Chapter 47

1023 Words
Pag-uwi nina Delsin ay nakita agad siya ni Mikael. Tiningnan siya nang masama nito pero wala naman itong sinabing masama tungkol sa kanya dahil kaharap pa nila si Cynthia. “Oh, nagustuhan mo ba lahat ng binili mo para sa iyo?” nakangiting tanong ni Cynthia kay Delsin, hindi niya napansin na nandoon pala ang kanyang anak na si Mikael. “Opo, salamat talaga sa lahat ng bigay niyo sa akin, Ma’am Cynthia. Hindi naman po kailangan nito pero maraming salamat po talaga,” sabi ni Delsin. “Iyan ka na naman, ilang beses mo bang sasabihin iyan? Ayos nga lang,” natatawang sabi ni Cynthia. Ngumiti si Delsin pero halata mo sa kanya na hiyang-hiya siya. Pagkatapos noon ay pumasok na si Cynthia sa kanyang kwato, sina Delsin at Albert naman ay magkasama. Hinatid muna ni Delsin si Albert sa kwaro niya bago tuluyang pumasok sa kwarto niya. Magpapahinga sana si Cynthia pero agad na pumasok si Mikael sa kwarto niya. Masama ang tingin nito sa kanyang ina, umupo ito sa upuang malapit sa kama ni Cynthia. “Oh anak, may problem aka ba? B-Bakit ka nandito?” tanong ni Cynthia, pero alam naman na niya kung bakit nandoon si Mikael sa kwarto niya. “Seryoso ka ba sa mga kinikilos mo, Mama? Talagang binili mo pa ng damit ang lalaking iyon eh bago pa lang naman siya dito? Anong nasa isip mo, Mama?” inis na sagot ni Mikael sa kanyang ina. “W-Wala naman, anak. Maayos naman kasi ang pakikitungo niya sa kapatid mo, kaya iyon. I rewarded him something. Saka, nakita mo ba kung ilan lang ang dala niyang damit? Nakakaawa naman, kaya binilhan ko na,” sabi ni Cynthia. “Naaawa ka ba talaga o may naaalala ka? Huwag mong sabihing si Kuya Luke na naman iyan?” inis pa rin na sagot ni Mikael kay Cynthia. “Anak, ano ba naman ‘yang sinasabi mo? Bakit naman napasok dito si Kuya Luke mo?” tanong pa ni Cynthia. “Kahit hindi mo naman sabihin sa akin, alam kong si Kuya Luke ang naaalala mo sa kanya. Mama, hindi siya si Kuya Luke. Hindi mo pa kilala ang lalaking iyan kaya hindi mo siya dapat bigyang pansin,” paalala ni Mikael kay Cynthia. “Alam ko anak, hindi ko naman iyon gagawin. Pangako ko sa iyo ‘yan,” pagsisinungaling pa ni Cynthia kay Mikael. Sinabi niya lang iyon para hindi na magalit pa ang kanyang anak. “Siguraduhin mo lang na iyan nga ang gagawin mo, Mama. Kaya lang naman ako ganito sa iyo ay dahil ayaw kitang mapahamak,” sabi ni Mikael. Medyo umayos na ang kanyang boses, malumanay na siyang nakikipag-usap sa kanyang ina. “Oo naman anak. Sa ngayon, pwede bang magpahinga muna ako? Hayaan mo, mamaya ay baba ako. Mag-uusap ulit tayo, okay? Sige na anak, lumabas ka muna, paki-usap ni Cynthia sa anak, iyon naman ang ginawa ni Mikael. Tumango siya bilang tugon sa kanyang nanay at saka umalis ng kwarto nito. Sa kabilang banda naman, habang nagpapahinga si Albert sa kanyang kwarto ay pumunta muna si Delsin sa sarili niyang kwarto para tawagan ang kaibigan niyang si Tonyo. Gusto niyang i-kwento kung ano man ang nangyari kanina sa mall. Hindi pa rin siya makapaniwala na nakita niya roon ‘yong tatlo. Ilang minuto pa ay sumagot na si Tonyo sa tawag ni Delsin. “Oh, napatawag ka yata? Wala ka bang trabaho ngayon?” tanong ni Tonyo, nagtataka kung bakit napatawag si Delsin sa kanya. “Kakauwi lang naming nina Sir Albert at Ma’am Cynthia galing sa mall.Ngayon ay nagpapahinga si Sir Albert sa kwarto niya kaya ako may oras para tumawag sa iyo,” sagot ni Delsin. “Oh, bakit ka nga napatawag sa akin? May naging problema ba sa pag-alis niyo?” tanong ni Tonyo sa kanyang kaibigan. “Iyon na nga, nakita ko kasi sa mall sina Alexis, Oryang at Boyong. Gulat na gulat ako, akala ko hindi nila ako makikita eh, kaso huli na ako,” kwento ni Delsin. “Oh, eh sinabi mo ba sa kanila kung saan ka na nagta-trabaho ngayon o hindi naman?” usisa ni Tonyo. “Syempre, hindi ko sinabi, pero nakita nila si Ma’am Cynthia kaya ako kinabahan,” sagot naman ni Delsin. “Ah, ayos lang naman iyon kasi hindi naman nila kilala si Cynthia. Hayaan mo na, ganoon talaga ang buhay. Kahit ayaw mo na sila sa buhay mo ay gagawa at gagawa pa rin ang tadhana ng paraan para magkita kayo,” sagot naman ni Tonyo. “Oo nga, ganoon nga siguro ang buhay ano? Eh ikaw, kumusta naman kayo ni Ysmael dyan? Ayos ba naman kayo?” pangangamusta ni Delsin. “Ah, oo naman. Ayos naman kami-“ hindi na natapos ni Tonyo ang kanyang sasabihin dahil sumigaw agad si Ysmael sa kanya. “Aba, hindi ka ba papasok sa loob? Pumasok ka na rito. Kung sinu-sino na naman ang kausap mo eh. Dali na,” inis na sabi ni Ysmael, rinig na rinig naman iyon ni Delsin kaya alalang-alala siya sa kanyang kaibigan. “Oh, ano? Ayos ka lang ba dyan? Sabi mo, ayos naman kayong dalawa, anong nangyari? Bakit ka niya sinisigawan? May pagtatalo kayo?” sunud-sunod na tanong ni Delsin kay Tonyo. Ni isa roon ay walang nasagot si Tonyo. “Oh, sige na. Ibababa ko na itong tawag dahil nagagalit na naman si Ysmael sa akin, saka na ulit tayo mag-usap, Delsin ha? Balitaan mo ako sa mga nangyayari sa iyo dyan,” sabi ni Tonyo at binaba na ang tawag. Ni hindi man lang nasagot kung ano na ba talaga ang nangyayari sa kanila ni Ysmael. Puno naman ng pangamba si Delsin para sa kanyang kaibigan, kaya nga lang ay wala naman siyang magawa dahil malayo siya rito. Ilang miinuto pa ay pumunta si Mikay sa loob ng kwarto ni Delsin. Nagulat naman si Delsin dahil parang nagmamadali ito na pumunta sa kanyang kwarto. “Oh, anong problema, Mikay? May kailangan ka ba sa akin?” tanong ni Delsin, nag-aalala. “Naku, kanina ka pa hinahanap ni Albert! Bilisan mo, nagwawala na naman doon sa kwarto niya. Pinapakalma ko na pero hindi naman kumakalma,” kwento ni Mikay kay Delsin. “Hala, oo nga pala. Sige, tara na,” sagot ni Delsin at nagmamadali nang pumunta sa kwarto ni Sir Albert niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD