Chapter 33

1039 Words
Halos parang nabuhusan ng malamig na tubig si Delsin sa kanyang narinig. Hindi talaga siya makapaniwala sa sinabi ni Alexis sa kanila. "H-Ha? Sigurado ka ba dyan, Alexis? Oo, payag naman akong umalis ako rito sa inyo, himdi lang ako makapaniwala ngayon na sinasabi mo sa akin iyan. Parang hindi ikaw iyan," sabi ni Delsin na may takot sa kanyang boses. "Oo, tama ka nang narinig Delsin. Makaka-alis ka na sa bahay na 'to, di ba matagal mo nang gusto iyon? Ngayon, payag na ako. Pwede ka nang mag-impake at umalis dito," malinaw na sabi ni Alexis. Dahil hindi pa rin malinaw kay Delsin ang nangyayari eh hindi na niya maiwasan na hindi magtanong sa mag-asawa kung ano bang problema nila sa kanya at bigla na lang nagbago ang ihip ng hangin. "Pwede bang tapatin niyo na ako kung anong problema ninyo? Hindi ko kasi talaga maintindihan, eh. Ayos naman kasi talaga tayo noong mga nakaraang araw," nalilitong sabi ni Delsin. Dahil ayaw na ng away ni Alexis at ayaw niya rin masaktan ang kaibigan niyang si Delsin eh iba ang sinabi niya. "Huwag mo nang alamin, Delsin. Ang maigi pa ay umalis ka na lang rito sa amin. Pwede ka nang mag-ayos ng gamit mo ngayon," sabi ni Alexis, pero sa loob niya ay nahihirapan na siya sa sitwasyon. Dahil sa ugali na meron si Oryang, eh sumagot siya sa usapan ni Delsin at Alexis kahit na pwede namang hindi na siya makisawsaw pa. Gusto rin niya talagang mainis lalo si Delsin sa kanila, lalo na kay Alexis. Tinurin kasing kaibigan ni Delsin si Alexis, kung tutuusin ay kapatid pa nga eh. Kaya sigurado si Oryang na masasaktan si Delsin nang sobra kapag nalaman nito ang katotohanan. "Alexis, mukhang gusto talagang malaman ni Delsin kung bakit pinapa-alis mo na siya rito sa bahay at kung bakit galit na galit na naman ako sa kanya. Gusto mo bang ako na ang magsabi ng dahilan?" may halong pang-aasar na sabi ni Oryang sa kanyang asawa. "Oryang, tama na. Hayaan mo na, huwag mo nang pahirapan si Delsin. Ang importante naman ay umalis siya rito hindi ba?" pagmamakaawa ni Alexis sa asawa niya dahil ayaw talaga niyang magalit sa kanya si Delsin. "Hindi! Sasabihin ko na kung ano talaga ang nangyari, para hindi na rin akong mahirapan," pamimilit ni Oryang kay Alexis. "Ha? Ano ba talaga ang nangyayari Oryang? H-Hindi ko kasi talaga maintindihan kung anong problema ninyo ni Alexis at kung bakit niyo rin ako papaalisin rito eh," nalilito pa rin na sabi ni Delsin. "Delsin, tanda mo 'yong pera na binigay sa iyo ni Ma'am Beverly? Tinanggap ko iyon para sa anak ko. Kaya marami akong pera-" hindi na natapos ni Oryang ang sasabihin dahil sumagot si Alexis sa kanyang asawa. "Oryang! Tama na. Delsin, sige na. Pwede ka nang umalis-" hindi naman natapos ni Alexis ang sasabihin dahil sumagot si Delsin kay Alexis. "Hindi, sige lang Oryang. Sabihin mo sa akin kung ano man ang tunay na ginawa mo sa pera na binigay ni Ma'am Beverly," mahinahon pa si Delsin pero may diin na ang bawat sinasabi niya. Pero sa loob-loob ni Delsin ay inis at galit na ang namamayani. Galit na galit na siya kay Oryang nang sinabi niya iyon. Kaya lang ganoon ang sinabi niya para matapos na ang lahat nitong isipin niya. "Marami akong pera dahil sa iyo. Salamat. Kaya ko lang naman kinuha iyon eh dahil ayaw mo kunin, e. Ayaw mo pa kasing aminin sa sarili mo na kailangan mo 'yong pera," sabi pa ni Oryang. Dahil doon ay mas nagalit pa si Delsin pero pinigilan niya lang ang kanyang sarili. "B-Bakit mo nagawa iyon sa akin? Masaya pa naman ako na naging mabait ka, iyon pala ay dahil sa pera na binigay sa akin ni Ma'am Beverly kaya nagbago ka. H-Hindi ako galit dahil naiintindihan kong kailangan mo ng pera, pero hindi ko lang matanggap na dahil sa pera ay naging ganoon ka. At alam mo ito Alexis? Gaano katagal na?" sabi ni Delsin, malungkot na malungkot ang boses niya. "Nito lang, noong binigyan kita ng pera noong nakaraan. Gusto kong ibigay sa iyo lahat iyon dahil sa'yo naman talaga ang pera, hindi nga lang pumapayag si Oryang sa gusto ko kaya hindi ko na nagawa," paliwanag ni Alexis sa kanyang kaibigan. "Sige, naiintindihan ko naman. Huwag kayong mag-alala sa akin, aalis naman ako rito kung iyon ang gusto niyo. Isa pa, ibabalik ko ang pera na binigay sa akin ni Alexis, Oryang. Huwag ka lang makipag-away sa kanya," mahinahong sabi ni Delsin. Doon na nagtaka si Oryang, bakit hindi man lang nagalit si Delsin sa kanila. Ang plano niya ay sirain si Alexis kay Delsin pero iba ang naging reaksyon ni Delsin ukol rito. Nag-isip si Oryang ng paraan para magalit talaga si Delsin, doon pumasok sa utak niya na hindi pa nga pala alam ni Delsin na kasabwat ni Oryang si Boyong. Habang palakad si Delsin papunta sa kwarto nila ni Boyong para ayusin at kunin na ang mga gamit niya ay biglang nagsalita na si Oryang. "Ah, hindi ko pa nga pala nasasabi. Si Boyong, kasabwat ko siya sa pagkuha ng pera mo kay Ma'am Beverly, hati kami-" natigil ang pagsasalita ni Oryang dahil sumagot agad si Delsin sa kanya. "Hindi. Hindi totoo iyan, kilala ko si Boyong. Hindi niya magagawa sa akin iyan dahil mag-pinsan kami. Alam ko ang ginagawa mo, sinisira mo lang kaming dalawa," sabi ni Delsin, doon na siya nagalit. "Talaga? Sigurado ka ba na hindi niya gagawin sa iyo 'yon? Eh nagawa na nga niya. Maniwala ka sa akin, niloko ka ng sarili mong pinsan, Delsin." "Oryang, itigil mo na nga ang kahibangan mo. Huwag mo nang palakihin ang gulo," sabi ni Alexis sa kanyang asawa. "Ha? Hindi ako nahihibang. Naaalala niyo ba na bumili ng cellphone at ilang damit si Boyong? Sa tingin niyo, saan naman niya kukunin ang pambili noon? At saka, ang laki ng mga padala niyang pera sa pamilya niya sa Bicol, hindi ba?" sabi ni Oryang, lalong nainis si Delsin. Doon niya na naalala ang lahat. Nagtaka rin si Delsin kung saan galing ang pera ni Boyong pero naniwala siya na galing lamang iyon sa ipon ng pinsan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD