Chapter 61

1128 Words
Natuwa naman nang lubos si Delsin dahil sa kanyang narinig mula kay Cynthia. Hindi niya akalain na papayag ito sa hiling niya. Wala na rin kasi talaga siyang malapitan na iba. Alam niyang si Cynthia lang ang makakatulong sa kanya sa ganitong mga bagay. “Maraming saamat po, Ma’am Cynthia. Salamat po dahil ang bait-bait niyo po sa akin. Hindi ko talaga akalain na ako po ay tutulungan niyo,” sabi ni Delsin, lumapit siya kay Cynthia para yakapin ito. Nagulat naman ang ginang dahil sa ginawa niya pero sa huli ay niyakap na rin niya si Delsin. “Walang anuman iyon. Para naman sa nanay mo kaya gagawin ko iyon at hindi para sa pinsan mong nanggulo sa iyo,” nakangiti si Cynthia nang sabihin niya iyon. Ilang minuto pa silang tahimik pero nagsalita si Cynthia. “Oh, gusto mo bang makita si Sir Albert mo? Ilang araw ka na niyang hinahanap sa akin. Nasa taas siya, sa kwarto niya. Bibisitahin mo ba?” alok ni Cynthia. “Ayos lang po ba? Ako rin po kasi, gusto ko na siyang makita si Sir Albert, kaso nahihiya naman po ako na bumisita rito,” sabi ni Delsin. “Oo naman, ayos na ayos lang ano. Halika at puntahan natin siya sa kwarto niya,” nakangiting sabi ni Cynthia, sumunod naman si Delsin sa kanya. Nang makita ni Albert si Delsin ay parang ayaw na niya itong pakawalan. Tuwang-tuwa nga si Cynthia sapagkat hindi man lang niya nakitang magwala ang anak niya. Napatunayan niya na talagang gustong-gusto ng anak niya si Delsin. Kaya hindi niya rin mapigilan ang sarili na ituring kapamilya si Delsin eh. Pag-uwi ni Delsin ay agad niya namang tinawagan si Ate Nessa niya para kumustahin ang Nanay Ising niya at syempre, para sabihin na rin rito na maaayos na ang problema ni Boyong dahil tutulungan siya ni Maám Cynthia. Nakailang ring pa ang cellphone bago tuluyang sagutin ni Ate Nessa ang tawag ni Delsin. Gulat na gulat ito dahil naiyak si Ate Nessa. Agad naman niya tuloy tinanong kung bakit. Baka kasi makatulong din siya sa problema na meron ang Ate Nessa niya. ‘’Oh, Ate Nessa, bakit ka naiyak? Anong problema mo?’’ tanong ni Delsin, nag-aalala siya. ‘’Delsin, tulungan mo naman ako. Hindi ko na kasi alam kung anong gagawin ko para mailabas ko si Boyong sa kulungan. Ang layo-layo ko. Paano ko magagawa iyon?’’ naiiyak pa rin na sagot ni Ate Nessa kay Delsin. ‘’Ah, iyon na nga Ate Nessa. Kaya rin naman ako napatawag eh dahil gusto kong sabihin na tutulungan kita dyan sa problema mo. Ngayon, may kinausap na ako rito. ‘Yong amo ko dati. Sabi naman niya sa akin, tutulungan niya ako sa kaso ni Boyong,’’ sabi ni Delsin. Kahit naman hindi kita ni Delsin kung anong reaksyon ni Ate Nessa ay alam ni Delsin na kahit paano ay nawala ang pag-aalala nito dahil sa kanyang binalita. Nawala na rin ang hikbi kaya alam niyang medyo okay na si Ate Nessa. ‘’Talaga ba, Delsin? Gagawin mo para kay Boyong iyan? Kahit na may nagawa siyang hindi maganda sa iyo noon?’’ pagsisigurado ni Ate Nessa kay Delsin. ‘’Oo naman, Ate Nessa. Pinsan ko pa rin naman siya kahit na anong mangyari, hindi ba? Isa pa, matagal naman na iyon kaya ayos na sa akin. Saka, hindi naman talaga siya ang may gawa noon eh. Nadamay lang siya,’’ sagot ni Delsin. Ilang minutong natahimik si Ate Nessa, sumagot lamang siya pagkatapos tatlong minuto. Para bang nag-iisp pa ito ng mga salita na sasabihin niya kay Delsin. ‘’Naku, salamat naman sa Diyos dahil iyan ang gagawin mo. Napakabait mong bata talaga. Hindi nagkamali nang pagpapalaki sa iyo si Nanay Ising mo,’’ masayang sabi ni Ate Nessa kay Delsin. ‘’Oo nga pala, kumusta si Nanay Ising dyan? Ayos naman ba siya?’’ may pag-aalala na tanong ni Delsin kay Ate Nessa, sobrang inaalala siya ni Delsin dahil si Nanay Ising naman talaga ang dahilan kung bakit niya tutulungan si Boyong eh. ‘’Naku, tulog na siya eh. Lagi na siyang tulugin ngayon. Hindi ko alam kung bakit, pero gusto mo bang gisingin ko siya para sa iyo? Kaya ko-‘’ hindi na natapos pa ni Nessa ang sasabihin dahil sumagot agad si Delsin sa kanya. ‘’Naku, eh huwag na. Ayos lang naman na hindi ko muna siya makausap sa ngayon. Saka na lang ulit,’’ sabi ni Delsin na pinagtaka naman ni Ate Nessa kaya nagtanong siya. ‘’Ha? Bakit naman huwag na? Eh dati naman, kada tawag mo sa akin ay kinakausap mo siya ah. May problema ka ba tungkol kay Nanay Ising, Delsin?’’ tanong ni Ate Nessa. Tumahimik muna si Delsin ng isang minuto bago tuluyang sumagot. Nahihiya rin kasi siya kay Ate Nessa niya kahit paano. ‘’A-Ah, eh kasi, hindi pa ako nakakapagpadala sa inyo eh. Ang tagal na noong huling padala ko. Ang hirap kasi mag-trabaho rito sa Maynila. Kulang sa akin ýong sweldo ko pero huwag kang mag-alala Ate Nessa, gagawa naman ako ng paraan para makapagpadala ulit eh,’’ mahina lang ang boses ni Delsin dahil nga nahihiya siya kay Ate Nessa. Napatawa naman ng konti si Ate Nessa bago tuluyang sumagot kay Delsin. ‘’Ano ka ba naman, Delsin? Ayos lang iyon, ano. May utang pa nga si Boyong sa iyo, hindi ba? Ako ang dapat na magbayad ng utang, hindi ikaw,’’ paliwanag ni Ate Nessa kay Delsin. ‘’Naku, kahit na ganoon ay hindi pa rin tama iyon. Dapat pa rin akong magpadala. Nagta-trabaho ako rito eh,’’ sagot naman ni Delsin, guilty sa kasalanan niya kay Nanay Ising. ‘’Eh basta, ako na muna ang bahala kay Nanay Ising ah? Huwag kang mag-alala kung wala ka munang mabigay sa akin. Kaya ko pa naman eh. Magsasabi naman ako kapag hindi ko na kaya.Ang isipin mo muna ay ýong problema natin dyan sa Maynila, ah?’’ sagot naman ni Ate Nessa. Napa-buntong hininga si Delsin nang marinig niya iyon. Wala naman kasi siyang magagawa sa ngayon dahil nga wala rin siyang maipadala. ‘’Salamat, Ate Nessa. Hayaan mo, gagawin ko naman ang lahat para tulungan si Boyong sa kaso niya. Tulungan lang talaga,’’ sabi naman ni Delsin. ‘’Oo, kakayanin naman natin ang lahat, Delsin. Basta lagi lang tayong nagtutulungan ha?’’ sabi ni Ate Nessa. ‘’Opo. Oh sige na Ate Nessa, ibababa ko nap o ‘tong tawag ah? Mag-iingat po kayo ni Nanay Ising dyan. Maraming salamat po.’’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD