Chapter 32

1053 Words
Pag-alis ni Delsin sa bahay nila Alexis ay pumasok agad si Alexis sa kwarto. Kabadong-kabado siya sa pwedeng sabihin ni Oryang sa kanya. Ilang minuto pa siyang naghintay sa kanyanv asawa bago ito pumasok sa kanilang kwarto. Agad na sinara ni Oryang ang kanilang kwarto, galit na galit ang itsura nito. Alam ni Alexis na kahit anong oras ay sasabog na si Oryang sa inis. Agad na pumunta si Oryang sa kanilang cabinet para tingnan kung talaga nga bang ginalaw ni Alexis ang pera o hindi. Tumaas ang dugo niya nang makita na nabawasan nga ang pera. Hinarap niya si Alexis at sinigawan. "Walanghiya ka! Sinabi ko na sa iyong hindi mo dapat bigyan si Delsin, hindi ba?! Ano na naman bang pumasok sa utak mo para hindi sundin ang gusto ko?!" galit na sabi ni Oryang. "Ako pa nga ang sinabihan mo ng walanghiya? Kay Delsin naman talaga iyan, hindi ba?! Bakit hindi ko siya bibigyan? Pasalamat ka nga at hindi ko kinuha lahat iyan!" galit na rin na sabi ni Alexis. "Hindi ka talaga nag-iisip! Hindi mo ba naisup na magagamit ng anak mo ito paglaki niya?! Tigilan mo nga ako sa pagiging mabait mo! Para naman ito sa kinabukasan ng anak mo!" sagot ni Oryang. "Ewan ko sa iyo, Oryang! Hindi ko na alam kung anong utak ang meron ka at ganyan ka na! Noon naman, wala kang pakialam sa pera," sabi ni Alexis. Tumahimik si Oryang pagkatapos ay pumunta malapit sa kanyang anak. Kinuha niya ito sa higaan at kinausap na para bang naiintindihan na nito kung ano man ang sinasabi niya. "Anak, nasiraan na nang tuluyan ang tatay mo. Umalis na kaya tayo dito? Tutal naman, si Delsin lang ang iniisip ng tatay mo," pananakot ni Oryang kay Alexis. Agad na nilapitan ni Alexis si Oryang para pigilan. Kitang-kita ang inis at galit ni Alexis sa kanyang asawa. "Oryang naman! Talaga bang aabot tayo rito? Hindi naman ako papayag na ilayo mo sa akin ang anak ko!" sabi ni Alexis. "Sige, kung gusto mo na nandito pa rin kami ng anak mo, paalisin mo si Delsin dito. Para matahimik na rin ang mga buhay natin!" sigaw ni Oryang. "Oryang, wala pang matitirahan si Delsin sa ngayon. Hindi ka ba naaawa sa kanya? Kinuha mo na nga ang lahat ng pera niya-"hindi na natapos ni Alexis ang kanyang sasabihin dahil sumagot agad si Oryang sa kanya. "Ha? Bakit naman ako mahihiya sa taong 'yon eh sinira niya ang relasyon natin?! Simula noong makilala mo iyan, hindi na tayo naging maayos! Buti na lang talaga at may naging silbi pa siya sa akin," sabi ni Oryang. Hindi na nagtangkang sumagot si Alexis dahil napagtanto niya sa kanyang sarili na tama rin naman si Oryang kahit paano pero nahihiya rin naman siya kay Delsin dahil kinuha nga ni Oryang ang pera ni Delsin. Binaba ni Oryang ang kanyang anak sa kama at saka kinuha ang malaking bag sa cabinet. Kinuha niya na ang mga gamit at damit niya, pati na rin ang mga gamit ng anak. Wala rin siyang pakialam kung naririnig niya si Alexis. "Oryang, maawa ka naman sa akin! Alam mo naman na hindi ko kayang hindi ko makita ang anak ko. Patawarin mo na ako sa mga nagawa ko," pagmamakaawa ni Alexis sa kanyang asawa. Patuloy lang ang pag-iimpake ni Oryang at wala siyang paki kung ano pa ang ginagawa o sinasabi ni Alexis sa tabi niya. "Ginusto mo 'yan hindi ba? Pasensyahan na lang tayo, mukhang mas pinili mo kasi si Delsin kaysa sa amin ng anak mo," naiiyak na si Oryang pero hindi niya iyon pinapakita kay Delsin. Hanggang sa tuluyan nang lumuhod si Alexis sa harapan ni Oryang para hindi nito ituloy ang kanyang plano. "Oryang! Sige na, gagawin ko na ang lahat ng gusto mo. Huwag lang kayong umalis ng anak ko rito. Paaalisin ko na si Delsin sa bahay na ito kung iyon ang gusto mo!" pagmamakaawa ni Alexis, hindi naniwala si Oryang kahit na todo iyak na si Alexis. "Tumabi ka dyan, baka hindi ko matantya ay kung ano pa ang magawa ko sa iyo," naiiyak na sabi ni Oryang. Naglakad na si Oryang palabas ng kwarto nila, dala-dala ang mga gamit niya at ang anak nila ni Alexis. Kahit hirap na hirap siya ay nagawa pa rin niyang buksan ang pinto para makalabas sila ng kanyang anak. Agad namang sinundan ni Alexis ang kanyang mag-ina para pigilan. Iyak pa rin siya nang iyak. "Hindi niyo kailangang umalis! Pwede ba? Tigilan na natin ito, Oryang. Aayusin ko ito, bigyan mo lang ako ng ilang araw para masabi ko kay Delsin nang maayos ang mga bagay," sabi ni Alexis. Ang hindi nila alam ay nasa may pinto na si Delsin noon at narinig niya ang mga sinabi ni Alexis tungkol sa kanya. "A-Anong problema ninyo sa akin? May hindi magandang nangyari ba noong wala ako kanina? B-Bakit kayo nag-aaway? At saka, lalayas ka, Oryang? B-Ba-" hindi na natapos ni Delsin ang kanyang sasabihin dahil sumagot na si Oryang sa kanya. "Oo, Delsin! Oo, lalayas na ako sa pamamahay na ito dahil lagi na lang kaming nag-aaway ni Alexis nang dahil sayo! Alam mo, simula noong nakilala ka ng asawa ko, nasira na ang buhay namin!" galit na sabi ni Oryang. Hindi naman agad nakasagot si Delsin dahil sa gulat. Nang mahimasmasan nang konti ay sumagot na si Delsin. "A-Ako? Akala ko ba ay maayos na tayo? Lagi ka nang nakangiti sa akin, hindi ka na nagagalit. Tapos ito na naman? Bakit?" naguguluhang tanong ni Delsin. "Itanong mo sa asawa ko, kayo na lang ang magsama, tutal naman ay mas pinipili ka niya yata kaysa sa amin ng anak niya!" sigaw ni Oryang at kahit anong oras ay handa na siyang umalis sa bahay nila. Dahil doon, labis na natakot si Alexis kaya agad niyang sinigaw itong mga salita. "Lumayas ka na nga, Delsin! Baka kung ano pa ang magawa ko sa iyo! Ayaw na kitang makita rito kahit kailan! Naiintindihan mo ba iyon?!" sigaw ni Alexis na labis na kinagulat ni Oryang at Delsin. Hindi naman totoo iyon, nagsinungaling lang si Alexis sa harapan ni Oryang para hindi na umalis pa ang kanyang mag-ina. Sa puntong ito ay anak na lang niya ang mahalaga. Hindi na si Oryang o Delsin, anak lang niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD