Pagkadating nila sa kulungan ay tumawag sila ng pulis para tawagin si Ysmael at sabihan ito na may bisita siya. Ang balak naman ni Delsin ngayon ay kausapin na si Oryang tungkol sa kaso ni Boyong, na kung pwede ay iurong na niya ito para hindi na madamay pa si Boyong sa gulo.
Nagpaalam na sa kanya si Tonyo para puntahan na nito si Ysmael, noong una ay pinipilit niyang sumama kung saan mag-uusap ýong dalawa pero ayaw naman na ni Tonyo kaya hindi na niya pinilit pa. Baka mamaya ay magalit pa ito sa kanya at mag-away pa sila. Ayaw naman ni Delsin dahil nasa pampubliko silang lugar. Parehas silang mapapahiya noon kapag iyon ang ginawa nila.
Palihim na kinausap ni Delsin ang isa sa mga pulis, pinatawag niya si Oryang dito. Noong una ay tuwang-tuwa si Oryang dahil akala niya ay si Alexis ang bumisita sa kanya. Simula kasi noong nakulong siya ay hindi man lang siya pinuntahan nito sa loob ng kulungan.
Nang makita niyang si Delsin pala ang bisita niya ay dali-dali siyang bumalik sa loob pero pinabalik siya ng pulis kung saan naka-upo si Delsin kaya wala siyang nagawa kundi ang harapin si Delsin. Ang taong labis niyang kinakagalitan.
‘’Oh, bakit ikaw ang bumisita sa akin? Ang saya-saya ko pa naman, akala ko ay binisita na ako ng asawa kong si Alexis. Hindi pala. Ikaw pala. Haynaku, kahit kailan talaga ay panggulo ka sa buhay ko, ano?’’ inis na panimula ni Oryang, pagkatapos ay umupo na siya sa harapan ni Delsin, inis na inis pa rin ang kanyang itsura.
‘’Bakit? Hindi ka pa pinupuntahan ni Alexis rito?’’ tanong ni Delsin, alam na alam niyang maiinis sa kanya si Oryang dahil sa tanong niyang iyon.
‘’Huwag na huwag mo ngang itatanong sa akin iyan. Syempre, pinupuntahan naman ako ng asawa ko rito. Ano ba naming klaseng tanong iyan ha?’’ pagsisinungaling pa ni Oryang para lang hindi siya mapahiya kay Delsin.
‘’Nagtatanong lang naman ako sa iyo. Wala akong ibigsabihin doon,’’ sagot naman ni Delsin, pero ang totoo ay gusto lang naman niyang inisin si Oryang.
‘’Oh, bakit ka nga nandito? Anong kailangan mo sa akin? Hindi ba dapat ay si Boyong ang bisitahin mo dahil kayong dalawa naman ang mag-kadugo?’’ mataray na tanong ni Oryang, doon na kinabahan si Delsin dahil alam niya na may posibilidad na hindi pumayag si Oryang sa gusto niyang mangyari.
‘’Kaya lang naman ako nandito ay dahil gusto sana kitang makausap tungkol sa kaso ni Boyong. Pwede mo bang iurong iyon? Ipapaurong ko rin naman ýong kaso sa iyo para patas tayo,’’ sabi ni Delsin.
Dahil sa sinabi ni Delsin ay hindi napigilan ni Oryang na hindi matawa. ‘Yong tawa na parang wala nang bukas. Ni wala na siyang pakialam kung may makarinig sa kanya. Pinagsabihan na nga siya noong mga pulis na nagbabantay malapit sa kanila ni Delsin pero hindi niya iyon pinansin. Deretso pa rin `siya sa pagtawa.
‘’Alam mo, pinapatawa mo talaga ako. Sa tingin mo, sa ugali na meron ako ay gagawin ko ang sinasabi mo? Ang kapal din naman ng mukha mo para tangkain pang itanong sa akin iyan eh alam mo naman na ang sagot, hindi ba?’’ alam ni Delsin nag alit nag alit si Oryang sa kanya dahil sa boses at ang paraan ng pagtingin ni Oryang sa kanya.
‘’Sinusubukan ko lang naman. Isa pa, lalaya naman kayong pareho kapag pumayag ka sa sinasabi ko sa iyo. Ayaw mo ba noon? Makakalaya ka na, makikita mo na ulit ang anak mo at asawa,’’ sabi ni Delsin.
‘’Oo, gusto kong makalaya na sa impyerno na ito. Ngunit, hindi ko hahayaan na makakalaya si Boyong sa kulungang ito. Kung mabubulok ako rito, eh di mabulok din siya. Wala akong paki,’’ inis na inis na sabi ni Oryang kay Delsin.
‘’Oryang naman, may pamilya din naman ýong tao. Isa pa, ikaw naman talaga ang may gusto roon sa pera. Hindi naman siya, hindi ba? Nadamay lang ang pinsan ko sa gulo,’’ pagtatanggol ni Delsin kay Boyong kahit na labis na siyang niloko nito noon.
‘’Alam mo Delsin, kung ayaw naman niya sa pera na bigay ni Maám Beverly sa iyo ay eh di sana ay hindi niya tinanggap iyon kahit na inalok ko pa siya na kunin namin iyon, di ba? Tinanggap niya ang alok ko, ibigsabihin ay gusto niya. Kasali siya sa makukulong,’’ malinaw na inihayad ni Oryang iyon.
Napatahimik na lang si Delsin dahil nagising siya sa katotohanan na tama nga si Oryang sa sinasabi niya. Ngayon, ang pinakamalaking problema niya ay ýong naipangako na niya kay Boyong na kahit anong mangyari ay ilalabas niya ito sa kulungan.
Paano na mangyayari iyon eh ang gusto ni Oryang eh mabulok silang dalawa sa kulungan? At mukhang hindi na niya mababago pa ang desisyon ni Oryang kaya lalo siyang natakot para sa Nanay Ising niya. Hindi niya alam kung ano ang mangyayari kapag sinabi na niya ýon kay Boyong.
‘’S-Sige, naiintindihan naman kita kung bakit ayaw mo sa sinasabi ko. Tulad noon, nirerespeto ko pa rin ang mga desisyon mo, kahit na masakit sa loob ko dahil lagi tayong magkasalungat nang gusto,’’ may lungkot sa boses ni Delsin.
‘’Buti naman at hindi mo na ako pinilit. Ngayon, pwede na ba akong umalis dito? Ayaw ko na kasing makita ang pagmumukha mo, eh,”pang-iinsulto pa ni Oryang kay Delsin.
‘’Oo, pwede na. Salamat sa pakikipag-usap sa akin,” sabi ni Delsin.
Napatawa na naman si Oryang dahil sa sinabi ni Delsin sa kanya.
‘’Bakit ka nagpapasalamat? Eh wala ka ngang napala sa akin. Haynaku, dyan ka na nga,’’ inis na sabi ni Oryang pagkatapos ay umalis na sa harapan ni Delsin.
Doon ay naiwan na si Delsin na mag-isa. Habang hinihintay si Tonyo dahil kausap pa nito si Ysmael. Todo isip siya kung paano niya sasabihin sa kanyang pinsan na si Boyong na hindi na matutuloy pa ang paglabas niya.
Alam ni Delsin na sobrang magagalit ang pinsan niya sa kanya dahil doon, pero wala naman kasi siyang magagawa. Hindi niya pwedeng pilitin si Oryang sa mga bagay na ayaw nitong ibigay. Hindi naman siya ganoong klaseng tao. Ngayon, ang iniisip niya ay ang Nanay Ising niya, paano niya maliligtas ito sa kahit anong kapahamakan?