Chapter 77

1151 Words
Dahil hindi naman niya kilala ýong babae na iyon ay nanginginig ang buong katawan niya habang nakatingin doon sa babae. Hindi niya alam kung ano ang isasagot dahil ang nasa isip ni Delsin ay baka masama itong tao. Kakasabi lang din ni Alexis sa kanya na mag-ingat siya sa mga tao sa paligid niya kaya hindi siya makasagot agad sa tanong nito. ‘’Naku, huwag na po. Ayos lang naman po sa akin na ganito ang trabaho ko. Sa katunayan po niyan, unang araw ko lang po ngayon sa trabaho ko eh,’’ pinilit ni Delsin na ngumiti kahiy na takot na takot na siya roon sa babae. Napansin noong babae na hindi kumportable si Delsin sa kanyang pwesto, kaya naman sinabihan niya ito para kumalma. ‘’A-Ah, kung iniisip mo na masamang trabaho ang ibibigay ko sa iyo eh nagkakamali ka. Hindi naman ako ganoong tao,’’ sagot naman noong babae. Nahiya si Delsin dahil sa sinabi noong babae. Inayos niya ulit ang kanyang itsura para hindi na mahalata noong babae na natatakot siya. ‘’H-Hindi naman po sa ganoon. Nahihiya po ako kasi hindi ko naman kayo kilala, tapos tutulungan niyo po ako bigla? Bakit po? Para saan?’’ pagtataka ni Delsin doon sa babae. ‘’W-Wala lang naman. Hindi ko rin alam kung bakit eh. Parang may something sa iyo na gusto kong malaman. Ano? Pwede ba kitang makausap nang masinsinan?’’ sabi noong babae, mas malumanay na siyang magsalita ngayon kaysa kanina, kaya maayos din ang sagot ni Delsin sa kanya. ‘’A-Ah, pwede po bang pag-isipan ko muna? Biglaan po kasi. Pasensya na po kayo,’’ sabi ni Delsin, nahihiya roon sa babae. May lungkot sa mga mata noong babae pero pinilit nitog ngumiti kay Delsin. ‘’A-Ah, oo naman. Lagi ka bang nandito sa pwesto mong ito? Baka kasi hindi kita mahanap sa susunod eh,’’ tanong noong babae. ‘’A-Ah, sige po. Kapag ganitong oras, pupunta po ako rito. Kapag nakita niyo po ako ulit sa isang araw, saka po tayo mag-usap. Ayos lang po ba iyon?’’ sagot ni Delsin. ‘’O-Oo naman. Sige, pupunta na lang ako rito sa susunod,’’ sabi noong babae. Aalis na sana ýong babae pero napatigil ito dahil para bang may nakalimutan itong sabihin kay Delsin. ‘’Oo nga pala, Selena ang pangalan ko. Ito ang calling card ko,’’ sabi ni Selena pagkatapos ay binigay ang calling card kay Delsin. ‘’Ah, opo. Sige po. Delsin Marquez naman po ang pangalan ko,’’ pakilala ni Delsin kay Selena. Dumaan ang buong araw at nakapag-benta naman si Delsin at Alexis ng ice cream at taho. Nang pauwi na sila ay biglang nagsalita si Delsin, naiisip pa rin kasi niya ang babae na nakausap niya kanina. ‘’Pare, may babaeng lumapit sa akin kanina-‘’ natigil ang pagsasalita ni Delsin dahil sumagot agad si Alexis sa kanya. ‘’Maganda ba? May crush sa iyo?’’ birong tanong ni Alexis kay Delsin. Natawa naman bigla si Delsin dahil sa sinabi ni Alexis sa kanya. Agad niyang sinagot ang kaibigan tungkol dito. ‘’Crush? Ano namang kalokohan iyan? Naku, kung anu-ano ang sinasabi mo ah,’’ sabi ni Delsin pagkatapos ay ngumiti kay Alexis. ‘’Eh, ano mo ba kasi iyon, ah? Sabihin mo nga sa akin. ‘Yong malinaw, ah?’’ sabi ni Alexis. Inisip muna ni Delsin ang mga bagay-bagay bago tuluyang sumagot kay Alexis. ‘’May babaeng bumili sa akin ng ice cream kanina. Sa palagay ko, mayaman naman siya. Noong bumili siya sa akin ay hindi na siya umalis doon. Umali slang siya noong tinanong ko siya kung bakit siya nandoon,’’ sabi ni Delsin, hindi pa man tapos ang sinasabi niya ay sumagot na naman si Alexis. ‘’Eh di, gusto ka nga noon. Wow, pag-ibig na talaga yata iyan ah? Ano sa tingin mo?’’ Napailing na lang si Delsin sa sobrang kulit ni Alexis. Pinagpatuloy na lang niya ang pagke-kwento sa kaibigan. ‘’’Hindi nga. Patapusin mo muna kasi ako. Kaya raw siya naroon ay dahil gusto niya akong bigyan ng trabaho. Ang sabi pa nga niya eh kung pwede daw na kausapin niya ako nang masinsinan. Syempre, natakot ako. Hindi ko naman siya kilala kasi eh,’’ kwento ni Delsin. ‘’Oh, eh nasabi ba niya sa iyo kung anong trabaho ang gusto niyang ipagawa sa iyo? Saka, ilan taon nap ala ýong babae?’’ sunud-sunod na tanong ni Alexis kay Delsin. ‘’Iyon na nga eh, hindi niya nasabi kasi sinabi ko sa kanya na balikan na lang ulit niya ako dahil biglaan ang lahat,’’ sagot naman ni Delsin, iniisip pa rin kung ano ba talaga ang magiging desisyon niya tungkol doon. ‘’Eh naku. Sayang. Baka naman hindi ka na balikan noon. Sabi mo pa naman, mukhang mayaman. Baka iyan na ang maging kasagutan sa lahat ng hirap mo rito sa Maynila,’’ sagot ni Alexis. ‘’Mukha namang babalikan niya ako. Isa pa, binigyan niya ako ng calling card niya eh. Ito oh,’’ sabi ni Delsin at kinuha ang calling card ni Maám Selena sa kanyang bag at binigay iyon kay Alexis. ‘’Selena Diaz? Pamilyar sa akin ang pangalan na ito. Hindi ko lang alam kung saan ko siya narinig,’sabi ni Alexis habang nakatingin sa calling card ni Selena. ‘’Mukhang mayaman talaga iyan ah. Taga saan kaya iyan? Sayang, hindi ko nga natanong. Baka kasi mamaya, masamang tao na naman iyan eh,’’ may takot na si Delsin sa kanyang boses noong sinabi niya iyon. ‘’Hayaan mo na. Kakausapin ka naman niyan kung gusto ka talaga niyang bigyan ng trabaho, hindi ba? Sa ngayon, maghintay ka muna.’’ Tumango na lang si Delsin kay Alexis bilang tugon. Buti na lang at malapit na sila roon sa kaibigan ni Alexis kung saan nila ibabalik ang cart kung saan nakalagay ang ice cream at ‘yong taho. ‘’Naku, kapag maayos itong trabaho natin eh makakapagpadala na ako sa Nanay Ising ko. Tiyak na matutuwa iyon kapag nakapag-padala na ako sa kanya ng pera,’’ masayang sabi ni Delsin. ‘’Ako naman, kapag nakaipon na ay pupuntahan ko ulit si Oryang sa loob ng kulungan. Hindi kasi mawala sa isip ko ýong itsura niya noong pinuntahan ko siya eh,’’ sagot naman ni Alexis sa kanya. Tumahimik na lang si Delsin. Tahimik siya kapag tungkol kay Oryang ang sinasabi ni Alexis dahil nga isa siya sa mga taong nagging dahilan kung bakit nandoon si Oryang. Alam niya na magagalit si Oryang oras na malaman na siya ay kasama na naman ni Alexis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD