Chapter 30

1159 Words
Agad na pumasok si Alexis sa kwarto nilang mag-asawa. Galit na galit ang titig nito kay Oryang kaya hindi na naman mapakali ito sa kanyang kinauupuan. “Ano na naman bang meron? Hindi ka pa rin ba tapos doon sa pera na nakita mo sa cabinet? Di ba, sinabi ko na sa iyo na galing nga lang iyon sa-“ natigil si Oryang sa pagsasalita nang sagutin siya ni Alexis. “Galing iyon sa pera ni Delsin na kinuha mo kay Ma’am Beverly, tama ba ako?” inis ang mukha ni Alexis nang sabihin niya iyon. “H Ha? Iyan ka na naman sa mga iniisip mo ah. Hindi nga-“ natigil na naman ang pagsasalita ni Oryang nang sumagot si Alexis sa kanya. “Sinabi na sa akin lahat ni Boyong. Sinabi mo raw sa kanya noong isang araw na kay Delsin galing ang lahat ng pera mo ngayon. Kaya pala hindi ka na naiinis kay Delsin dahil nakuha mo na ang lahat ng pera niya. Huwag ka nang magsinungaling sa akin, Oryang!” inis na sabi ni Alexis sa kanyang asawa. “Ah, sinabi na pala sa iyo ni Boyong. Oo! Ako ang kumuha ng pera ni Delsin dahil ayaw naman niyang kunin! Isa pa, alam ko rin na talagang makakatulong iyon sa pamilya natin dahil sobrang hirap na ng buhay natin ngayon! Ano? Masaya ka na? Malinaw na sa iyo ang lahat?” inis na siwalat ni Oryang sa asawa. Halos manlambot si Alexis nang marinig ang katotohanan kay Oryang. Oo, sinabi niya iyon sa kanyang asawa pero hindi naman niya akalain na ganoon pala kasakit ang mararamdaman niya kapag narinig na niya ang katotohanan mula sa asawa. “B-Bakit mo naman nagawa iyon, Oryang? Alam ko naman na mahirap ang buhay nating pamilya pero hindi ko lubos maisip na gagawa ka nang ganoon para lang makakuha ka ng malaking pera. Hindi ganyan ang asawa ko,” sabi ni Alexis. “Alam mo, kung hindi ko ginawa iyon ay hindi magiging maayos ang buhay natin. Isa pa, hindi ba at nakikinabang din naman si Delsin sa pera na galing kay Ma’am Beverly? Kumakain din naman siya mula sa pera niyang iyon kaya wala siyang dapat ikagalit sa akin. Dapat pa ngaa ay magpasalamat siya sa akin dahil ginagawa koi yon,” sabi pa ni Oryang na lalong kinagalit ni Alexis. “At talagang iyan pa ang nasa isip mo? Oryang naman, ano ba talaga ang gusto mong mangyari ha? Sasabihin ko kay Delsin ang lahat ng ginawa mo sa kanya. Kung kailangan na ipakulong ka namin, ipapakulong ka namin dahil sa ginawa mo! Aba, hindi na tama iyan,” galit na sabi ni Alexis. “Sige! Sa oras na sabihin mo kay Delsin kung ano ang ginawa ko at kapag pinakulong niyo ako eh hindi mo na talaga makikita pa ang anak mo. Sige, subukan mo iyang gawin at itutuloy ko talaga iyon. Kilala mo ako, Alexis. Ginagawa ko ang mga sinasabi ko!” sigaw ni Oryang sa kanyang asawa. Para namang nabuhusan ng malamig na tubig si Alexis dahil sa kanyang naring. Sa lahat kasi ng sinasabi ni Oryang eh ang pinaka-ayaw talaga ni Alexis ay kapag anak na niya ang kasali sa usapan. Hindi niya iyon kaya kahit na ano pang gawin niya. “Talaga bang ganoon ka na kasama, Oryang? Pati anak natin ay pahihirapan mo dahil lang sa pera? Oryang naman, ano bang nasa utak mo? Ayos ka pa ba talaga?” sagot ni Alexis. “Oo naman, ayos pa ako. At kapag sinabi kong ilalayo ko ang anak mo sa iyo ay ilalayo ko talaga siya. Kaya sige, sabihin mo na sa kaibigan mong si Delsin ang nalaman mo para makalayas na kami ng anak mo rito sa bahay. Di ba sabi mo rin naman ay hihiwalayan mo na ako? Eh di, gawin mo!” sigaw ni Oryang, wala na siyang pakialam pa kung marinig siya ni Delsin o ni Boyong. Alam na alam talaga ni Oryang kung paano niya aatakihin si Alexis, doon sa parte na wala siyang magagawa kung hindi ang sumunod na lang para hindi na mangyari pa ang mga gusto ni Oryang na gawin. Ayaw man ni Alexis na iyon ang mangyari pero mukhang mapipilitan siyang gawin iyon para lang hindi malayo sa kanilang anak ni Oryang. “Bahala ka sa buhay mo. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa iyong babae ka!” sigaw ni Alexis sa sobrang inis. Aalis na sana sa kwarto nila si Alexis pero napatigil ito dahil narinig na naman niyang magsalita si Oryang. “Oo nga pala, kung iyon ang sinabi sa iyo ni Boyong ay nagsisinungaling siya dahil kaming dalawa ang kumuha sa pera ng pinsan niyang si Delsin. Ang galing naman niya at magsisinungaling pa siya sa iyo. Ikaw na lang ang bahala kung maniniwala ka sa akin o hindi,” sabi ni Oryang sabay tawa ng konti. Doon lalong bumagsak ang mundo ni Alexis. Hindi niya lubusang maisip na gagawin iyon mismo ni Boyong sa sarili nitong pinsan. Isa pa, hindi naman ganoon ang pagkakakilala niya kay Boyong noon pa. Naaawa tuloy siya kay Delsin, ni hindi na niya alam kung paano haharapin ito sa sobrang dami nang nalaman niya. Doon lang pumasok sa isip ni Alexis na kaya pala may bagong cellphone si boyong at may mga bago rin itong damit ay dahil sap era ni Delsin na bigay ni Ma’am Beverly. Kailangan kong gumawa ng paraan para matulungan ko si Delsin na hindi maaapektuhan ang anak ko. Aayusin koi to para sa anak ko. Siya na lang ang natitirang lakas ko ngayon at hindi ko na kakayanin pa kung pati siya ay mawala na sa akin dahil lang sa mga desisyon naming dalawa ni Oryang. Paglabas niya mula sa kwarto nila ay sakto naman na pumasok si Delsin sa bahay nila. Ngumiti agad si Delsin kay Alexis kaya pilit na ngumiti rin si siya rito kahit na ang daming natakbo sa isip niya. Hindi naman nakatakas kay Delsin ang problema ni Alexis. Siguro nga ay sobra-sobra na ang pag-iisip ni Alexis kaya hindi na niya naitago pa iyon. “Oh, ayos ka lang ba, Alexis? May problema na naman ba kayo ni Oryang ngayon?” inosenteng tanong ni Delsin sa kanya. “O-Oo, alam mo naman si Oryang. Wala namang ibang ginagawa iyon kundi awayin ako. Halos ginawa ko nan gang pagkain ang awayan naming, hindi ba?’ pilit na tumawa si Alexis para mawala ang tension na nararamdaman niya ngayong kaharap niya si Delsin. Delsin, kung alam mo lang kung gaano kahirap ang bagay na ito para sa akin. Mahalaga ang pagkakaibigan nating dalawa pero mas mahalaga pa rin na makasama ko ang anak ko. Kahit hindi na si Oryang, iyong anak ko na lang ang importante sa akin ngayon. Pasensya ka na Delsin kung hindi ko sasabihin sa iyo kung ano man ang nalaman ko.          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD