Chapter 67

1132 Words
Kinaumagahan, masayang nagsabay kumain sina Delsin at Tonyo. Nag-usap ulit sila tungkol sa nangyari kahapon. Ayaw n asana pag-usapan ni Delsin pero wala naman siyang magawa. Kitang-kita kasi niya na roon masaya si Tonyo. Sino siya para pigilan iyon, hindi ba? ‘’Siguro, sa susunod na lingo ay pupuntahan ko ulit siya. Syempre, hindi pa rin natin sasabihin kay Cynthia kasi papagalitan na talaga noon. Buti nga ýong kahapon, mukhang hindi pa niya alam eh,’’ sabi ni Tonyo na labis kinagulat ni Delsin. ‘’Ha? Anong sinasabi mo dyan ha? Hindi ba’t huli na nga ýong kahapon? Malinaw sa ating dalawa na hindi ka na uulit, hindi ba?’’ may inis sa boses ni Delsin nang sabihin niya iyon. ‘’Ah, pwede pa naman umilit, di ba? Hindi mo naman ako isusumbong kay Cynthia?’’ sagot ni Tonyo. Ýong boses niya ay parang humihiling na bata. ‘’Naku, hindi ko na alam kung papayagan pa kita ngayon. Lalo na akong nagkakasala kay Maám Cynthia nito eh. Hindi ba pwedeng hindi ka na pumunta roon? Nakita mo naman na siya, nakausap mo na, hindi ba?’’ may takot naman sa boses ni Delsin nang sabihin niya iyon. ‘’Haynaku, kung ayaw mo akong samahan sa susunod na linggo roon ay ako na lang ang pupunta. Madali naman akong kausap eh. Huwag mo na nga akong samahan, salamat na lang,’’ may pagtatampo na sagot ni Tonyo sa kanyang kaibigan. Tumahimik na lang si Delsin habang kumakain. Hindi na naman niya alam ang gagawin dahil naiipit na talaga siya sa sitwasyon. Sa totoo niyan, gusto na lang niyang umalis doon para wala na siyang pananagutan kapag nahuli si Tonyo sa kanyang ginagawa pero hindi naman niya alam kung saan siya titira, kaya wala siyang choice kundi magtiis sa bahay ni Tonyo. Ilang minuto pa silang tahimik nang biglang tumunog ang cellphone ni Tonyo. Inis na inis siya nang malaman niyang si Cynthia pala ang tumatawag. Ang isa sa mga taong ayaw na makita niya si Ysmael. ‘’Oh, Cynthia. Bakit ka napatawag?’’ mabait na bati ni Tonyo, pero sa loob-loob niya ay inis na inis na siya rito. Kitang-kita iyon ni Delsin kaya lalo siyang natatakot kay Tonyo dahil talagang nagbago na ito. ‘’Hmm, pwede bang dito na kayo mag-umagahan sa bahay ko? Ay teka, kumain na ba kayo?’’ tanong ni Cynthia na labis pinagtaka ni Tonyo. ‘’Ah, oo. Kumakain na kami ngayon, patapos na nga eh. Bakit? Pwede namang pumunta kami dyan pagkatapos namin rito,’’ sabi ni Tonyo, sa loob-loob niya ay may takot na siya kay Cynthia. ‘’Ah, pwede naman pala. Sige, hihintayin ko kayo rito ni Delsin,’’ malumanay na sabi ni Cynthia kay Tonyo. ‘’Pwede ko bang malaman kung bakit gusto mo kaming pumunta dyan? Tanong lang naman, ngayon mo lang kasi kami niyaya for breakfast,’’ may takot pa rin sa boses ni Tonyo. ‘’Ah, wala naman. Gusto ko lang kayong kamustahin. Ilang araw na kasi tayong hindi nagkikita eh. Bakit? May problema ba kung ipatawag ko kayo?’’ may pagtatakang sabi ni Cynthia kay Tonyo. ‘’Ah, wala naman. Nagtataka lang ako. Sige, magbibihis na kami pagkatapos nitong breakfast namin,’’ sagot ni Tonyo, pero mukhang alam na niya kung bakit sila pinatawag ni Cynthia. ‘’Sige sige, ingat kayo,’’ sabi ni Cynthia pagkatapos ay binaba na ang tawag. Pagbaba ng tawag ay napatingin nang matagal si Tonyo kay Delsin. May takot sa mga mata niya. ‘Bilisan mo ang pagkain mo dyan ha. Pupunta tayo kay Cynthia,’’ sabi ni Tonyo, nagmamadali siya sa kanyang sinasabi. ‘’Bakit? Anong problema? May alam ba siya sa ginawa natin kahapon?’’ may takot na rin sa boses ni Delsin nang sabihin niya iyon. ‘’Hindi ko alam. Natatakot na nga rin ako. Pero kailangan naman kasi natin na pumunta kasi nasabi ko na sa kanya na pupunta tayo pagkatapos nating kumain ng agahan eh,’’ sagot naman ni Tonyo. Hindi na nagsalita pa si Delsin. Binilisan na lang niya ang pagkain at nagbihis na agad pagkatapos noon. Habang nagbibihis si Tonyo ay iniisip pa rin niya kung bakit napatawag si Cynthia sa kanila. Kung tungkol ito sa nangyari kahapon. Ibigsabihin, may tao siya sa loob na tumitingin sa amin kung pupunta kami roon o hindi. Naku, nakakatakot pa namang magalit iyon si Cynthia. Kilala ko na iyon eh. Sana naman ay hindi tungkol doon ang sasabihin niya sa amin ni Delsin. Ayaw ko naman kasing madamay si Delsin sa kalokohan ko. ‘’Tara na. Handa ka na ba?’’ tanong ni Delsin nang yayain niya si Tonyo mula sa kwarto nito. ‘’Oo, handa na ako. Bahala na kung pagalitan ako ni Cynthia dahil sa ginawa ko kahapon. Kasalanan ko naman talaga eh,’’ sabi ni Tonyo, tanggap na niya kung ano man ang mangyayari sa kanila ni Delsin mamaya. ‘’Kung ano man iyon, sabay naman nating haharapin kaya walang problema. Huwag kang kabahan. Sa tingin ko naman ay mabait sa atin si Maám Cynthia eh,’’ sagot pa ni Delsin. ‘Naku, wala ka namang alam sa sinasabi mo. Hindi mabait si Cynthia kapag nagalit. Baka sa iyo lang mabait iyon dahil bata ka pa,’’ sabi naman ni Tonyo. Pagkatapos noon ay umalis na sila. Kabado pa rin sila habang nasa byahe. Habang nasa byahe ay napatingin na naman si Tony okay Delsin. Pasensya ka na sa mga kapalpakan ko sa buhay. Dahil sa akin, may posibilidad na magalit sa iyo si Cynthia o di kaya ay mawalan na siya ng tiwala sa iyo dahil pinayagan mo akong makita si Ysmael. Pasensya ka na dahil mas pinili ko na naman ang puso ko. Pagkaraan ng ilang minuto ay nakarating na sila sa bahay ni Cynthia. Pinagbuksan sila ni Mikay. Gulat na gulat na naman ito nang makita si Delsin. ‘’Oh, nandito ka na naman ah. Papasok ka na ba ulit bilang kasambahay ni Ma’am Cynthia?’’ bati ni Mikay kay Delsin. ‘’Naku, hindi pa naman pero mukhang malapit na. May mga tatapusin lang akong Gawain tapos babalik na ako rito,’’ nakangiti naman si Delsin nang sabihin niya iyon kay Mikay. ‘’Oh siya, tatawagin ko na si Maám Cynthia. Sinabi nga pala niya sa akin na kapag nandyan ka na ay tawagin ko siya. Saglit lang,’’ sabi ni Mikay at pumunta na sa taas para tawagin si Cynthia. Sina Delsin at Tonyo naman ay tahimik na umupo sa sala at hinintay si Cynthia roon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD