Chapter 41

1113 Words
Pumunta na si Delsin sa bahay ng bago niyang amo na si Cynthia. Kahit may pag-aalinlangan ay alam niyang kailangan niyang pumunta doon para magkaroon siya ng pera na maipapadala sa Bicol para sa pamilya niya. Ang sumalubong sa kanya ay ‘yong kasambahay din na sumalubong sa kanila ni Vanessa kahapon. Ngumiti ito sa kanya at saka siya pina-upo sa sofa. “Upo ka muna, tatawagin ko lang si Ma’am Cynthia para sabihin na nandito ka na ah?” mabait na sabi noong isang kasambahay. “Sige po, walang problema. Maraming salamat po,” sagot ni Delsin at saka umupo roon. Sa totoo lang, hanggang ngayon ay may takot pa rin siyang nararamdaman sa bahay na iyon pero pinipilit niya na huwag na bigyan ng pansin ang mga iyon. Ilang minuto pa ay dumating na si Cynthia, todo ngiti it okay Delsin. Napilitan na lang si Delsin na ngumiti pabalik pero takot na takoot siya kay Cynthia. Naalala na naman kasi niya ang karanasan niya kay Beverly, at ayaw na niya iyon na maulit pa rito sa bago niyang trabaho. “Maigi naman at maaga kang pumunta rito. Sige, ipapakilala ko na sa iyo ang anak ko. Handa ka na ba?” sabi ni Cynthia sa kanya. “Opo. Handa na ako,” sagot naman ni Delsin kay Cynthia. “Eh sige, halika na sa loob at para makilala mo na sya,” nakangiting sabi ni Cynthia. Naglakad na papunta sa kwarto noong anak ni Cynthia si Delsin. Nauna muna si Cynthia sa kanya. Nang makapasok na sila ay agad na narinig ni Delsin ang sigaw, pagkatapos noon ay isang malakas na pagbagsak ng kung ano ang narinig naman nila. Na-alarma sila pareho at agad na pumunta si Cynthia sa anak niya. “Anak, no! Don’t do that, ha? It’s okay. Everything will be okay,” sabi ni Cynthia sa kanyang anak. Pinahiga niya sa kama ang anak niya at saka pina-inom ng gamot para kumalma ito. Tumingin siya kay Delsin na para bang pinapaalam niya na ito na nga ang sitwasyon ng anak niya. Lumapit naman si Delsin noong unti-unting kumalma na ang anak ni Cynthia. “Siya si Robert. Tatapatin na kita, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang sitwasyon ng anak ko,” panimula ni Cynthia. “Kaso, ayaw ko naman siyang ipatingin sa doktor. Ayaw ko namang malaman pa iyon dahil natatakot ako sa mga bagay na pwede kong malaman,” dagdag pa ni Cynthia. “Dati pa po ba siyang ganito? Ang ibig kong sabihin, noong bata ba siya ay normal naman ang lahat sa kanya?” tanong ni Delsin, alam niyang medyo hindi maganda ang mga tanong na iyon para kay Cynthia pero kailangan din naman niyang malaman ang background na meron si Albert para maintindihan niya ang mga bagay. “Naging ganyan lang naman siya simula noong namatay ang Papa niya. Noong simula ay wala siyang kinakausap dito sa bahay, hanggang sa nagwawala na siya noong mga sumunod na taon. Ang tanging paraan ko lang para huminahon ang anak ko ay sa tulong ng gamot,” sabi ni Cynthia, masaya naman si Delsin dahil hindi minasama ni Cynthia kung ano man ang sinabi niya. Siguro sinabi na rin ni Cynthia iyon para nga rin malaman ni Delsin kung ano ang background ng taong aalgaan niya. “Ah, sige po. At least, alam ko na,” sabi ni Delsin. Medyo nagulat naman si Cynthia dahil sanay siya na walang natanggap sa anak niya. Si Delsin lang ang bukod tangi na hindi natakot sa kanyang anak, dahil doon ay sobrang saya niya. “Hindi ka man lang natatakot sa pwedeng gawin sa iyo ng anak kong si Albert? Hindi ka aatras sa pag-aalaga mo sa kanya?” tanong ni Cynthia, sinisigurado pa ang mga bagay-bagay. “Ah, bakit po? May dahilan naman kung bakit siya ganoon, kaya sa tingin ko ay kailangan lang siyang intindihin ng mas mabuti. Ako na po ang bahala. Huwag po kayong mag-alala kasi aalagaan ko po talaga ang anak ninyo,” sabi ni Delsin, ngumiti siya kay Cynthia pagkatapos noon. Sa totoo lang, takot naman talaga si Delsin sa kung anong pwedeng mangyari sa kanya kapag sinaktan siya ni Albert. Kaso, naaawa naman siya rito at kay Cynthia dahil mukhang matagal na silang naghahanap ng taong mapapagkatiwalaan nila. “Naku, salamat sa pag-intindi sa sitwasyon ng anak ko, ha? Huwag kang mag-alala, aalagaan naman kita bilang kasambay rito,” nakangiting sabi ni Cynthia kay Delsin. Nang mapansin nilang nakatulog na si Albert ay lumabas muna sila sa kwarto nito. Hinatid ni Cynthia si Delsin sa magiging kwarto niya at pinalagay muna doon ang gamit niya. “Ilagay mo muna dyan ang gamit mo, marami akong ituturo sa iyo. Mga bagay na ginagawa ni Albert dito sa bahay, okay lang ba sa iyo iyon?” sabi ni Cynthia. “Oo sige po. Saglit lang,” sabi ni Delsin at nilagay na ang gamit niya sa kwarto niya. Naglakad na sila sa kitchen para doon simulan ang pagtuturo ni Cynthia kay Delsin. Sa kitchen, pinakita ni Cynthia kung ano ang mga ginagamit ni Albert sa kanyang pagkain. “Oh, ito ‘yong ginagamit niya. Sa kanya lang ito at hindi rin ginagamit ng iba ko pang anak,” sabi ni Cynthia. Ngayon ay na-sorpresa naman si Delsin dahil may iba pa palang anak si Cynthia, pero hindi naman niya pinahalata dahil nahihiya rin siya. Nakinig lang siya sa mga bilin ni Cynthia sa kanya. Pinakita ni Cynthia sa kanya kung saan naliligo si Albert at ‘yong mga damit niya. Nakinig din naman si Delsin doon. Tutok na tutok si Delsin sa mga sinasabi ng amo niya sa kanya. “Kapag may mga bagay ka pa na gustong itanong, itanong mo lang sa akin ah? Sasabihin ko naman sa’yo ang mga bagay na kailangan mong malaman kay Albert,” nakangiti si Cynthia sa kanya. “Opo, at least alam ko na po ‘yong mga bagay para sa kanya. Okay na po iyon,” sagot ni Delsin. Binigyan ni Cynthia si Delsin ng gamot ni Albert para daw kapag kailangan ng anak niya ng gamot ay may hawak na agad siya at hindi na kailangan pang pumunta sa kwarto ni Albert. Habang tulog si Albert sa kwarto niya ay nilinis muna ni Delsin ang paligid. Dahan-dahan lang siya sa kanyang paglalakad para hindi maistorbo ang kanyang alaga. Isa pa, baka magwala ulit ito kapag nagising kaya takot na takot siya. Sa totoo lang, sa loob-loob ni Delsin ay hindi niya alam kung anong buhay ang meron siya sa mga oras na ito pero alam din niya sa sarili niya na kakayanin niya iyon dahil kailangan niya ng trabaho. Inspirasyon niya sa buhay si Nanay Ising kaya gagawin niya ang lahat para bigyan ng magandang buhay ang pinakamamahal niyang ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD