Chapter 34

1023 Words
Dahil sa galit ay hindi na niya napigilan ang kanyang sarili. Agad siyang pumasok sa kwarto nila ni Boyong. Hinalungkat niya ang gamit nito para mapatunayan niya sa kanyang sarili ang ginawa ng kanyang pinsan sa kanya. Si Oryang ay tuwang-tuwa na makita na galit na galit si Delsin. Ito talaga kasi ang gusto niya talagang mangyari. Si Alexis naman ay gulat na gulat dahil sa naging reaksyon ni Delsin, ngayon niya lang kasi nakita na ganoon si Delsin eh. Hindi namannniya pwedeng pigilan ang galit nito dahil baka sa kanya naman magalit si Delsin. Nang makita ni Delsin ang pera na bigay ni Ma'am Beverly ay doon na talaga siya nagalit. Habang ginagawa niya iyon, tulog na tulog naman si Boyong. Kinuha niya ang mga pera na iyon at saka pumunta sa kama. Ginising niya si Boyong, galit na galit siya. "Boyong, gumising ka! Boyong!" niyugyog niya si Boyong sa kama. Antok na antok si Boyong nang imulat niya ang mga mata niya. Pero noong minulat niya ito, sinuntok naman siya ni Delsin sa sobrang galit. Gulat na gulat si Boyong pati na rin si Alexis at Oryang. Oo, gusto ni Oryang na magalit si Delsin pero hindi naman niya akalain na aabot si Delsin sa ganoon. Napa-upo si Boyong sa gulat. Agad niyang tinanong si Delsin kung ano ang problema nito sa kanya. "Anong problema mo?! Natutulog ako, Delsin! Ano bang nangyayari sa iyo at sinuntok mo ako? Hindi naman-" natigil si Boyong sa kanyang pagsasalita nang makita ang gamit at pera na nakakalat sa kwarto nila. "Ano? Natahimik ka yata? Alam mo na kung anong problema ko? Halika rito!" sigaw ni Delsin at dinala niya si Boyong sa may pader, hawak nito ang suot na-tshirt ni Boyong. Nagtangka siyang suntukin na naman si Boyong pero hindi natuloy dahil narinig nila si Alexis na nagsalita para pigilan sila parehas. "Delsin, Boyong! Pwede nating pag-usapan ito. Aayusin natin, huminahon muna kayo, pwede ba? Lalo ka na, Delsin," mahinahon na sabi ni Alexis, tahimik lang si Oryang. Tumahimik lang si Delsin, masama ang tingin niya kay Boyong pero mas okay na siya ngayon kaysa kanina. Baka naisip niyang hindi nga maayos 'yong ginagawa niya at nadala lang siya sa kanyang emosyon. "Halina kayo sa labas. Doon tayo mag-usap na tatlo. Ikaw, Oryang eh alagaan mo muna ang anak natin. Huwag kang lalabas hanggang hindi ko pa sinasabi," mahinahon pa rin na sabi ni Alexis. "Pero gusto kong-" hindi na nakapagsalita si Oryang dahil tumaas na ang boses ni Alexis nang sagutin niya ang kanyang asawa. "Utang na loob naman, Oryang. Makinig ka na lang sa akin. Kahit ngayon lang, huwag ka na mangialam para matapos na ito. Pwede ba? Ikaw naman nag-umpisa nito, e. Tama na," galit na sagot ni Alexis. Hindi na nga nangialam pa si Oryang, pumasok na siya sa kwarto para alagaan na lang ang kanilang anak ni Alexis. Pagkatapos noon, umupo silang tatlo sa sofa at tahimik lang. Para mabasag ang katahimikan, si Alexis ang unang nagsalita. "Delsin, naiintindihan ko ang galit mo. Ayos lang sa akin, humihingi rin ako ng pasensya sa iyo dahil hindi ko agad sinabi kahit na alam ko na, tinakot kasi ako ni Oryang na ilalayo niya sa akin ang anak namin kapag sinabi ko sa iyo ang totoo," sabi ni Alexis. "Naiintindihan kita at hindi naman ako sa iyo galit. Kay Boyong ako galit. Wala kasi akong maisip na dahilan para gawin niya sa akin ito. Sabihin mo sa akin ngayon, Boyong. Bakit mo nagawa iyon sa pinsan mo?" sabi ni Delsin, may galit pero mas mahinahon na siya ngayon kaysa kanina. "H-Hindi ko sinasadya, alam kong ayaw mong kunin 'yong pera na iyon kay Ma'am Beverly pero aminado naman ako na kailangan ko rin noong pera. Isa pa, si Oryang talaga ang may pakana noon at hindi naman ako," sabi ni Boyong. "Oo, sabihin na natin na si Oryang ang may pakana noon pero bakit mo hinayaan? Sana man lang, sinabi mo sa kanya na hindi tama ang ginawa niya dahil mali naman talaga. Isa pa, pinsan mo ako. Sa mga taong nandito, ikaw lang ang taong pinagkakatiwalaan ko. Tapos ganoon? Boyong naman!" inis na sabi ni Delsin. "Eh, anong gusto mong gawin ko ngayon? Ibalik ko sa iyo ang pera? Pwede naman, gagawin ko iyon, sabihin mo lang. Tutal pera mo naman iyon," sabi ni Boyong, hindi man lang humingi ng tawad kay Delsin. "Ang gusto ko, magising ka sa kahibangan mo. Dahil lang sa pera, naging ganoon na ang trato mo sa akin? Hindi talaga ako makapaniwala, e. Hindi ka naman ganoon dati," malungkot na sabi ni Delsin. "Pasensya ka na sa akin, talagang kailangan ko na noong pera eh. Alam mo naman na mahirap ang buhay na meron ako dito sa Maynila," pagmamakaawa ni Boyong. "Hindi ko alam kung mapapatawad pa kita Boyong. Sana, huli na ito. Sa ngayon, lalayo muna ako sa inyo. Sabi nga ni Alexis, aalis muna ako rito," malinaw na sabi ni Delsin, tatayo na sana siya pero narinig niyang nagsalita si Boyong. "Saan ka naman titira kung sakali? Wala ka namang kilala dito sa Maynila, ah? Huwag mong sabihin na sa kalye mo balak matulog?" sabi ni Boyong. "Masyado mo na yata akong minamaliit, pinsan. Tama naman na siguro ang oras na ginugugol ko rito sa Maynila para may mga makilalang kaibigan. Baka nga mas pamilya pa ang turing nila kaysa sa akin, e." Dahil sa sinabi ni Delsin ay napanganga na lang si Boyong at Alexis. Hindi na sila nakasagot pa kay Delsin. Nag-ayos na ng gamit si Delsin, ang balak niya ay kay Tonyo muna siya makikitira. Sabi naman kasi ni Tonyo sa kanya eh pwede muna siya roon hanggang sa makahanap siya ng bagong tirahan. Sa totoo lang ay nahihiya siya kay Tonyo, pero sa sitwasyon ngayon ay iyon na lang ang tamang desisyon na gagawin niya. Mabait naman talaga si Tonyo sa kanya kaya sa kanya na lang siya magtitiwala. Sana nga lang eh hindi na iyon masira. Oras na masira pa iyon, hindi na alam ni Delsin kung saan siya kakapit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD