Noong umalis na ang mga pulis kasama si Ysmael ay humarap na si Tonyo sa mga kaibigan niya. Umupo siya at umiyak lalo. Niyakap naman siya ni Cynthia para pakalmahin siya. Si Delsin naman ay kumuha ng malamig na tubig sa refrigerator para ipainom kay Tonyo. “Naku, hayaan mo ang gagong iyon. Kung ano man ang sinabi niya, alam naman natin na hindi totoo iyon, di ba? Alam mong hindi ka mag-isa dahil nandito kami ni Delsin para sa iy,o,” sabi ni Cynthia para hindi na umiyak si Tonyo. “Oo nga, siya ang naglagay sa impyerno ng sarili niya ano, hindi ikaw. Siya ang demonyo at hindi ikaw. Lagi mong tatandaan iyan, ha?” sabi naman ni Delsin pagkatapos ay binigay niya ang tubig kay Tonyo. “Pero, mamamatay ba akong mag-isa? Wala na bang magmamahal sa akin dahil sa bakla ako? Meron naman siguro, di

