Chapter 57

1092 Words
Makaraan ang ilang araw ay naisipan ni Delsin na puntahan si Ysmael sa kulungan. Gusto niya itong makita para malaman niya kung nagdurusa ba talaga ito roon. Walang kaalam-alam sina Cynthia at Tonyo sa desisyon niyang iyon. Hindi niya pinaalam dahil panigurado siya na mapapagalitan siya ng mga iyon. Tinawag na ng pulis si ysmael, si Delsin naman ay naghintay doon. Kahit paano ay naaawa siya sa mga nakakulong doon dahil hirap na hirap sila sa sitwasyon nila. Ang daming tanong sa isip ni Delsin. Totoo nga bang nagkasala sila o napagkamalan lang? Gaano na kaya sila katagal sa kulungan na ito? Mga ganoong klaseng tanong. Nakita kasi niya na may mga bata rin doon sa kulungan, ka-edad niya. Nalulungkot lang siya na sa murang edad ng mga ito ay nakakagawa na sila ng ganoong kabigat na kasalanan. Ilang minuto pa ay dumating na si Ysmael. Nagulat ito pero may nakaka-asar na ngiti rin ito sa labi. Umupo ito sa harapan ni Delsin at saka nagsalita. “Oh, bakit ka naparito? Anong kailangan mo?” may inis sa boses ni Ysmael, halatang-halata iyon ni Delsin. “W-Wala naman akong kailangan, gusto lang kitang tingnan kung nagdurusa ka ba talaga sa kulungan na ito. Sa tingin ko naman, oo kaya ayos na ako,” pang-iinis naman ni Delsin kay Ysmael. “Kahit kalian ka talaga, problema ka sa buhay ko. Simula noong makilala ka ni Tonyo, nasira na kami!” galit na sabi ni Ysmael kay Delsin. “Ha? Ako ba talaga ang gumulo sa inyo o ikaw mismo? Galit ka lang dahil noong dumating ako ay nalaman na ng iba kung ano ang ginagawa mo sa kaibigan ko. Alam mo, buti na lang at nailigtas ko pa siya mula sa iyo,” inis na sagot ni Delsin. “Proud na proud ka pa sa sarili mo ha? Hayaan mo, darating din ang araw na ikaw naman ang makukulong!” sigaw ni Ysmael kay Delsin. “Paano mo naman nasabi na makukulong ako eh hindi naman ako gagaya sa isang katulad mo? Hindi ako ganoon kasama para gumaya sa iyo,” pagtatanggol ni Delsin sa kanyang sarili. “Akala mo lang iyon, darating ang araw na makukulong ka rin1” sigaw ni Ysmael kaya naman napapunta ang isa sa mga pulis malapit sa kanila. “Ano pong problema rito, Sir?” tanong nit okay Delsin. “Ah, wala naman. Sige na, ipasok niyo na ulit iyan dahil wala naman na akong kailangan dyan,” sabi ni Delsin, halatang-halata mo ang galit sa mga pasaring niya kay Ysmael. Magsasalita pa sana si Ysmael pero pinigilan na siya ng pulis na kumuha sa kanya. “May araw ka din sa akin, Delsin! Pinapangako ko iyan sa iyo,” sabi ni Ysmael bago pumasok sa loob ng kanyang kulungan. Hindi iyon pinansin ni Delsin, Patuloy lang siya sa paglalakad paalis sa prisinto nang biglang may dumating na pamilyar sa kanya. Si Boyong at Alexis, kasama si Oryang. Gulat na gulat si Delsin dahil matagal-tagal na rin niya kaing hindi nakikita ang mga iyon. Ang huli ay ‘yong namili sila ni Ma’am Cynthia sa mall. “”Hindi nga! Ang pinaka-problema rito ay ikaw Boyong! May usapan na tayo tungkol doon sa pera, hindi ba? Sinabi ko na sa iyo na huwag na huwag mong pakikialamanan pero wala, ginawa mo pa rin ang gusto mo! Talagang magnanakaw ka rin eh!” sigaw ni Oryang, rinig na rinig iyon ni Delsin. “Oryang, tumigil ka nga. Nasa prisinto na tayo, hindi ka ba nahihiya?” sagot naman ng asawa nitong si Alexis. “Aba, hindi! Bakit naman ako mahihiya kung alam ko naman sa sarili ko na hindi ako ang may kasalanan kundi siya?” galit na sagot ni Oryang kay Alexis. “Ma’am, kumalma po kayo. Kaya nga po nandito na tayo sa prisinto para ayusin ito, ilang beses niyo na po itong napag-usapan sa barangay, hindi po ba?” malumanay na sabi ng pulis kay Oryang. “Oo, hanggang ngayon ay ginagawa pa rin niya kaya kailangan na niyang makulong!” sigaw ulit ni Oryang. Ilang minuto pa ay nakita ni Alexis si Delsin sa di kalayuan. Gulat na gulat si Alexis kaya napatingin din si Oryang at Boyong kung saan nakatingin si Alexis. “Tingnan mo nga naman ang tadhana. Dito pa talaga kayo nagkita. Iyang pinsan mo, sakit talaga sa ulo ko ‘yan!” sabi ni Oryang. Lumapit si Delsin sa kanila bago tuluyang magsalita. “Bakit kasi naniwala ka sa pinsan ko? Hindi ba at kayo naman ang magkakampi sa una pa lang? bakit ngayon ay galit na galit ka na sa kanya?” sabi ni Delsin. “Kakampi? Anong sinasabi mo dyan?” pagsisinungaling pa ni Oryang dahil may mga pulis sa kanyang paligid. “Oryang, huwag mong hayaan na sabihin ko pa rito kung ano ang ibig kong sabihin. Baka kapag ginawa koi yon, parehas na kayo ni Boyong na ikulong,” sagot ni Delsin, tatalikod na sana siya ngunit tinawag naman siya ng pinsan niyang si Boyong. “Pinsan, baka pwede mo naman sabihin sa amo mo na kuhanan ako ng abogado. Ikaw na lang kasi ang malalapitan ko, wala nang iba pa,” sabi ni Boyong, nagmamakaawa talaga siya kay Delsin sa prisinto. “Sana, bago mo ginawa iyan ay nag-isip ka muna. Kung sa totoo lang, ako naman talaga ang pinagnakawan niyong dalawa, hindi ba? Ako nga ang dapat mag-demanda sa inyo, e. Pero, hindi ko ginawa dahil may pinagsamahan pa rin naman tayo,” sabi ni Delsin. “Pinsan, matagal na iyon. Sana naman, patawarin mo na ako sa ginawa kong panloloko sa iyo. Na-demonyo lang naman ako ni Oryang noon,” sabi naman ni Boyong. “Ha? Anong dinemonyo kita? Pumayag ka sa plano ko noon, kaya nagawa natin iyon. Hindi kita pinilit. Gusto mo rin ng pera kaya naghati tayo sa pera na iyon!” nadulas na sabi ni Oryang. Rinig na rinig iyon ng mga pulis doon kaya naman hindi na nakatakas pa si Oryang. Pati siya ay nakulong. “Sabi ko naman sa inyo, kayo rin ang magpapahamak sa mga sarili ninyo. Haynaku, hindi ko alam sa sarili ko kung bakit tinanggap ko kayo sa buhay ko noon. Kung alam ko lang, hindi na lang sana ako tumuloy sa Maynila kahit na may trabaho pang narito,” inis na sabi ni Delsin. Dahil parang nakaganti na siya sa kanila ay tuwang-tuwa siyang lumabas ng prisinto. Ni wala na siyang paki-alam kay Boyong dahil sinaktan naman siya nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD