Chapter 49

1604 Words
Ilang linggo na rin ang nakalipas simula noong natulog na si Delsin sa kwarto ng kanyang Sir A;lbert Naging maayos naman ang pagtulog ni Albert simula noon kaya tuwang-tuwa si Cynthia kay Delsin. Hindi na rin sila pinakialamanan pa ni Mikael at Zsa Zsa dahil alam naman nila na hindi na sila mananalo pa sa kanilang ina. Hanggang wala namang nangyayaring masama sa kanilang pamilya ay hindi na sila nagsasa;lita pa ng kung ano laban kay Delsin. Alam kasi nila na ang Mama Cynthia lang naman nila ang makakalaban nila kapag ginawa nila iyon eh. Ngayon ay naghahanda si Delsin na umuwi sa bahay ni Tonyo dahil nagpaalam siya kay Cynthia na uuwi muna siya sa kanyang kaibigan. Pinayagan naman agad ni Cynthia si Delsin dahil alam niyang pagod na rin ito sa kanyang trabaho. “Oh, Mikay. Ikaw muna ang bahala kay Sir Albert ha? Kapag hinanap ako, tawagan mo lang ako sa numero ko at sasagot naman agad ako. Ipakausap mo na lang siya sa akin, ha? Isang gabi lang naman akong mawawala,” sabi ni Delsin pagkatapos ay ngumiti siya kay Mikay. “Ano ka ba naman? Syempre naman, ako na ang bahala kay Sir Albert. Akala mo naman hindi na babalik ‘tong si Delsin oh,” biro pa ni Mikay sa kanya. “Loko ka talaga Mikay minsan, ano? Eh sige na, aalis na ako. Baka mamaya magwala pa si Sir Albert, hindi pa ako makaalis,” sabi ni Delsin kay Mikay. “Oo nga, paboritong-paborito ka pa naman noon. Nagtatampo na nga ako eh, simula kasi noong nakilala ka niya, ikaw na ang palaging hanap at kasama. Parang hindi na niya ako kilala eh,” pang-aasar pa ni Mikay. “Naku, Mikay. Wala namang paborito si Sir Albert, nasa pakikisama mo naman iyan sa kanya eh. Kung mabait ka sa kanya, mabait din siya panigurado sa iyo,” sabi ni Delsin at ngumiti sa kanyang kaibigan, pagkatapos noon ay nag-impake na siya. Pagkatapos noon ay pumunta siya sa kwarto ng kanyang Ma’am Cynthia para magpaalam. Kumatok siya sa pinto nito bago tuluyang pumasok. “Oh? Pasok ka.” Dahan-dahang pumasok si Delsin, nang makita naman siya ni Cynthia ay ngumiti ito sa kanya kaya wala na rin siyang nagawa kundi ang ngumiti rito pabalik. Lumapit siya sa kanyang amo at nagsalita. “Ma’am Cynthia, uuwi lang po ako saglit. Babalik po ako agad bukas. Maraming salamat po sa pagpayag niyo na mag-day off ako. Pangako po, aagahan ko ang balik ko bukas,” nakangiting paalam ni Delsin kay Ma’am Cynthia. “Ano ka ba naman? Wala iyon, deserve mo naman mag-pahinga dahil sobra na rin ang pag-aalaga mo kay Albert. Walang problema iyon. Eh teka, alam ba ni Tonyo na uuwi ka ngayon sa kanila?” nakangiti ring sagot ni Ma’am Cynthia. “ Hindi po, Ma’am eh. Hindi ko po nasabi sa kanya, pero hindi naman po siguro problema iyon.” “Ah, sige. Ingat ka sa byahe mo ah,” pagpa-paalala ni Cynthia kay Delsin. “Kasama na po ni Mikay si Sir Albert, Ma’am ah?. Alis na po ako,” sabi ni Delsin pagkatapos ay umalis na sa kwarto ni Cynthia. Paglabas naman ni Delsin ay nakita siya ni Mikael, masama pa rin ang tingin niya rito kahit wala naman itong ginagawa sa kanya. Pumasok si Mikael sa kwarto ng kanyang Mama Cynthia para kausapin ito tungkol kay Delsin. Hindi kasi siya makali sa kinikilos nito kahit na wala pa siyang napapatunayang maling ginagawa ni Delsin. “Mama, tiningnan mo ba ang gamit noon bago siya umalis? Baka ninakawan na-“ natigil si Mikael sa kanyang sinasabi nang biglang magsalita si Cynthia sa kanya. “Ano ba naman ‘yang iniisip mo? Tigilan mo na nga iyan, alam mo naman na masama iyan, hindi ba?” inis na sabi ni Cynthia sa kanyang anak. “Eh Mama, sinasabi ko lang naman dahil nag-aalala ako sa mga kinikilos niya. Ilang beses ko na bang sasabihin sa iyo na hindi ako kumportable sa galaw niya,” sabi pa ni Mikael, para bang hindi siya takot na mapagalitan siya ng kanyang ina. “Ilang beses ko rin namang sasabihin sa iyo na wala akong pakialam sa sinasabi mo? Kita mo naman, maayos naman siya kausap at maayos rin siya sa bahay. Ano pa bang gusto mong gawin niya para mapatunayan niya sa iyo na hindi naman siya masamang tao?!” inis na sabi ni Cynthia sa kanyang anak. “Naku, mabuti lang naman siya sa iyo dahil nakikita mo sa kanya si Kuya Luke eh, pero kung hindi naman eh alam kong iinit din ang ulo mo sa kanya, kagaya ko. Ewan ko ba naman sa iyo Mama kung bakit hindi mo nakikita iyon,” inis na sabi ni Mikael sa kanyang ina. “Hindi naman dahil sa Kuya Luke mo kaya ako ganito sa kanya. Pwede ba, huwag mo silang pagkumparahin, alam mo naman sa sarili mo na magkaibang-magkaiba sila ng Kuya Luke mo,” pagtatanggol ni Cynthia kay Delsin. “Ikaw ang magsabi niyan sa sarili mo, Mama. Alam mo na totoo ang sinasabi ko at niloloko mo lang ang sarili mo ngayon,” sabi ni Mikael at tumalikod na sa kanyang ina. Pagbukas niya ng pinto ay nandoon pala ang kapatid niyang si Zsa Zsa, kanina pa pala ito nakikinig sa kanila. Gulat na gulat ang dalaga sa pagbukas ng Kuya Mikael niya ng pinto. “Kausapin mo nga ‘yang nanay natin. Hindi yata talaga makikinig sa akin iyan kahit anong gawin ko eh. Baka sa iyo, makinig iyan. Subukan mo,” inis na sabi ni Mikael sa kanyang kapatid. Tiningnan naman ni Zsa Zsa si Cynthia na para bang naaawa ito sa kanyang ina at nahihiya na ganoon ang pinapakita ng Kuya Mikael niya sa kanila. Unti-unti ay nilapitan niya ito. Ramdam na ramdam ni Cynthia ang takot na nararamdaman ng kanyang anak. “Mama, hindi ka ba makikinig kay Kuya Mikael? Wala namang mawawala kung makikinig ka sa kanya, hindi ba?” paki-usap ni Zsa Zsa sa kanyang ina na si Cynthia. “Anak, hindi naman sa hindi ako naniniwala sa Kuya Mikael mo. Ang akin lang naman ay bigyan niyo ng panahon si Delsin para makilala niyo pa siya. Maayos naman siya sa Kuya Albert mo, anong problema niyo sa kanya?” sabi ni Cynthia. Dahil wala nang bala si Zsa Zsa ay hindi na niya sinagot pa ang kanyang ina. Oo nga naman, nakita naman talaga niya na maalaga si Delsin sa kanyang kapatid. Kaya nga lang, mas importante kay Zsa Zsa na panigan niya ang kanyang kapatid kaysa sa isang tao na hindi naman niya kaanu-ano o kilala. Sa kabilang banda naman, dumating na si Delsin sa bahay ni Tonyo. Kahit na galing pa siya sa byahe ay kitang-kita sa kanyang itsura na sobrang saya niya na makabalik muli sa bahay ng kanyang kaibigan. Bumili pa nga siya ng merienda para naman may konting pasalubong siya rito. Kumatok siya sa pinto, dala-dala ang mga gamit niya. “Tonyo, nandyan ka ba? Pakibukas naman ng gate,” sigaw ni Delsin para marinig siya ni Tonyo. Ilang ulit pa niya ‘yong tinawag pero wala namang nasagot sa kanya. Wala rin naman siyang naririnig mula sa loob ng bahay nila Tonyo kaya akala niya ay walang tao sa loob nito. Nilapag niya muna sa ibaba ang mga gamit na dala niya para kuhanin ang kanyang cellphone sa bulas. Doon ay tinawagan na niya ito para masigurado niya na wala nga talagang tao sa loob ng bahay. Nakailang ring pa ang cellphone ni Tonyo bago pa ito tuluyang masagot. “Uy, nasaan ka ba? Nandito ka ba sa bahay mo?” tanong ni Delsin sa kanyang kaibigan. “H-Ha? Nandito ka sa b-bahay ko?” nauutal na tanong naman ni Tonyo kay Delsin. Halatang-halata na gulat si Tonyo sa kanyang nalaman. Pansin din naman ni Delsin na para ngang hinang-hina si Tonyo sa kabilang linya. Kaya naman nag-alala na siya sa kaibigan. Hindi naman kasi ganoon ‘yon dati eh. “Uy, ayos ka lang ba? Uulitin ko, nandito ka ba sa bahay mo?” tanong ulit ni Delsin. “A-Ayos lang ako, pero huwag ka nang pupunta rito, umalis ka na kung maaari,” sabi ni Tonyo, hinang-hina pa rin ang kanyang boses kaya naman hindi talaga makali si Delsin. “Ayos ka lang eh hinang-hina ka? Nasaan ba si Ysmael? Nandyan ba siya sa loob? Pagbuksan mo naman ako ng pinto para matulungan kita dyan,” sabi naman ni Delsin. Ang hindi alam ni Delsin ay hindi pala talaga siya mapagbubuksan ni Tonyo dahil bugbog sarado si Tonyo at ayaw nitong makita ng kanyang kaibigan ang mga pasa sa mukha at katawan. “Oo, ayos lang ako. Bumalik ka na lang kay Ma’am Cynthia mo, huwag ka na rito. Ha? Hayaan mo na ako,” pamimilit ni Tonyo sa kaibigan para hindi na ito mangulit pa sa kanya. “Sa tono mo, alam kong hindi ka ayos. Ano bang nangyari sa iyo? Sinaktan ka ba ni Ysmael? Sige, sabihin mo sa akin at yari talaga sa akin ‘yang nobyo mo kahit na malaki pa ang katawan niya sa akin. Lalabanan ko talaga siya,” panghahamon pa ni Delsin. Sa sobrang dami ng sugat at bugbog ni Tonyo ay hindi na siya nakasagot pa kay Delsin. Namatay na ang tawag, doon na kinabahan si Delsin. Alam niya na kailangan ng kaibigan niya ng tulong, pero paano niya gagawin iyon kung hindi siya pagbubuksan ng gate nito? .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD