Lumapit si Delsin at Cynthia sa kanya para patahanin na siya.
“Basta, ipangako niyo sa akin na hindi siya masasaktan kapag nahuli siya ng mga pulis, ah?” sabi ni Tonyo, pino-protektahan pa rin niya si Ysmael kahit paano.
“Oo naman, basta hindi siya manlaban ay hindi naman siya masasaktan ng mga pulis eh. Pangako namin iyan sa iyo,” nakangiti pang sabi ni Cynthia kay Tonyo.
Ngumiti naman si Tonyo pabalik sa kanyang kaibigan at dahan-dahan na nila itong tinulungan na makatayo para makapunta na sa kotse ni Cynthia. Buti na lang talaga at wala pa si Ysmael kaya makakatakas pa sila.
Dahil mabilis naman ang pagpapatakbo ng sasakyan ni Cynthia ay nakarating agad sila sa ospital. Agad na pina-check si Tonyo sa doktor. Naka-upo lang sila sa labas, naghihintay ng anunsyo ng doctor kung okay na ba si Tonyo o hindi pa.
“Magiging maayos naman siya, Ma’am Cynthia, hindi ba?” halata ang pangamba sa tono ni Delsin.
“Oo naman, magiging maayos siya. Magdasal lang tayo para sa kanya, ah? Kaya niya ang laban na ito. Malakas naman iyon eh,” sagot naman ni Cynthia na kahit paano ay nagbigay ng kahit konting pag-asa kay Delsin na magiging maayos ang kanyang kaibigan.
Si Mikay ay pina-uwi muna ni Cynthia dahil baka kailangan na ni Albert ng kasama. Gusto man ni Delsin na sumama kay Mikay ay hindi naman niya magawa dahil alam niyang kailangan siya ni Tonyo ngayon.
“Kapag hinanap ako ni Albert, sabihin mo may binibili lang ako sa mall. Kapag nagwala naman siya ay painumin mo agad ng pangpakalma para makatulog agad siya, ha? Mag-ingat ka pauwi, Mikay,” sabi ni Cynthia.
“Hayaan mo, Mikay. Bukas na bukas din ay papasok na ako para hindi ka na mahirapan kay Sir Albert. Pasensya ka na at ito pa ang nangyari ngayon,” sabi ni Delsin, halatang-halata na hiyang-hiya siya kay Mikay.
“Wala iyon, ano ka ba? Alam ko naman na mas kailangan ka ng kaibigan niyo ni Ma’am Cynthia. Saka ka na lang bumawi sa akin kapag ayos na ang lahat, ha?” nakangiting sabi ni Mikay kay Delsin.
Todo pasasalamat talaga si Delsin kay Mikay at Cynthia dahil sobra nilang iniintindi ang sitwasyon niya. Kaya lang naman ganito si Delsin kay Tonyo ay dahil siya na lang ang pamilya niya rito sa Maynila eh. Ayaw naman niya na pati ang mahal niyang kaibigan ay mawala sa kanya.
“Ma’am, alis na po ako,” paalam ni Mikay kay Cynthia, tumango naman si Cynthia bilang tugon kay Mikay.
Ilang minuto pang tahimik sina Delsin at Cynthia dahil sa kakahintay ng doktor, pero hindi na nakatiis pa si Delsin dahi naiisip niya pa rin si Ysmael at kung anong ginawa nito sa kaibigan niya.
“Ilang araw ko silang nakasama sa bahay na iyon, hindi ko man lang napansin na ganoon na pala ang trato niya kay Tonyo. Kung alam ko lang sana, nasuntok ko na ang lalaking iyon kahit pa mas malaki siya sa akin,” ramdam na ramdam ni Cynthia ang galit sa boses ni Delsin.
“Ewan ko ba naman kay Tonyo kung bakit iyon pa rin ang pinipili niya kahit na sinasaktan naman siya noon. Haynaku, iba nga talaga ang nagagawa ng pag-ibig, Delsin. Diyos ko po. Totoo nga yata ‘yong nasa kanta na too much love will kill you,” sagot naman ni Cynthia.
“Kaya pala noong nagpapa-kwento ako sa kanya noon, parang may takot siya. Hindi niya nga na-ikwento talaga eh, sinabi niya lang sa akin na okay naman daw sila nila ni Ysmael. Ang tanga ko lang na naniwala agad ako sa kanya eh may nararamdaman na akong kaka-iba sa lalaking iyon noon pa lang,” sabi naman ni Delsin.
“Iba rin naman kasing magmahal si Tonyo eh, kahit na ilang beses pa siyang niloko ni Ysmael dahil sa kung sinu-sinong babae ay pinapatawad pa rin niya ito. Umaasa pa rin siya na magbabago si Ysmael pagdating ng araw,” sabi pa ni Cynthia.
“Eh bakit po siya ganoon? Ang dami pa naman pong iba dyan, bakit si Ysmael pa rin ang pinipili niya kahit na nasasaktan na siya?” naguguluhang tanong ni Delsin kay Cynthia.
“Akala kasi niya ay si Ysmael na lang ang tatanggap sa kanya eh. Natatakot siyang magsimulang muli dahil feeling niya ay wala nang magmamahal pa sa kanyang muli dahil bakla siya,” sinabi na ni Cynthia ang mapait na katotohanan.
“Ah, kaya ba nagtitiis na lang siya sa gago na iyon na kahit na binubugbog na siya eh pino-protektahan pa rin niya? Ano ba naman ‘yan, oras na maging maayos talaga ang kalagayan niya ay mapapagalitan ko siya dahil sa mga desisyon niya,” inis na sabi ni Delsin, dahil naman doon ay napatawa si Cynthia dahil nakita niya naman kung gaano pino-protektahan ni Delsin ang kaibigan niyang si Tonyo.
Nakita ni Delsin ang pag-ngiti ni Ma’am Cynthia pero hindi niya na iyon pinansin pa dahil ang tanging nasa isip lang niya ay ang tulungan si Tonyo sa abot ng kanyang makakaya.
Pagkatapos ng ilang oras ay lumabas na ang doktor na tumingin kay Tonyo. Kinakabahan silang dalawa pero tinatapangan nila para rink ay Tonyo. Agad silang lumapit sa doktor para malaman na nila ang totoong kalagayan ni Tonyo.
“I believe, kayo ang nagdala kay Mr. Laurel dito. Well, salamat sa inyo dahil kung hindi niyo agad siya dinala ay tiyak na malaki ang magiging epekto ng mga bugbog na iyon sa kanyang utak. Sa ngayon, stable na siya, pero dapat niyo nang asahan ang magiging effect nito sa kanya,” paliwanag ng doktor.
“What do you mean, Doc?” tanong naman ni Cynthia, para maintindihan nila ni Delsin kung ano ba ang dapat gawin kay Tonyo.
“Sadly, dahil sa mga bugbog niya ay makakaranas siya ng fatigue, exhaustion. May mga events na bigla niya kayong hindi makikilala dahil doon sa trauma,” paliwanag pa noong doktor.
Doon na labis na nalungkot sina Delsin at Cynthia. Nagpapasalamat na lang talaga sila sa Diyos ngayon dahil maaga pa nilang napilit si Tonyo na pumunta na sa ospital para magpatingin.
“He will undergo therapy, tama ba ako, Doc?” tanong ni Cynthia.
“Yes, mas okay nga kung ganoon ang mangyayari sa kanya. Kapag naman may oras kayo, kausapin niyo siya para maging maayos ulit siya,” sabi ng doktor.
“Okay po, Doc. Noted po. But, can we see him already?” tanong naman ni Cynthia sa doktor.
Gustong-gusto na kasing makita ni Delsin ang kanyang kaibigan at kitang-kita iyon ni Cynthia.
“Yes, sure. Pwede niyo na siyang makita. For now, will you excuse me for awhile dahil may iba pa akong pasyente? I’ll check him again later,” sabi noong doktor, pagkatapos ay ngumiti kina Delsin at Cynthia.
Tumango naman ‘yong dalawa bilang tugon pagkatapos ay dumeretso na sila sa loob ng kwarto ni Tonyo. Tulog ito nang pumasok sila kaya dahan-dahan silang naglakad na dalawa para hindi magising si Tonyo sa ingay nila.
“Tonyo, pagaling ka ha? Nandito lang kami. Aalagaan ka naming dalawa ni Delsin. Ako na rin ang bahala sa therapy mo, ha?” bulong ni Cynthia sa kanyang kaibigan. Kahit na hindi naman siya siguardo kung naririnig siya nito ay sinabi niya pa rin iyon.
“Oo nga, kami ang bahala sa iyo. Tutulungan ka naming ni Ma’am Cynthia para makabangong muli. Basta, huwag ka nang babalik sa lalaking iyon. Pinapangako ko sa iyo na oras na makita koi yon, ipapa-pulis ko talaga ang gagong iyon,” bulong naman ni Delsin pero ramdam ni Cynthia ang galit nit okay Ysmael.
Dahil ilang oras na silang naroon ay napag=pasyahan ni Delsin na tanungin si Cynthia kung gutom na ba siya.
“Ma’am, kumain po muna tayo? Ilang oras na po kasi tayong nagbabantay dito eh. Mahirap naman po kung magbantay tayo nang magbantay pero wala tayong lakas. Tulog pa naman po si Tonyo kaya pwede po muna tayong magpahinga saglit,” sabi ni Delsin.
“Naku, ikaw na lang ang kumain. Busog pa naman ako. Mahirap nang iwanan mag-isa si Tonyo rito sa loob. Di mo rin kasi alam kung sino ang mga pumasok,” sagot ni Cynthia.
“Eh Ma’am, may mga nurses at security guard naman po. Sabihin na lang natin sa kanila na bantayan si Tonyo. Wala naman na po sigurong masama roon, di ba po?” pamimilit pa ni Delsin kay Cynthia.
Dahil sa gutom at siguro pati na rin sa pamimilit ni Delsin sa kanya ay pumayag na rin siya, pero bago sila lumabas ay kinausap muna niya si Tonyo para makapag-paalam siyang maayos.
“Oh, kakain muna kami ni Delsin sa cafeteria ah? Huwag kang mag-alala, nandito naman ang mga nurses kaya may magbabantay sa iyo. Nasa labas lang sila, may mga security guard din kapag kailangan mo. Saglit lang kami sa baba,” paalam ni Cynthia sa kaibigan.
“Kakain lang kami ah, dadalhan ka na lang naming ng pagkain pabalik. Mabilis lang kami ni Ma’am Cynthia,” sabi naman ni Delsin.
Sa totoo niyan ay ayos lang naman talaga si Delsin. Wala sa kanya ang gutom, ang inaalala niya ay si Ma’am Cynthia. Halata na kasi niya na antok at gutom na rin ito kaya niyaya na niya. Alam niya rin kasi na hindi naman sanay sa mga ganito si Ma’am Cynthia.