Chapter 42

1019 Words
Nang magising na si Albert ay nagsimula na ang totoong trabaho ni Delsin. Ang alagaan ito kahit mahirap. Pinaliguan niya ito at pinakain. Buti na lang at hindi naman ito nagwawala, may epekto pa rin siguro 'yong gamot na ininom niya kanina. Habang nakain si Cynthia at Albert ay lumabas naman sa kwarto nila ang dalawa pang kapatid ni Albert. Si Zsa Zsa at Mikael, mas bata pa sila kay Albert pero tinuturin nila na ang mga sarili nila na mas matanda at mas marunong sa kanya dahil nga rin sa sitwasyon na meron si Albert ngayon. Tahimik lang si Delsin, tutok siya kay Albert at hindi natingin doon sa dalawa dahil nahihiya siya, bago lang kasi siya. "Ito na ba 'yong bagong kasama ni Albert, Ma?" tanong ni Mikael sa nanay niyang si Cynthia. "Anak, ayusin mo ang pananalita mo. Bakit Albert lang ang tawag mo sa Kuya mo?" medyo inis si Cynthia sa inasal ng kanyang anak. "Pero siya nga ba 'yong bagong kasama ni Kuya Albert sa bahay, Ma? 'Yon lang naman kasi ang tanong ko, e. Sagutin mo lang," sabi ni Mikael. "Oo siya nga, eh bakit ba? Anong problema mo?" ramdam na ni Mikael ang irita sa boses ng nanay niya. "Ah, anong pangalan niya?" tanong ni Mikael. Dahil nahihiya na si Delsin at naririnig niya na parang nagtatalo sila dahil sa kanya ay siya na ang sumagot noong tanong ni Mikael. "Delsin, Delsin Marquez po ang pangalan ko." Agad na tumingin si Mikael kay Delsin at parang ngumiti nang nakakaloko. Si Delsin naman ay nakayuko lang doon. "Delsin, kuhanin mo nga ang lahat ng pagkain na makikita mo sa refrigerator namin. Kakainin ko-" hindi na natapos ni Mikael ang sasabihin niya dahil sinaway agad siya ni Cynthia. "Mikael, anak! Ano ba? Itigil mo nga iyan. Kung anu-ano na naman ang ginagawa mo para mapalayas mo ang kasambahay," sabi ni Cynthia, galit na galit. "Delsin, kung gusto mong mabuhay nang matagal ay huwag ka na magtrabaho dito. Sasaktan ka lang ni Albert. Siguro naman, alam mo na ngayon kung anong sitwasyon niya, hindi ba?" rektang sabi ni Mikael kay Delsin. "Mikael, tama na! Pumasok ka na lang sa loob kung ayaw mong mapagalitan na naman kita," galit na sabi ni Cynthia. "Ano pa nga ba? 'Yon naman ang lagi mong sinasabi eh. Okay, tutal naman eh wala na akong ganang kumain, papasok na nga lang talaga ako sa kwarto ko," sabi ni Mikael at tumayo na para umalis at pumunta sa kwarto niya. Si Mikael kasi ay nagseselos sa kapatid niyabg si Albert noon pa. Dahil panganay si Albert, akala ni Mikael ay paborito siya ni Cynthia. Iyon kasi ang laging nangyayari, laging pinagtatanggol ni Cynthia si Albert. Si Zsa Zsa naman ay walang pakialam doon. Mahal niya parehas ang mga kuya niya at gusto niya intindihin si Albert at Mikael sa mga di nila pagkakaunawaan. Patuloy lang na kumain si Zsa Zsa, tahimik ang lahat hanggang sa nagsalita na si Cynthia. Na-alerto ang lahat dahil dito. Hinarap ni Cynthia si Delsin para makahingi ng tawad sa ginawa ni Mikael. "Pasensya ka na sa anak ko. Ganoon lang talaga iyon. Huwag na huwag kang makikinig sa kung ano man ang sabihin niya, ha?" sabi ni Cynthia. "Oo naman po, sa mga utos niyo lang ako makikinig. Maraming salamat po sa pagtanggol niyo sa akin," sagot naman ni Delsin habang inaalalayan niya ang anak ni Cynthia sa pagkain nito. Nang matapos na ang pagkain nila ay bumalik na ang lahat sa kani-kanilang kwarto. Bago pumasok si Cynthia sa kwarto niya ay may sinabi muna siya kay Delsin. "Kapag nagwala ang anak ko, kumatok ka lang sa kwarto ko. Tutulungan kitang mapakalma siya, ha?" nakangiti si Cynthia noong sinabi niya iyon. "Opo, Ma'am Cynthia. Gagawin ko po 'yong sinabi niyo," sagot ni Delsin. Habang nagbabantay siya eh nag-iisip na si Delsin kung ano ang gagawin niya ngayon dahil gusto na niyang maligo. Saan o kanino naman niya iiwan si Albert kung maliligo siya? Kahit ayos naman si Albert ay pinainom niya ito ng gamot para kung sakali na magwala ito ay may panangga ito. "Albert, dito ka lang ah. Maliligo lang ako. Bibilisan ko namang kumilos eh para mabantayan agad kita. Saglit lang ah," paalam ni Delsin sa alaga niyang si Albert. Nagmadali na si Delsin na pumunta sa kwarto niya para kunin ang pamalit na damit at saka pumasok sa loob ng comfort room para maligo. Habang naliligo ay hindi alam ni Delsin na pumasok pala sa kwarto ni Albert si Zsa Zsa habang nanunuod ito ng TV. Dahil sa pagpasok niyang iyon ay nagulo si Albert at nagwala. Tinapon nito ang baso na malapit sa kanya at iyon ay nabasag. Gulat na gulat si Zsa Zsa, alam niya na pwedeng magalit ang Mama Cynthia niya dahil dito. "Kuya Albert, sorry! Hindi ko naman gustong magwala ka. I mean, I just want to check on you. Nasaan ba si Delsin? Bakit wala siya dito?" nagpa-panic na si Zsa Zsa. Ilang minuto pa ay dumating na ang Mama niya sa kwarto ng Kuya Albert niya. Nagmamadali ito at tiningnan agad ang anak na si Albert. "Why? What happened, anak?" tanong ni Cynthia kay Zsa Zsa. "Mom, believe me. I just want to check Kuya Albert, noong narinig niya na may papalapit sa kanya ay bigla na lang siyang nagwala. Delsin is nowhere to be found," paliwanag nj Zsa Zsa sa kanyang ina. "Sige na anak. Go to your room. Ako na ang bahala rito. Maybe Delsin is doing something, sige na. Baka mabubog ka pa, e. I will fix this," sabi ni Cynthia. "Are you sure, mom? I mean, dapat si Delsin ang gumawa niyan, di ba?" pag-aalala ni Zsa Zsa. "Ipapaligpit kong mabuti ito sa kanya mamaya. For now, just go to your room. Check yourself too, okay? Baka may naapakan kang bubog or something," pag-aalala ni Cynthia sa anak. "Okay mom. But if you need something, call me. Okay? Nasa baba lang ako." Tumango si Cynthia sa anak pero abala pa rin ito sa paglilinis ng bubog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD