Chapter 54

1356 Words
Pagkatapos ng ilang araw ay inuwi na nila si Tonyo sa bahay nito. Ilang beses ding tinangka ni Ysmael na makipag-usap kay Tonyo pero lagi lang pinipigilan nina Delsin at Cynthia. Para ma-protektahan nila ang kanilang kaibigan laban sa demonyong ex-boyfriend nito. “Pasensya ka na kung ayaw naming makita mo si Ysmael. Alam mo naman kung bakit namin ito ginagawa. Para rin naman sa iyo ito,” sabi ni Delsin. “Oo naman, alam ko, pero may hiling lang sana ako sa inyong dalawa,” sabi ni Tonyo habang nakahiga sa kanyang kama. “Hmm, ano iyon?” tanong naman ni Cynthia. “Bigyan niyo kami ng panahon kung saan makakapag-usap kami. Kahit isang beses lang. Hindi naman na siguro masama iyon, hindi ba?” hiling ni Tonyo sa mga kaibigan niya. “Ha? Eh iniiwas ka nga naming sa kanya hindi ba? Ano bang sinasabi mo dyan? Paano kung saktan ka na naman niya? Mahirap naman yata ‘yang hinihiling mo,” sagot naman ni Cynthia. “Mukhang hindi naman mahirap. Sasamahan niyo naman ako habang kausap ko siya eh. Para na rin makita niyo kung ano man ang sasabihin at gagawin niya sa akin,” sagot naman ni Tonyo. “Pwede, pero nakakatakot pa rin eh,” may pag-aalinlangan na sagot ni Cynthia. “Cynthia, ngayon lang naman ako hihiling ng ganito sa iyo. Pagbigyan niyo na ako ni Delsin,” pilit ni Tonyo sa kanyang mga kaibigan. Nagtinginan sila Cynthia at Delsin sa isa’t isa at saka tumango. “Isang beses lang ah?” sabay na sabi ni Cynthia at Delsin. “Oo, promise! Isang beses lang,” masayang sagot ni Tonyo dahil nagkaroon ng pag-asa ang pangungulit niya sa dalawa niyang kaibigan. “Sige, pero kalian?” tanong naman ni Delsin. “Ako na lang ang mag-iisip kung kalian. Kokontakin ko siya pagkatapos ay sasabihin ko sa inyo. Salamat sa pag-payag,” nakangiting sabi ni Tonyo. “Ngayon lang ‘yan ah. Pagkatapos nito, tapos na. Ayaw naming may mangyaring hindi maganda sa iyo eh,” sagot naman ni Delsin. “Oo, salamat sa oag-protekta niyo sa akin. Naa-appreciate ko, sobra. Kaya lang, gusto ko talaga siyang kausapin,” sabi ni Tonyo. “Mahal mo talaga ano? Marupok ka talaga, ‘no? Haynaku, kung hindi ka lang namin mahal ni Delsin, hindi ka naming pagbibigyan!” sagot naman ni Cynthia. “Eh kaso, mahal niyo ako eh. Kaya pinayagan niyo ang hiling ko. Hayaan niyo, hindi ko sisirain ang tiwala niyo sa akin. Mag-uusap lang kami pero hindi magbabalikan. Promise!” sagot ni Tonyo, tinaas pa niya ang isang kamay, simbolo na nangangako siya sa kanyang mga kaibigan. Kinagabihan noong araw din na iyon ay tinawagan ni Tonyo ang kanyang dating nobyo. Nagulat naman ito nang makita na natawag sa kanya si Tonyo. “Oh, akala ko ay ayaw mo na akong kausapin? Bakit ka napatawag ka sa akin ngayon?” may asar sa boses ni Ysmael nang sabihin niya iyon. “Kakausapin lang kita sa huling pagkakataon. Pagkatapos nito, tapos na tayo. Wala ka nang maririnig pa sa akin na kahit ano. Pangako ko iyan,” sabi pa ni Tonyo. “Ah, sigurado ka ba dyan? Eh alam ko naman, babalik at babalik ka rin sa akin,” sagot naman ni Ysmael sa kabilang linya. Inis na inis si Tonyo pero hindi niya pinahalata kay Ysmael. Ayaw na rin kasi niya nang mahabang usapan. Gusto na rin niyang matahimik ang buhay niya sa sobrang dami ng sakit na binigay ni Ysmael sa kanya noon. “Magkita na lang tayo sa bahay. Siguro sa Linggo. Wala ka naman sigurong pasok noon, di ba? O may pupuntahan ka?” pang-aasar pa ni Tonyo, pinaparinggan niya ang babae ni Ysmael. “Ah, oo. Wala naman akong pupuntahan sa Linggo. Sige, pupuntahan na lang kita sa bahay mo. Kukunin ko rin kasi mga gamit ko dyan. Teka, pwede bang magtanong?” sabi ni Ysmael. “Oh, ano iyon?” tanong naman ni Tonyo. “Kasama ba natin sina Cynthia at Delsin sa Linggo kapag nag-usap tayo?” tanong niya, akala mo naman kung sinong mabait na nagtatanong. “Ah, tungkol doon. Hindi naman importante sa iyo kung kasama natin sila o hindi di ba? Huwag mo nang itanong ‘yan,” pag-iiwas ni Tonyo. “Ah, oo, sige.” Ang hindi alam ni Ysmael ay may handang surpresa si Tonyo sa kanya. Ang surpresa na iyon ay ang ipapakulong na siya ng dati niyang nobyo. Napag-isipan na niya ng ilang beses ito, gulat na gulat nga sina Cynthia at Delsin “Sigurado ka na ba rito, Tonyo?” tanong ni Cynthia pagkatapos ng tawag nina Tonyo at Ysmael sa isa’t isa. “Ah, oo naman. Di ba matagal niyo nang gusto ito? Bakit ngayon eh parang ayaw niyo na bigla?” nakangiti pa si Tonyo nang sabihin niya iyon. “W-Wala naman, alam kasi naming mahal mo pa rin siya kahit na ganoon na ang nangyari sa inyo. Alam namin na masakit ito para sa iyo,” sabi ni Delsin. “Aminado naman akong masakit para sa akin ito, pero hindi ba at mas masakit kung hindi pa natin ito tapusin ngayon? Tama naman kayo eh, hindi na ako dapat na bumalik pa sa kanya dahil wala naman siyang naitutulong sa akin,” sabi ni Tonyo at may konting ngiti sa kanyang mga labi. Makaraan ang ilang araw ay nagkita na nga si Tonyo at Ysmael. Nagulat si Ysmael nang makita niya sina Delsin at Cynthia. Napatingin na lang siya kay Tonyo at napailing. “Ah, nandito pala talaga kayo, Delsin at Cynthia,” kunwari na lang na ayos lang sa kanya na nandoon ang dalawa. “Oo, baka kung anong gawin mo sa kaibigan namin eh,” bulong ni Delsin dahil sag alit. “”Sshh, tahimik ka lang, Delsin!” sabi naman ni Cynthia, buti na lang at hindi narinig ni Ysmael ang dalawa. Ilang minutong nag-usap ‘yong dalawa. Doon na nagkaroon ng pagkakataon si Delsin para tawagin ‘yong mga pulis. Nang makita ni Ysmael ang mga pulis ay galit na galit siya kay Tonyo. Hindi niya akalain na kayang gawin sa kanya iyon ni Tonyo. Akala niya ay kaya pa niyang paikutin ang ulo ng dati niyang nobyo. “Anong ibigsabihin nito Tonyo?! Bakit may mga pulis?!” galit na sabi ni Ysmael, halata rin sa kanya ang takot dahil sa kanyang boses. “Pasensya ka na sa akin pero nagising na kasi ako sa katotohanan. Ang katotohanan na kailangan mo nang makulong dahil sa lahat ng ginawa mo sa akin noon,” sabi ni Tonyo, naluluha siya dahil sa galit sa puso niya. “A-Akala ko ba, mahal mo pa rin ako?” nagmamakaawang tanong ni Ysmael, akala mo ay walang ginawang masama kay Tonyo kung makapagsalita. “Akala ko rin ay pagmamahal ang meron ako sa iyo. ‘Yon pala, katangahan na ang lahat ng iyon at hindi ko na kaya. Tama na nga siguro ang lahat ng nangyari sa atin,” sabi ni Tonyo, naiiyak na pero pinipigilan niya dahil ayaw niyang ipakita kay Ysmael na mahina siya. “Akala ko, aayusin pa natin ito. Hindi na pala,” nalulungkot na sagot ni Ysmael. “Aayusin pa natin ito? Sa tingin mo, kaya pa nating ayusin ang sitwasyon natin kung kaya mo na akong patayin? Naririnig mo ba ang sarili mo, Ysmael?” galit na sabi ni Tonyo. “Kung papatawarin mo ako ngayon, gagawin koi iyon. Maniwala ka, kahit ngayon lang. Sa huling pagkakataon, maniwala ka sa akin,” pagmamakaawa ni Ysmael kay Tonyo. “Kung noon, baka maniwala pa ako pero sa sitwasyon na meron tayo ngayon ay hindi na ako maniniwala pa. Tama na siguro iyon,” huling sabi ni Tonyo. Pinalapit na ni Delsin ang mga pulis para kunin si Ysmael, nagmamakaawa pa rin si Ysmael kay Tonyo pero tumalikod na lang ito para hindi niya makita na kinukuha na ng mga pulis ang dati niyang nobyo. Kahit paano naman kasi ay masakit pa rin sa kanya iyon. Kaya lang, alam niya ito nga ang mas tamang gawin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD