Chapter 29

1176 Words
Habang nakuha si Alexis ng mga damit ay napansin niya ang isang bag. Hindi pa niya nakikita iyon kahit kalian kaya kinuha niya agad. Pagbukas niya, gulat na gulat siya dahil puno ng pera iyon. Lalo siyang nag-isip ng masama kay Oryang dahil sa kanyang nakita. “Oryang, ano ang mga ito?” naguguluhang tanong niya sa kanyang asawa. “Ano ka ba naman?! Bakit mo pinapakialamanan iyan eh akin iyan!” kinuha agad ni Oryang ang bag na naglalaman ng maraming pera. “Sa iyo? Saan naman galing?” pagtatanong ulit ni Alexis sa kanyang asawa. “Sa mga umutang nga sa akin! Ano ba? Paulit-ulit na lang ba tayo? Hindi ka na titigil kakatanong sa akin niyan?!” inis na sagot ni Oryang. “Pwede ba Oryang, sabihin mo na lang sa akin ang totoo para hindi na tayo mahirapan pa. Gusto mo ba na lagi tayong ganito? Lagi tayong nag-aaway dahil sap era? Maawa ka naman sa akin,” pagmamakaawa ni Alexis sa kanya. “W-Wala, huwag mo na nga kasing alamin pa. Hindi naman kasi importante kung saan nanggaling ang pera ko!” sigaw pa ni Oryang kay Alexis. Noong ayaw sabihin ni Oryang kung saan nanggaling ang pera niya ay napa-isip si Alexis. Agad niyang naisip tanungin si Oryang kung nasaan ang pera ni Delsin. “N-Nasaan na ang pera ni Delsin? Huwag mo sabihin sa akin na ito ‘yon? Kinuha mo ang pera niya?” tanong ni Alexis, inis na inis siya kay Oryang. “H-Ha? Ano namang kinalaman ko doon sa pera ni Delsin eh alam ko namang hindi sa akin iyon. Sa tingin mo, ganoon na ako kasama? Talaga ba, Alexis?” inis din naman na sumagot si Oryang pero puro kasinungalingan lang naman ang sinabi niya sa asawa. “Malaman ko lang talaga na pera ni Delsin ang ginagastos mo, magagalit ako sa iyo at hihiwalayan kita. Sinusumpa ko ‘yan,” sabi ni Alexis at umalis na sa kwarto nila. Lumabas muna siya para makapagpahangin dahil mainit talaga ang ulo niya kay Oryang. Pilit pa rin niyang iniisip ngayon kung saan talaga nanggagaling ang pera na iyon. Sumali na kaya si Oryang sa kung anong sindikato? Hindi naman niya siguro gagawin iyon dahil mahal niya kami ng anak niya hindi ba? Sabi rin naman niya, wala siyang ibang lalaki. Kaya, saan naman kaya galing ang pera niya na iyon? Ilang minuto pa siyang nag-iisip doon nang makita niya si Boyong na naglalakad papasok ng bahay nila. Hawak-hawak nito ang kanyang bagong cellphone at tuwang-tuwa pa siya. “Oh, Boyong. Nandyan ka na pala. Saan ka galing?” tanong ni Alexis sa kanya. “Ah, sa labas lang. Naglakad-lakad saka kumain ako doon sa gotohan ni Eza. Iyon ang umagahan ko,” nakangiti si Boyong nang sabihin niya iyon. “Ah, ayos ah. Oo nga pala, bago yata ang cellphone mo? Saan mo nabili?” tanong ni Alexis na agad namang ikinakaba ni Boyong. “Ah, binili ko sa mall ito. Paano naman kasi, pinilit ako noong isang ka-trabaho ko na bumili raw ako ng bago dahil hindi na maayos ang cellphone ko. Buti na lang at may konting ipon kaya nakabili naman ako,” pagsisinungaling ni Alexis. Noong mga oras na iyon ay parang gusto na niyang magpakain sa lupa dahil sa hiya kay Alexis. Naging mabuting kaibigan naman kasi ito sa kanya, pinatira pa nga siya sa bahay nito. Hindi niya lang talaga alam sa kanyang sarili kung bakit pumayag siya sa gusto ni Oryang. “Ah, ganoon ba? Sige,” malungkot na sagot ni Alexis kaya naman napatanong si Boyong tungkol rito. “Oh, bakit parang malungkot ka? May problema ka ba, pare?” tanong ni Boyong. “Ah, si Oryang kasi. Nakita ko sa cabinet naming dalawa sa kwarto na marami siyang pera roon pero hindi naman niya inaamin sa akin kung saan iyon galing. Ayaw ko man na pag-isipan siya nang masama kaso hindi ko talaga maiwasan eh,” sabi ni Alexis. Para namang tinusok ang puso ni Alexis nang marinig ang sinabi ni Alexis. Nagsisisi na siya na nagtanong pa siya kung ano ang problema ng kanyang kumapre. Kasabwat kasi siya rito kaya hindi niya maiwasang mag-isip. “Hindi ba talaga niya sinabi kung saan galing ang pera na nakita mo?” tanong ni Boyong, akala mo kung sinong inosente. “Sabi niya galing sa mga umutang sa kanya, pero hindi naman ako naniniwala roon dahil sobrang dami. Mukhang hindi naman lahat eh galing sa utang eh,” sagot ni Alexis. Para masalba ang kanyang sarili, isiniwalat niya ang sikreto ni Oryang pero hindi niya isinali ang sarili. Gumawa na lang siya ng paraan para makalusot sa problema niyang iyon. “Hindi niya ba sinabi sa iyo na galing sa kay Ma’am Beverly iyong pera na hawak niya? Iyon ang ibinayad kay Delsin, pero siya ang kumuha ah?” sabi ni Boyong, parang hindi man lang nagsisisi sa sinabi. Halos hindi maipinta ang mukha ni Alexis, galit na galit ang itusra niya dahil sa nalaman pero syempre, gusto rin niyang malaman kung totoo ba ito o hindi dahil asawa pa rin naman niya iyon kahit ano ang mangyari. “Saan mo nalaman iyan? Totoo ba?” hindi talaga akalain ni Alexis na iyon ang maririnig niya mula kay Boyong. “A-Ah, nakita ko kasi siya noong dala-dala niya ang maraming pera noong nakaraang araw. Sa di inaasahan, nasabi niya sa akin na galing nga raw iyon kay Ma’am Beverly,” sagot naman ni boyong, hindi niya alam kung kumbinsido na ba si Alexis sa kanyang sinasabi. “Ganoon? Sabi ko na nga ba, galing iyon kay Ma’am Beverly eh. Pero bakit naman niya kaya gagawin iyon? Hindi ko kasi maisip na aabot sa ganoong lebel ang kasamaan ni niya, pare eh. Hindi ganoon ang Oryang na kilala ko,” sabi naman ni Alexis. Nakahinga namang maluwag si Boyong dahil sa sagot ni Alexis sa kanya, akala niya ay hindi ito maniniwala agad. “Alam mo pare, mas maigi pa na kausapin mong masinsinan ulit ang asawa mo tungkol dyan. Iyon kasi ang sinabi niya sa akin,” sabi pa ni Boyong at saka pumasok sa loob ng bahay. Agad na pumasok ito sa kwarto nila Delsin at may parang kung anong tinik ang nawala sa kanya nang hindi na niya kaharap si Alexis. Ang nasa isip na niya ngayon ay kung anong gagawin at sasabihin niya kay Delsin at Alexis kung sakali man na sabihin din ni Oryang na kasali siya sa mga ginawa ni Oryang at may kinuha rin siyang pera sa pinsan niya. Alam niya na kapag nangyari iyon ay tiyak na mag-aaway sila ni Delsin kaya kailangan na niyang mag-isip ng solusyon para matakasan ang pangyayaring iyon. Alam kasi niya na mag-aaway na ang tatlo at ayaw niyang masama roon kahit alam niya sa sarili niya na siya naman ang nag-umpisa ng lahat. Kung hindi kasi niya niyaya si Delsin sa Maynila ay wala naman ang lahat ng problemang ito ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD