Ilang minuto pang naghintay si Delsin at Tonyo sa baba bago sila harapin ni Cynthia. Akala nga nila ay hindi na tuloy dahil sa sobrang tagal niya bago magpakita sa kanila. ‘’Naku, pasensya na kayo sa akin ah. Ang dami ko pa kasing kinausap sa cellphone. Marami akong inaasikaso eh. Halina’t kumain na kayo,’’ yaya ni Cynthia sa kanila. ‘’Ah, naku. Kumain na kami sa bahay eh. Pero sige, kakain kami kahit konti,’’ sabi naman ni Tonyo at pumunta na sila ni Delsin sa dining area para maupo. Napilitan lang talaga si Tonyo na kumain dahil nahihiya siya kay Cynthia dahil nga parang may iba sa kinikilos nito. Kaya kung ano ang gusto ni Cynthia ay iyon ang ginagawa niya. ‘’Oo nga, kumain pa rin kayo kahit konti. Sayang naman ýong hinanda ni Mikay kung hindi niyo kakainin,’’ sabi pa ni Cynthia, ka

