Chapter 50

1584 Words
Sa kabilang banda naman, dumating na si Delsin sa bahay ni Tonyo. Kahit na galing pa siya sa byahe ay kitang-kita sa kanyang itsura na sobrang saya niya na makabalik muli sa bahay ng kanyang kaibigan. Bumili pa nga siya ng merienda para naman may konting pasalubong siya rito. Kumatok siya sa pinto, dala-dala ang mga gamit niya. “Tonyo, nandyan ka ba? Pakibukas naman ng gate,” sigaw ni Delsin para marinig siya ni Tonyo. Ilang ulit pa niya ‘yong tinawag pero wala namang nasagot sa kanya. Wala rin naman siyang naririnig mula sa loob ng bahay nila Tonyo kaya akala niya ay walang tao sa loob nito. Nilapag niya muna sa ibaba ang mga gamit na dala niya para kuhanin ang kanyang cellphone sa bulas. Doon ay tinawagan na niya ito para masigurado niya na wala nga talagang tao sa loob ng bahay. Nakailang ring pa ang cellphone ni Tonyo bago pa ito tuluyang masagot. “Uy, nasaan ka ba? Nandito ka ba sa bahay mo?” tanong ni Delsin sa kanyang kaibigan. “H-Ha? Nandito ka sa b-bahay ko?” nauutal na tanong naman ni Tonyo kay Delsin. Halatang-halata na gulat si Tonyo sa kanyang nalaman. Pansin din naman ni Delsin na para ngang hinang-hina si Tonyo sa kabilang linya. Kaya naman nag-alala na siya sa kaibigan. Hindi naman kasi ganoon ‘yon dati eh. “Uy, ayos ka lang ba? Uulitin ko, nandito ka ba sa bahay mo?” tanong ulit ni Delsin. “A-Ayos lang ako, pero huwag ka nang pupunta rito, umalis ka na kung maaari,” sabi ni Tonyo, hinang-hina pa rin ang kanyang boses kaya naman hindi talaga makali si Delsin. “Ayos ka lang eh hinang-hina ka? Nasaan ba si Ysmael? Nandyan ba siya sa loob? Pagbuksan mo naman ako ng pinto para matulungan kita dyan,” sabi naman ni Delsin. Ang hindi alam ni Delsin ay hindi pala talaga siya mapagbubuksan ni Tonyo dahil bugbog sarado si Tonyo at ayaw nitong makita ng kanyang kaibigan ang mga pasa sa mukha at katawan. “Oo, ayos lang ako. Bumalik ka na lang kay Ma’am Cynthia mo, huwag ka na rito. Ha? Hayaan mo na ako,” pamimilit ni Tonyo sa kaibigan para hindi na ito mangulit pa sa kanya. “Sa tono mo, alam kong hindi ka ayos. Ano bang nangyari sa iyo? Sinaktan ka ba ni Ysmael? Sige, sabihin mo sa akin at yari talaga sa akin ‘yang nobyo mo kahit na malaki pa ang katawan niya sa akin. Lalabanan ko talaga siya,” panghahamon pa ni Delsin. Sa sobrang dami ng sugat at bugbog ni Tonyo ay hindi na siya nakasagot pa kay Delsin. Namatay na ang tawag, doon na kinabahan si Delsin. Alam niya na kailangan ng kaibigan niya ng tulong, pero paano niya gagawin iyon kung hindi siya pagbubuksan ng gate nito? Dahil ilang minuto na siyang nasa labas ay hindi na niya napigilan ang kanyang sarili. Inakyat na niya ang gate. Iniwan na nga niya ang kanyang gamit sa labas ng bahay para makapasok na sa bahay ni Tonyo. Pagbukas niya sa pinto ng bahay ng kanyang kaibigan ay tumakbo agad siya sa kwarto ni Tonyo. Pagbukas niya ng pinto ay gulat na gulat siya dahil sa nakita niyang itsura ng kanyang kaibigan. Halatang-halata ni Delsin na hirap si Tonyo. Isa pa, kita niya ang mga sugat ng kanyang kaibigan. Agad niya itong nilapitan para tingnan at kumustahin. “Tonyo, ano ba naman ‘yan? Bakit naman hindi mo sinabi sa akin na ganyan na pala ang kalagayan mo rito, ha? Huwag mong sabihin sa akin na siya ang may gawa niyan? Hindi ko talaga siya mapapatawad,” galit na galit si Delsin habang sinasabi niya iyon. “P-Paano ka nakapasok dito? Di ba sabi ko, huwag ka nang pumunta pa rito? Baka mahuli ka pa niya mamaya, kawawa ka kapag nangyari iyon, Delsin.” “Wala akong pakialam sa mangyayari sa akin sa kamay ng Ysmael na iyon, ang mahalaga sa akin ay ang mailabas ka sa impyernong ito,” sabi naman ni Delsin. Tumayo siya at kinuha ang cellphone sa kanyang bulsa. Tinawagan niya si Mikay, hindi kasi niya alam kung anong numero ni Ma’am Cynthia. Todo dasal siya n asana ay nandoon sa bahay ang kanyang amo para matulungan sila nito. Ilang ring pa ang kanyang narinig bago siya tuluyang sagutin ni Mikay. Rinig na rinig ni Delsin ang ingay sa background. “Hello, Mikay. Nasaan ka? Bakit ang ingay dyan?” tanong ni Delsin. “Wow, ang bilis mo namang tumawag sa akin, Delsin. Miss mo na ako? Ah, maingay dito kasi nasa mall kami ni Ma’am Cynthia. Teka, bakit ka nga ba napatawag?” sagot naman ni Mikay. “Katabi mob a si Ma’am Cynthia? Pwede ko ba siyang makausap?” ang tono ni Delsin ay para bang nagmamadali kaya hindi na nagtanong pa si Mikay kung bakit hinahanap ni Delsin si Ma’am Cynthia. Binigay na lamang nito ang kanyang cellphone sa kanyang amo. “Si Delsin po, Ma’am. Gusto raw po kayong makausap, hindi ko alam kung bakit,” sabi ni Mikay kay Cynthia. “Ha?” pagkatapos noon ay kinuha na niya ang cellphone ni Mikay. “Oh, Delsin. Ilang oras ka palang wala sa bahay ah. Anong kailangan mo? May problema ba?” halata ang pangamba sa boses ni Cynthia. “Ma’am, malaki po. Malaking problema po ito,” nanginginig ang boses ni Delsin habang sinasabi iyon. “Oh, anong problema mo?” lalong kinabahan si Cynthia dahil sa sinabi ni Delsin sa kanya. “Si Tonyo po, kailangan niya po ng tulong natin. Kung pwede po, puntahan po ninyo kami rito sa bahay niya. Binugbog po siya ni Ysmael, hindi ko po alam kung anong gagawin ko at kung saan siya dadalhin kaya hihingi po ako ng tulong sa inyo,” sabi ni Delsin. “Ha? Ang tagal ko na kasing sinasabi dyan na tigilan na si Ysmael eh. Ang kulit-kulit kasi! Teka, pupunta na kami dyan ni Mikay,” sabi ni Cynthia at binaba na ang tawag. Nang ibaba ni Delsin ang tawag ay kita kay Tonyo ang takot. Ayaw kasi niyang madamay pa ang mga kaibigan niya sa kanyang sariling problema. Isa pa, baka bumalik na sa bahay niya si Ysmael kaya kabadong-kabado siya. “Delsin, huwag na. Umuwi ka na lang, kaya ko na si Ysmael. Hayaan mo na ako, kasalanan ko naman kung bakit nandito ako ngayon sa ganitong sitwasyon eh,” sabi ni Tonyo. “Hindi ako uuwi hangga’t hindi kita natutulungan, Tonyo. Kahit mabugbog an rin ako ni Ysmael rito kapag ako ay nakita niya ay ayos lang sa akin. Ang importante sa akin ay ang matulungan kita. Huwag ka nang makulit, ah? Parating na si Ma’am Cynthia para sa tulong,” sagot ni Delsin. Hindi na sumagot pa si Tonyo dahil alam niya sa kanyang sarili na talo naman siya sa kaibigang si Delsin. Todo pasasalamat na lang siya dahil may mga kaibigan siya na handa talagang tumulong sa kanya kahit ano pa ang mangyari. ‘Yong mga taong hindi talaga siya iiwan kahit ano pa ang mangyari. Nagmadali na si Cynthia sa pagmaneho ng kotse. Si Mikay ay hindi na rin makali dahil nasabi na sa kanya ni Cynthia ang sitwasyon. Pagkatapos ng labing-limang minuto ay nandoon na sila sa bahay ni Tonyo. Rinig ni Delsin na may nagmamadaling pumasok sa bahay ni Tonyo. Noong nakita ni Delsin na si Cynthia iyon ay pinapasok niya agad ito sa kwarto ni Tonyo. Lumapit ito sa kanyang kaibigan at nangamusta. “Diyos ko naman, Tonyo! Bakit mo naman hinayaan na ganyanin ka ni Ysmael? Tara an, habang wala pa siya. Dadalhin na kita sa ospital,” pag-aalala ni Cynthia kay Tonyo. “Mare, huwag na. Hayaan niyo na ako ni Delsin, kaya ko naman na ito kasi ilang beses na niya itong ginagawa sa akin, hindi ba?” nakuha pa ngang ngumiti ni Tony okay Cynthia noong sinabi niya iyon. Doon labis na nalungkot si Delsin. Ngayon niya lang kasi nalaman na matagal na panahon na palang ganoon ang sitwasyon ni Tonyo sa kamay ni Ysmael pero wala man lang siyang napansin. Lalo tuloy siyang naawa rito. “Tara na, Tonyo. Magpadala ka na sa amin sa ospital habang wala pa siya. Pinapangako ko sa iyo na ipapakulong namin ni Ma’am Cynthia ‘yang si Ysmael. Talagang magbabayad siya sa lahat ng ginawa niya sa iyo,” galit na galit na sabi ni Delsin. Dahil sa sinabi ni Delsin ay doon na humagulhol ng iyak si Tonyo. Siguro ay dahil na rin sa pagod na kanyang nararamdaman. Kahit naman kasi mahal niya si Ysmael ay talaga namang sobrang sakit para sa kanya ng mga ginagawa nito. Lumapit si Delsin at Cynthia sa kanya para patahanin na siya. “Basta, ipangako niyo sa akin na hindi siya masasaktan kapag nahuli siya ng mga pulis, ah?” sabi ni Tonyo, pino-protektahan pa rin niya si Ysmael kahit paano. “Oo naman, basta hindi siya manlaban ay hindi naman siya masasaktan ng mga pulis eh. Pangako namin iyan sa iyo,” nakangiti pang sabi ni Cynthia kay Tonyo. Ngumiti naman si Tonyo pabalik sa kanyang kaibigan at dahan-dahan na nila itong tinulungan na makatayo para makapunta na sa kotse ni Cynthia. Buti na lang talaga at wala pa si Ysmael kaya makakatakas pa sila. . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD