Chapter 53

1227 Words
Nagmabilis sila nang makita na bukas nang konti ang pinto doon sa kwarto ni Tonyo. Pinapanalangin nila na wala lang ibigsabihin iyon, pero gulat na gulat sila nang makita si Ysmael na sinasakal si Tonyo. “Hoy! Anong ginagawa mo rito? Umalis ka rito, hindi ka pwede rito!” sigaw ni Cynthia, tinulungan naman ni Delsin si Tonyo para maayos ang kanyang sarili. “P-Paanong nakapunta ‘yan dito sa ospital eh binugbog ko na nga ‘yan? Saka, kayong dalawa! Bakit niyo naman siya tinulungan? Kung alam niyo lang ang nangyari kung bakit ko siya binugbog. Panigurado, sa akin kayo maaawa at hindi sa baklang iyan!’ galit na sabi ni Ysmael sa kanila. “Kahit na ano pa ang ginawa niya, hindi mo siya dapat binugbog! Sana, sinumbong mo na lang siya sa pulis kung talagang may kasalanan siya sa iyo,” sabi ni Cynthia. Hindi naman sumagot si Ysmael, hinila lang niya si Tonyo mula sa kama at agad naman ‘yong pinigilan ni Delsin. Gait nag alit siya kay Ysmael pero hindi niya mailabas dahil nasa labas sila, maraming tao ang makakakita kung sakali na patulan niya si Ysmael. Ayaw niya pating mapahiya sa harapan ng amo niyang si Cynthia. Isa pa, alam niyang masasaktan ang kaibigan niyang si Tonyo kapag sinaktan niya si Ysmael kaya hindi na lang niya iyon gagawin. “Ysmael, ano ba? Kung may natitira ka pang hiya sa katawan mo, umalis ka na rito bago ako tumawag ng security guard!” sigaw ni Cynthia. Dahil nakita ni Ysmael na may mga tao na sa labas na nakatingin sa kanila ay minabuti na lang niya na lumabas sa kwarto ni Tonyo, pero bago siya lumabas ay may sinabi muna siya sa kanila. “Darating ang araw na gaganti ako sa inyong tatlo. Tandaan niyo ‘yan!” sigaw ni Ysmael. Pagkatapos magsabi noon ni Ysmael ay umalis na siya. Ayaw din niya kasing makuyog siya ng mga tao dahil sa kagaguhan na ginawa niya. Agad na chineck ni Cynthia kung talaga bang naka-alis na ito bago pumunta kay Tonyo para tingnan kung may nangyari bang masama doon sa kaibigan niya. “Tonyo, ayos ka lang ba? Sabihin mo sa akin, anong sinabi at ginawa niya sa iyo? Talagang ipapa-pulis ko na iyon!” galit na sabi ni Cynthia. “H-Huwag na, hayaan na natin siya. Ayos naman na ako,” nauutal na sabi ni Tonyo. Masaya naman na sina Delsin at Cynthia dahil mukhang hindi naman sila nakalimutan ng mahal nilang kaibigan. “Eh sigurado ka bang ayos ka lang? Haynaku, kapag naka-uwi ka na sa bahay mo ay aalagaan talaga kita,” sagot naman ni Delsin na kinagulat ni Tonyo dahil alam naman niya na may trabaho si Delsin. “A-Aalagaan mo ako? Naku, huwag na, Nakakahiya kay Cynthia, bago ka pa lang sa trabaho mo,” sagot naman ni Tonyo kay Delsin. “Hindi, nakapag-sabi naman na ako sa kanya at payag siya sa desisyon ko. Di ba, Ma’am Cynthia?” sabi ni Delsin. “Oo, Tonyo. Payag naman ako sa gusto ni Delsin kaya wala akong problema kung aalagaan ka niya. Mas okay nga iyon dahil may titingin sa iyo. Isa pa, I will also hire a physical therapist for you,” nakangiting sabi ni Cynthia sa kanyang kaibigan. “Physical therapist? Hindi ba parang sobra naman na iyan? Kaya ko naman na ang sarili ko, hwuag na Cynthia. Nakakahiya na,” nahihiyang sagot ni Tonyo. “You have to take the therapy. Naka-usap ko ang doktor mo at ang sabi niya ay kailangan mo iyon para mas mabilis ang paggaling mo. Grabe ang tinamo mo sa Ysmael na iyon,” paliwanag ni Cynthia kay Tonyo. Hindi pa kasi nakikita ni Tonyo ang kanyang sarili kaya naman akala niya ay ayos lang siya at kaya niya lang ang lahat. Ang hindi niya alam ay grabe na ang tinamo niya sa lalaking mahal niya. “Huwag na, hindi ko naman na kailangan-“ natigil ang pagsasalita ni Tonyo nang magsalita si Cynthia sa kanya. “Mare, gusto mo bang makita ang itsura mo? Para lang makita mo kung ano ang ginawa sa iyo ng lalaking iyon at para ma-kumbinsi na kita na magpa=therapy. Okay lang ba?” Tumango naman si Tonyo bilang tugon. Ngumiti si Cynthia kay Delsin, hudyat na ibigay na sa kanya ang salamin para mapakita nila kay Tonyo kung ano talaga ang kalagayan niya ngayon. Nang ibigay na ni Delsin ang salamin ay gulat na gulat si Tonyo sa kanyang nakita. Halos hindi na nga niya makilala ang sarili dahil sa dami ng sugat sa kanyang mukha. “A-Ako ba talaga ito? Hindi ko alam, hindi ko akalain,” sabi ni Tonyo sa kanyang sarili. “Ako rin, hindi ko akalain na kaya niyang gawin sa iyo ‘yan. Kaya kung ako sa iyo eh magpagaling ka. Accept my offer na ipa-therapy ka. Habang ginagawa iyon, aalagaan ka muna ni Delsin. Okay?” sabi ni Cynthia. “Naku, eh grabe na ang abala na binigay ko sa inyo. Siguro naman, kaya na nitong humupa mag-isa. Huwag niyo na akong intindihin pa. Kaya ko na ito,” nahihiyang sagot ni Tonyo sa maga kaiigan niya. “Haynaku, huwag ka nang makulit ha? Sige na, hayaan mo na kami na alagaan ka. Mahal ka namin eh,” sabi ni Cynthia. “Oo nga, saka gusto mo ba na magalit kami sa iyo dahil sa ginagawa mo sa sarili mo? Ayaw mo naman siguro nang ganoon, di ba?” dagdag pa ni Delsin. “Oo naman, ayaw ko nang ganoon,. Kaso lang, nakakahiya na kasi. Sapat na sa akin na sinamahan niyo ako rito sa ospital,” pilit ni Tonyo, ayaw niya pa rin sa ideya nina Delsin at Cynthia. Pero sa huli ay pumayag na ito dahil sa pamimilit ng dalawa. “Sige na nga, ilang buwan lang ha? Ayaw kong masyadong matagal. Gusto ko nga hindi na eh, mapilit lang talaga kayong dalawa eh,” sabi ni Tonyo sa kanila. “Pinipilit ka naming dahil kailangan mo talaga. Eh kung hindi naman eh hindi namin gagawin iyon eh. Saka nga pala, ipapahuli natin ‘yong lalaking iyon ah? Ipapakulong natin ‘yon,” sabi ni Cynthia. “T-Tungkol nga pala doon, pwede bang huwag niyo na lang siyang ipakulong? Hayaan niyo na lang siya. Ako na lang ang lalayo sa kanya para matapos na ito,” apila ni Tonyo dahil kahit paano ay mahal pa rin naman niya si Ysmael. “Ha? Anong sinasabi mong hindi na? Eh napag-usapan na natin iyon ah. Hindi mo na pwedeng bawiin ‘yon. Huwag mo sabihin saming naaawa ka na naman sa kanya dahil siya mismo ay hindi naman naawa sa iyo eh,” inis na sabi ni Delsin kay Tonyo. “Sinasabi ko lang naman. Ang Diyos nga ay nakakapagpatawad, ako pa kaya na tao lang?” sagot naman ni Tonyo. “Eh pasensya, hindi naman kasi kami Diyos para mapatawad siya. Ang kasalanan ay kasalanan. Dapat niyang pagbayaran iyon,” sagot ni Delsin. Wala nang nagawa pa si Tonyo kung hindi ang bumuntong-hinga at tumango na lang sa mga kaibigan niya. May punto rin naman kasi sila at hindi niya iyon masisisi. Siguro nga ay kailangan niyang tanggapin na ang may kasalanan talaga sa kanya ay si Ysmael. Ang lalaking minahal niya nang buo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD