang sarili. “P-Paanong nakapunta ‘yan dito sa ospital eh binugbog ko na nga ‘yan? Saka, kayong dalawa! Bakit niyo naman siya tinulungan? Kung alam niyo lang ang nangyari kung bakit ko siya binugbog. Panigurado, sa akin kayo maaawa at hindi sa baklang iyan!’ galit na sabi ni Ysmael sa kanila. “Kahit na ano pa ang ginawa niya, hindi mo siya dapat binugbog! Sana, sinumbong mo na lang siya sa pulis kung talagang may kasalanan siya sa iyo,” sabi ni Cynthia. Hindi naman sumagot si Ysmael, hinila lang niya si Tonyo mula sa kama at agad naman ‘yong pinigilan ni Delsin. Gait nag alit siya kay Ysmael pero hindi niya mailabas dahil nasa labas sila, maraming tao ang makakakita kung sakali na patulan niya si Ysmael. Ayaw niya pating mapahiya sa harapan ng amo niyang si Cynthia. Isa pa, alam niyang masasaktan ang kaibigan niyang si Tonyo kapag sinaktan niya si Ysmael kaya hindi na lang niya iyon gagawin. “Ysmael, ano ba? Kung may natitira ka pang hiya sa katawan mo, umalis ka na rito bago ako tumawag ng security guard!” sigaw ni Cynthia. Dahil nakita ni Ysmael na may mga tao na sa labas na nakatingin sa kanila ay minabuti na lang niya na lumabas sa kwarto ni Tonyo, pero bago siya lumabas ay may sinabi muna siya sa kanila. “Darating ang araw na gaganti ako sa inyong tatlo. Tandaan niyo ‘yan!” sigaw ni Ysmael.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD