Chapter 40

1227 Words
Agad na pinapasok ni Tonyo si Vanessa sa jwarto para doon kausapin. Alam naman ni Vanessa na iyon ang gagawin ni Tonyo at handa naman siya lagi doon. Ilang beses na siyang pinagsasabihan ni Tonyo pero hindi naman siya nakikinig, e. “Ano ba ‘yong sinabi mo sa kanya? Akala mo, hindi ko rinig? Kung anu-ano na naman nalabas sa bibig mo ah. Mabait naman si Delsin, huwag mo siyang sasabihan ng ganoon simula ngayon,” malinaw na sabi ni Tonyo kay Vanessa. “Bakit mo ba kasi tinutulungan kasi ‘yan? Haynaku, gagawin ko na lang kung ano ang pinapagawa mo sa akin pagkatapos tapos na ha! Ayaw ko na,” sagot ni Vanessa at lumabas na sa kwarto. Nagulat naman si Delsin nang lumabas si Vanessa mula sa kwartong iyon. Napatayo na lang siya. “A-Aalis na ba tayo?” mahinang tanong ni Delsin, natatakot na kay Vanessa dahil sa mukha nito. Inis na inis kasi ang itsura. “Oo, halika na.” Hindi na nagsalita si Delsin, sumunod na lang siya kay Vanessa palabas ng bahay ni Tonyo. Kasunod naman nila si Tonyo at nakapag-paalam pa nga si Delsin sa kanyang kaibigan. “I-text mo na lang ako kung tanggap ka o hindi ha,” sabi ni Tonyo. “Oo, sige. Salamat.” Hindi naman kinausap ni Vanessa si Delsin habang papunta sila sa bahay ni Cynthia dahil inis nga siya rito. Ramdam na ramdam tuloy ni Delsin na ayaw sa kanya ng pinsan ng kaibigan niya at mabigat para sa kanya iyon. Nang makarating na si Delsin at Vanessa roon sa bahay ni Cynthia ay pinapasok sila ng kasambahay. Nasa edad kwarenta na ito kung titingnan. “Tatawagin ko lang po si Ma’am Cynthia, umupo po muna kayo dyan. Saglit lang po ah,” sabi noong kasambahay at umalis na para tawagin si Cynthia. Umupo naman sa sofa sina Vanessa at Delsin tulad noong sinabi noong kasambahay. Tahimik lang ang paligid kaya hindi rin sila makapag-ingay. Hindi maintindihan ni Delsin pero may iba siyang nararamdaman sa bahay na iyon. Para bang hindi siya komportable roon. Kung hindi lang niya kailangan ng trabaho ay aalis na agad siya kahit na hindi pa niya nakikilala ‘yong Cynthia, pero kailangan kasi niya ng trabaho kaya magtitiis muna siya. Saka, naisip niya rin na baka naman mawala ang nararamdaman niya na iyon sa mga susunod na araw kung sakali man na makapasok siya sa trabaho niya dito. Ilang minuto pa ay lumabas na si Cynthia. Ngumiti siya kina Delsin at Vanessa at umupo rin doon sa sofa. “Lalaki ka pala. Hindi naman sinabi sa akin ni Tonyo, pero ayos lang din. Mukhang mas okay nga iyon kaysa sa babae ang kuhanin ko para sa anak ko,” nakangiting sabi ni Cynthia. “Bakit po? May problema po ba?” nagtatakang tanong ni Delsin kay Cynthia. “Ah, wala naman. Mamaya, malalaman mo kung bakit ko nasabi iyon,” tipid na ngumiti ulit si Cynthia kay Delsin. Si Vanessa ay wala namang kibo dahil alam na niya kung bakit iyon ang sinabi ni Cynthia. Ang anak kasi ni Cynthia ay madalas na nagwawala kahit na twenty four years old na ito. Hindi naman nila alam kung bakit dahil hindi nagsasalita ng ayos ang anak niya. Kaya nila kailangan ng mag-aalaga. “Ah, sige po,” tipid na sagot ni Delsin. “Hindi na kita i-interviewhin pa dahil kilalang-kilala ko naman ang taong nagpasok sa iyo rito. Pagkakatiwala ko sa iyo ang bahay, ang anak ko at kung anu-ano pa rito ha? Huwag mo sanang sisirain ang tiwala ko,” sabi ni Cynthia kay Delsin. “Oo naman po, hinding-hindi ko naman po sasayangin ang oportunidad na binigay niyo po sa akin. Maraming salamat po,” masayang sabi ni Delsin. “Kung pwede, bukas ka na magsimula ha? Ngayon, kukunin mo muna ang gamit mo roon kina Tonyo pagkatapos ay babalik ka na rito,” malinaw na sabi ni Cynthia. “Oo, sige po. Walang problema,” sagot naman ni Delsin, masayang-masaya siya dahil tanggap agad siya sa trabaho. Iyon nga lang, hindi pa rin niya alam kung ano nga ba talaga ang trabaho niya. Wala naman kasing nabanggit si Tonyo sa kanya kanina, e. Gusto man niyang magtanong kay Cynthia ng mga detalye kung ano ang gagawin niya talaga roon eh nahihiya siya. Pagkatapos noon ay umuwi muna si Delsin sa bahay ni Tonyo para kunin na ang gamit niya at makapagpaalam na rin sa kaibigan niyang si Tonyo. Kinabukasan, naunang magising si Delsin, sumunod si Tonyo. Doon na nagkaroon ng tyansa si Delsin para magtanong na kay Tonyo ng mga bagay-bagay. Maigi na matanong na niya iyon bago siya tuluyang pumasok doon. “Tonyo, pwede ba akong magtanong?” medyo kinakabahan na si Delsin. “Oo naman, ano ba iyon? Saka, ngayon na nga pala ‘yong unang araw mo sa trabaho, ano? Ingat ka ha, mabait naman si Cynthia. Alam kong tatagal ka naman roon,” nakangiting sabi ni Tonyo pagkatapos ay uminom siya ng kape niya. “Ah, tungkol na nga roon ang itatanong ko sana. Ano ba ang gagawin ko doon? Hindi naman kasi niya sinabi ng deretso, e. Pero nasabi naman niya na may anak siya. Pwede mo ba ako kwentuhan tungkol doon? Para naman may alam ako tungkol sa kanila bago ako pumasok,” sabi na lang ni Delsin, pero sa totoo lang ay may hindi na siya magandang nararamdaman. “Ah, ‘yong anak niya siguro ang aalagaan mo. Ang sabi kasi sa akin ni Cynthia noon eh may problema daw sa pag-iisip ang anak niya kahit pa matanda na ito. Sa tingin ko naman ay kaya mo iyon dahil lalaki naman ang anak niya, e.” “Ah, iyon pala ang ibigsabihin niya noon. Sabi kasi niya, akala raw niya ay babae ang ipapasok mo na kasambahay. Pero sabi naman niya, mabuti na rin daw na lalaki kasi nga lalaki ang anak niya,” sagot naman ni Delsin. “Eh, kaya mo ba ‘yon? Sabihin mo na kung hindi, para may tyansa ka pang hindi pumasok doon ngayon dahil nandito ka pa,” sabi ni Tonyo sa kanyang kaibigan. “Ah, sa tingin ko naman ay kakayanin ko iyon. Sabi mo naman, malaki na ‘yong anak niya kaya hindi na siguro ako mahihirapan pa. At saka kung kailangan ko talaga ng trabaho, hindi ako dapat na magreklamo, hindi ba?” sabi ni Delsin, pinapalakas niya lang ang loob niya pero may takot talaga siya na nararamdaman. “Oo naman, kaya mo iyon. Lagi naman din kitang kukumustahin sa trabaho kaya kung may problem aka roon. Sabihin mo lang sa akin,” sabi ni Tonyo. “Hindi naman sila mataray, ano? Para kasing mataray si Ma’am Cynthia, e. Medyo natatakot ako sa kanya pero ayos lang din naman,” pilit na tumawa si Delsin para hindi siya kabahan. “Ah, oo. Mabait ang kaibigan kong ‘yon. Oras na magalit sa iyo ‘yon, ako ang bahala. Hindi siya uubra sa akin,” mahinang tumawa si Tonyo, para bang nagloloko siya. Pagkatapos ng usapan na iyon ay nag-ayos na si Delsin papunta sa bahay ni Cynthia. Hindi na siya nagpasama kahit na kanino dahil alam naman na niya kung saan siya dadaan. Iniisip pati niya na baka magalit na naman si Vanessa sa kanya oras na nagpasama siya rito. Todo dasal siya na sana nga ay maging maayos ang mga bagay-bagay sab ago niyang trabaho. Pinangako niya sa sarili na kahit ano pa ang harapin niya roon ay kakayanin niya para sa Nanay Ising niyang naghihintay sa kanya sa Bicol.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD