Chapter 28

1161 Words
Dahil ilang araw nang hindi makali si Alexis kung saan nanggaling ang pera ni Oryang ay nangsaliksik siya kay Felicia kung totoo ba na malaki ang utang nito sa asawa niya. Hindi naman sa wala siyang tiwala kay Oryang, kaya lang eh hindi talaga siya makali dahil parang may iba sa mga nangyayari. Bilang asawa ni Oryang, kailangan niyang alamin ang katotohanan. Pumunta si Alexis sa tapat ng bahay ni Felicia. Kumatok siya roon. Nananalangin na sana ay nandoon si Felicia sa kanila dahil importante talaga ang pag-uusapan nilang dalawa. Pinagbuksan ni Nena si Alexis ng pinto. Ito ay ang nag-iisang anak ni Felicia. Ngumiti pa it okay Alexis bago tuluyang sumagot. “Oh Ninong Alexis, bakit po? Ano pong kailangan ninyo?” sabi ni Nena. “Ah, gusto ko sana itanong kung nandyan ang Mama Felicia mo? May itatanong lang sana ako,” nakangiting sabi ni Alexis sa kanyang inaanak. “Ah, opo. Nagluluto po si Mama. Teka, pasok po muna kayo sa bahay namin. Tatawagin ko lang po siya sa may kusina,” nakangiting sagot ni Nena. Iyon naman ang ginawa ni Alexis. Hinintay niyang pumunta si Felicia sa sala. Ngumiti ito sa kanya noong magkita sila. Agad na nagtaka si Felicia kung bakit napapunta si Alexis sa kanilang bahay. “Oh, Alexis. Bakit napasyal ka yata sa amin? May problema ka ba?” tanong ni Felicia. Wala talaga kasi siyang ideya kung bakit nasa harapan niya ngayon si Alexis. “Ah, may gusto lang sana akong itanong sa iyo tungkol sa utang m okay Oryang,” sabi ni Alexis. “Oh, kakabayad ko nga lang sa kanya noong isang araw. Bakit? Hindi ba niya sinabi sa iyo na nagbayad na ako sa kanya?” pagtataka ni Felicia. “Ah, sinabi naman niya pero hindi ko lang alam kung magkano ‘yon. Nagtataka kasi ako, pag-uwi niya sa amin ay marami siyang pinamili noong isang araw. Ang sabi niya, nagbayad ka raw ng utang mo sa kanya kaya nakabili siya ng mga ganoon,” kwento ni Alexis kay Felicia. “Ah, limang libo ang nabayaran ko sa kanya. Sobrang tagal ko pa nga bago ako nakapagbayad kasi sobrang gipit na gipit na kami. Pasensya ka na, pare ha? Ngayon lang talaga ako nakabayad sa asawa mo eh,” paliwanag pa ni Felicia. Doon na nalaman ni Alexis na nagsisinungaling ang asawa niya sa kanya. Sa dami kasi nang pinamili ni Oryang eh hindi naman mukhang limang libo lang ang nagamit niya roon. May nakita pa kasi si Alexis na kung anu-ano pang gamit maliban doon sa mga pinamiling ulam ni Oryang. Isa pa, nakakapagtaka rin na may pambayad si Oryang sa kuryente na magagamit niya sa paggamit ng refrigerator ni Delia. “Ah, maraming salamat Felicia ha? Iyon lang naman ang tanong ko. Magandang araw sa inyo,” nakangiting sabi ni alexis, pero sa loob-loob niya ay inis na inis na siya dahil kay Oryang. Nagpaalam na rin ang inaanak niyang si Nena sa kanya. “Bye Ninong! Ingat po kayo,” sabi ni Nena habang naglalaro ito ng kanyang manika sa taas, doon sa kwarto niya. “Bye, Nena! Ingat ka rin ha? Hayaan mo, babawi na lang si Ninong Alexis sa iyo kapag may pera na ako ulit. Sa ngayon kasi, wala pa akong pera eh,” nakangiting sabi ni Alexis. Nahihiya siya sa kanyang inaanak. “Naku, ayos lang po iyon Ninong! Basta po, mag-iingat kayo ha?” sabi naman ni Nena habang nakangiti. “Oo naman, lagi ako mag-iingat,” sabi ni Alexis at umalis an siya sa bahay nina Felicia. Pagbalik niya sa kanilang bahay ay nagmadali siyang puntahan si Oryang dahil galit nag alit talaga siya sa kanyang asawa. Gulat na gulat si Oryang nang pumasok si Alexis sa kwarto nila. Nag-aayos siya ng mga bagong damit na binili niya gamit ang pera na nakuha niya mula kay Ma’am Beverly. Lalong nainis si Alexis dahil may mga bago na namang pinamili si Oryang na hindi na naman niya alam kung saan nanggaling ang pambayad. Ngayon ay tatapatin na niya ito dahil ayaw na niyang mag-isip pa ng kung anu-ano. “Oryang, tapatin mo nga ako. May lalaki ka ba na nagbibigay sa iyo ng pera kaya ka nakakabili ng kung anu-anong gusto mo?”” galit na tanong ni Alexis. “Ha? Ano bang pinagsasabi mo dyan? Sinabi ko naman sa iyo. Nagbabayad ng utang ang mga kumara ko kaya marami akong pera ngayon,” pagsisinungaling ni Oryang. “Talaga ba? Eh kakapunta ko lang kay Felicia kanina. Ang sabi niya sa akin, limang libo lang ang binigay niya sa iyo noong nakaraang araw. Sa pagkakatanda ko, ang dami mong biniling gamit at pagkain noon. Hindi lang limang-libo ang halaga noon!” galit na sabi ni Alexis at talagang nasigaw siya kahit na nandoon ang anak nila ni Oryang. “H-Hindi ba pwedeng may mga nagbayad pa ng utang sa akin? Bakit? Si Felicia lang ba ang nagbayad?” palusot na sagot ni Oryang, pero sa loob-loob niya ay kinakabahan na siya sa kanyang asawa. “Eh di kung may nagbayad pa sa iyo noong araw na iyon eh sinabi moa gad sa akin at hindi lang si Felicia ang sinabi mo, hindi ba?” galit pa rin na sagot ni Alexis. “Bakit? Hindi ba pwedeng nakalimutan ko lang? Kailangan talaga na sabihin ko sa iyo ang bawat taong nagbabayad sa akin? Ganoon ka na ba kawalang tiwala sa akin ngayon, Alexis?” pagtataray pa ni Oryang para hindi siya mahuli ng kanyang asawa. “Huwag ka na magpalusot pa sa akin, Oryang. Tapatin mo na lang ako kung may iba ka na para makaalis na ako rito. Ngayon, alam ko na. Malinaw na sa akin kung bakit ganoon ang ugali mo noong mga nakaraang araw!” sigaw ni Alexis. “Ano ka ba naman? Kung meron akong ibang lalaki, sasabihin ko ‘yon agad sa iyo at hindi na sana ako nauwi pa rito kung meron nga akong lalaki!” sigaw ni Oryang. Hindi na nagsalita si Alexis dahil iniisip niya na babae si Oryang at asawa pa rin niya ito. Baka kapag nagpatuloy pa siya sa pag-away sa kanyang asawa ay kung ano pa ang masabi niya rito kaya binuksan na lang niya ang kanilang cabinet at kinuha ang lahat ng kanyang bag at mga damit. “Alexis, tigilan mo nga ‘yan. Kung ano man ang plano mo ay huwag mo nang gagawin! Wala naman akong ibang lalaki!” sabi ni Oryang, galit na galit na siya kay Alexis. “Kung wala kang lalaki, saan galing ang pera na pinambibili mo ng mga iyan ha? Sige, sabihin mo sa akin! Asawa mo ako, kaya dapat ay alam ko kung saan nanggagaling ang mga kinikita mo. Wala ka namang trabaho di ba? Saan mo naman makukuha ang ganoong kalaking pera?” galit pa rin na sabi ni Alexis. Habang nakuha si Alexis ng mga damit ay napansin niya ang isang bag. Hindi pa niya nakikita iyon kahit kalian kaya kinuha niya agad. Pagbukas niya, gulat na gulat siya dahil puno ng pera iyon. Lalo siyang nag-isip ng masama kay Oryang dahil sa kanyang nakita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD