Chapter 46

1163 Words
Hindi rin nagtagal ay nagkita rin si Boyong at Delsin. Noong mga oras na iyon ay parang gusto nang magpakain ni Delsin sa lupa. Gusto niyang tumakbo dahil sa takot at hiya pero wala na siyang magagawa pa. Nilapitan naman siya ng kanyang pinsan na si Boyong. Ramdam na ramdam ni Delsin na may kaba rin si Boyong na nararamdaman noong nakita niya ang pinsan na si Delsin. Eh sino ba naman kasing hindi kakabahan kapag nakita mo ang isang taong ayaw mong makita dahil may ginawa kang kasalanan sa kanya, hindi ba? “”Oh, Delsin, nandito ka pala. Bakit ka nandito? S-Sinong kasama mo?” nanginginig na tanong ni Boyong kay Delsin. “Ah, kasama ko ‘yong amo ko. Nabili kami ng damit para sa mga anak niya. Ikaw? Bakit ka narito?” kabadong sagot ni Delsin, pero pinilit niyang hindi ipakita kay Boyong iyon. “Ah, may bagong amo ka na pala. Saan ka naman nagta-trabaho? Alam mo, ilang araw na kaming nag-iisip nina Alexis at Oryang kung saan ka lumipat eh, wala na kasi kaming narinig mula sa iyo simula noon,” sagot ni Boyong, akala mong kung sinong mabait. Ngumiti siya sa kanyang pinsan pero halata rin naman na pini-peke lang naman niya iyon dahil nga alam niya sa sarili na malaki ang kasalanan niya sa pinsang si Delsin. “Ah, hindi niyo naman na kailangang malaman pa kung saan ako nagta-trabaho. Ang importante, maayos na ako kung nasaan man ako. Teka, kasama mo ba sina Oryang at Alexis? Nasaan sila ngayon?” pagsisigurado ni Delsin kung kasama ba ng pinsan niya ‘yong dalawa. “Ah, oo. Kasama ko rin sila, may tinitingnan lang sila roon kaya medyo natatagalan. Gusto mo ba silang kumustahin? Hintayin natin sila rito, kung gusto mo,” sagot pa ni Boyong, akala mo talaga ay wala siyang kasalanan sa mga nangyari kay Delsin. “Ah, hindi na-“ natigil si Delsin sa pagsasalita nang pumunta si Ma’am Cynthia malapit sa kanya. “Oh, Delsin. Tapos ka na bang mamili? Sigurado ka bang ‘yan lang ang gusto mo? Hindi ka na pipili pa?” tanong ni Ma’am Cynthia, walang alam sa nangyayari. Noong mga oras na iyon ay napapikit na lang si Delsin sa inis sa kanyang sarili. Naalala niyang iba nga pala ang sinabi niya sa kanyang pinsan, baka magtaka ito na kung bakit iyon ang sinabi ng amo ni Delsin sa kanya. “A-Ah, eh opo. Ito na lang po ang akin, Ma’am Cynthia. Wala nap o akong mapiling iba, masyado pong maraming damit, mahal pa. Ito na lang po, ayos lang kahit tatlo lang po ito,” pilit na ngumiti si Delsin para hindi makahalata si Ma’am Cynthia. Aalis na sana sila roon pero napansin ni Ma’am Cynthia na panay ang tingin ni Delsin kay Boyong kaya tinanong niya kung anong problema. “Oh, Delsin. Bakit ka tingin nang tingin sa kanya? May problem aba? Kakilala mob a siya?” tanong ni Cynthia, takang-taka na sa mga kinikilos ni Delsin. “Ah, opo. Ma’am Cynthia, pinsan ko po siya,” pag-amin ni Delsin, wala na siyang takas pa eh. Napatawa na lang si Ma’am Cynthia dahil sa hiya, hindi niya kasi napansin si Boyong. Isa pa, hindi rin naman sinabi ni Delsin sa kanya na pinsan niya pala iyon kaya wala talagang alam si Cynthia sa mga nangyayari. “Oh, sorry. Pasensya ka na at hindi man lang kita hinarap kanina. Delsin, bakit naman hindi mo sinabi sa akin na pinsan mo pala siya. Naku, nakakahiya naman,” natatawa si Ma’am Cynthia dahil sa sobrang hiya niya kay Boyong. “Ah, ayos lang po, Ma’am. Kinagagalak ko po kayong makilala,” maikling sagot ni Boyong. “Ako rin,” sabi ni Cynthia sabay ngiti. “Pasensya na po, Ma’am. Nakakahiya rin po kasing sabihin sa inyo, saka aalis naman na po tayo kanina kaya hindi ko na po sinabi pa,” paliwanag ni Delsin. “Haynaku, ano k aba? Ayo slang naman iyon. Walang problema sa akin,” sagot ni Ma’am Cynthia. Ilang minuto pa ay dumating na sina Oryang at Alexis, lumapit sila kay Boyong at gulat na gulat na makita si Delsin. Si Oryang ay halatang-halata na ayaw niyang makita si Delsin pero ang asawang si Alexis ay sobrang saya na makita ang dating kaibigan. Lalapitan nga sana ni Alexis si Delsin pero pinagbawalan lang siya ng kanyang asawa kaya hindi na niya iyon nagawa. “Uy, Delsin! Kumusta ka na? Naku, buti naman at nakita ka namin dito. Alam mo ba, ilang araw na naming iniisip ni Boyong kung saan ka na nakatira. Nag-aalala kami para sa iyo,” masayang sabi ni Alexis kay Delsin. “A-Ayos lang naman ako. Ito, may trabaho na ulit. Ikaw, Alexis? Kumusta ka na? Sana, ayos lang kayo ni Oryang,” nahihiyang sagot ni Delsin. “Aba, ayos ah. Kaibigan mo, Delsin?” tanong ni Cynthia. “Opo, kaibigan ko po,” nahihiya pa ring sagot ni Delsin, pagkasagot niya. Nakipag-kamay si Cynthia kay Alexis, ngumiti naman si Alexis kay Cynthia. “Ah, masaya po ako na makilala kayo. Sana po ay alagaan niyo po si Delsin sa trabaho. Magaling po iyan, madiskarte at mapapagkatiwalaan po,” proud pang sabi ni Alexis na kina-inis naman ni Oryang. “Oo naman, alam ko naman iyon. Kitang-kita ko na mapapagkatiwalaan talaga si Delsin,” proud din na sabi ni Cynthia. “Ma’am, oo nga po pala. Nasaan si Sir Albert?” tanong ni Delsin para tuluyan na silang maka-alis doon sa tatlo. “Iyon nga ang dahilan kung bakit kita pinuntahan rito. Hinihintay ka na niya roon. Pinasuyo ko muna siya sa isang saleslady. Tara na siguro, Delsin?” pag-aaya ni Ma’am Cynthia sa kanya. “Sige po, Ma’am. Wala pong problema. Tara na po, baka kung ano na po ang ginagawa ni Sir Albert doon,” para bang nagmamadali si Delsin, halatang-halata mo na gusto na niyang umalis sa harapan noong tatlo. Tumango sina Delsin at Ma’am Cynthia bilang paalam kina Boyong, Oryang at Alexis. Sina Boyong at Alexis lang ang ngumiti at tumango pabalik. Dahil sa kilos ni Delsin ay naisip ni Cynthia na baka may problema si Delsin sa tatlong iyon. Ramdam na ramdam kasi niya ang tensyon kanina pero alam din naman niya na wala naman siyang karapatan para alamin pa kung anong nangyari roon sa apat. Hahayaan na lang niya na si Delsin na mismo ang mag-kwento noon kapag kumportable na siya o di kaya naman kung may balak lang siyang i-kwento iyon sa amo niya. Para kay Cynthia kasi ay anak na ang turin niya kay Delsin. Naaalala kasi niya kay Delsin ang anak niyang lalaki na si Luke. Namayapa ito noong nakaraang taon. Dahil sariwa pa ang pagkawala nito sa kanya ay hindi niya maiwasan na hindi maibigay kay Delsin kung ano man ang hindi niya naibigay sa kanyang anak. Oras na malaman ito ni Mikael, alam ni Cynthia na aawayin talaga ng kanyang anak si Delsin. Pero, dahil alam niyang pwede talagang mangyari iyon, eh pipilitin niyang itago kay Mikael kung ano man ang trato niya kay Delsin para hindi na nito awayin pa ang binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD