Chapter 76

1222 Words
Doon na nga tumira pansamantala si Delsin sa bahay ng nanay ni Alexis. Ilang araw na rin siya rito at ayos naman siya. Mabait pa rin sa kanya si Alexis kahit na marami na ang nangyari sa kanilang tatlo ni Oryang. Nasabihan na rin si Delsin na magbebenta sila ng ice cream at taho ni Alexis. Pumayag naman siya dahil nga wala siyang trabaho. Ayos lang rin naman dahil mainit ang panahon ngayon at tiyak nila na magiging maayos ang kita nila roon. ‘’Saan mo pala nalaman ito? Salamat at sinama mo ako,’’ sabi ni Delsin kay Alexis. ‘’Ah, sa kaibigan ko. Nagpaparenta kasi siya ng mga ganito kaya iyon, tinawagan niya ako para tulungan. Nalaman niya kasi na kailangan ko ng pera dahil nga nakulong si Oryang at wala na kaming panggastos ng anak ko,’’ sagot naman ni Alexis. Sa di inaasahan, naalala ni Delsin ang pera na binigay ni Maám Beverly sa kanya. Iniisip niya kung nasaan na ang pera at kung may natira pa ba rito pero nahihiya naman na siyang itanong pa kay Alexis ang bagay na iyon kaya tumahimik na lang siya. Sa di inaasahan, napansin naman iyon ni Alexis kaya agad niyang tinanong kay Delsin kung may problema ba sila. Napansin kasi rin niya na hindi mapakali si Delsin. ‘’Anong problema natin? Bakit ganyan ang itsura mo ngayon? Hindi mob a gusto ang ganitong trabaho?’’ tanong ni Alexis kay Delsin. ‘’A-Ah, eh wala naman. Naisip ko lang kasi ýong pera na binigay ni Maám Beverly sa akin na kinuha ni Oryang. Naisip ko lang naman kung nagastos niyong lahat iyon,’’ napatigil si Delsin sa kanyang sinasabi pagkatapos ay napatingin kay Alexis. ‘’Hindi naman sa nangingialam ako. Naisip ko lang naman dahil sinabi mong wala na kayong panggastos ng anak mo. Bakit hindi mo iyon gamitin?’’ dagdag niya. ‘’Ah, ýong tungkol ba roon? H-Hindi pa naman ýon ubos. Ayaw ko lang galawin dahil hindi ko naman pinaghirapan iyon. Sa iyo ýon eh, ‘’ sabi ni Alexis. ‘’A-Ah, ayos lang naman sa akin kung gamitin mo na iyon. Para naman sa bata, hindi sa masama kaya ayos lang sa akin iyon. Isa pa, ayaw ko naman talaga roon dati pa, ah?’’ sabi ni Delsin. ‘’Alam ko namang mabait ka, Delsin. Kaya lang, ayaw ko talagang gamitin ang pera mo. Alam mo, buti nga at nahanap kita eh. Ibabalik ko na ang pera mo sa iyo, buti na lang at pina-alala mo,’’ sabi ni Alexis. ‘’Ano ka ba naman? Ayos nga lang, basta sa bata mo gagamitin. Papayag ako,’’ nakangiting sabi ni Delsin. ‘’Naku, Delsin ha. Baka iyan pa ang pag-awayan natin. Basta, ibibigay ko sa iyo iyon. Tapos na ang usapan. Ngayon, mag-trabaho na tayo para maaga tayong makauwi, ha?’’ sabi naman ni Alexis, tumango na lang si Delsin bilang tugon at hindi na sumagot pa. Pero nasa isip na niya ang lahat. Papayag siya na maghahati sila roon sap era na natira ni Oryang para may ipanggastos si Alexis sa kanyang anak. Nagu-guilty kasi si Delsin na siya ang dahilan kung bakit nasa kulungan ngayon si Oryang. Feeling niya, may kailangan siyang gawin. Marami namang tao ang nabentahan nila ng ice cream dahil nga mainit ang panahon. Ang ilang customer ay bumili naman ng taho kahit tanghali nang nagbenta sina Delsin at Alexis. ‘’Sa susunod pala, aagahan na natin ang punta rito. Mas marami sigurong bibili ng taho kapag mas maaga tayo. Pang-umagahan kasi talaga ito eh,’’ sabi ni Alexis kay Delsin. ‘’Oo nga, buti nga at may bumili pa rin kahit na tinanghali na tayo,’’ sagot naman ni Delsin, pagkatapos ay may pinagbigyan siya noong ice cream. Naglakad-lakad pa sila. Nang wala nang makita na mga bagong customer ay napag-usapan nila na baka naman pwedeng maghiwalay muna sila para mas marami silang maging kita. ‘’Dyan ka, dito ako. Tapos, magkita na lang tayo mamayang hapon kapag kakain na tayo, ah? Ingat ka pare. Alam mo na, maraming magnanakaw rito sa Maynila. Baka mabiktima tayo agad. Lalo na ng mga bata,’’ sabi ni Alexis kay Delsin. ‘’Oo, sige. Mag-iingat naman ako. Magkita na lang tayo mamaya, ah? Dito na rin tayo magkita para kumain. May nakita akong karinderya na malapit dyan, e.’’ Tumango na lang si Alexis bilang tugon pagkatapos ay naglakad na papalayo, ganoon din naman ang ginawa ni Delsin. Ilang minuto pa lang ang nakakaraan ay may bumili na agad kina Alexis at Delsin. Tuwang-tuwa tuloy sila ngayong unang araw palang nila sa ganoong trabaho. May dumaan na kotse sa tapat ni Delsin, binaba nito ang kanyang bintana at tinawag si Delsin. ‘’Utoy, magkano iyan? Pabili naman ako,’’ sabi noong ale na nasa edad trenta na kung titingnan. ‘’Sampu po,’’ sagot ni Delsin. Sa totoo lang, gulat na gulat si Delsin doon sa babae dahil ang yaman-yaman ng pustura nito pero bumili ito sa kanya ng dirty ice cream. Para kay Delsin, ang simple lang ng babaeng nasa harapan niya ngayon kung tutuusin. Napangiti na lang bigla si Delsin. Binigyan na ni Delsin ng ice cream ‘yong babaeng customer, pagkatapos ay nagbigay na ng sampu ýong babae kay Delsin. Akala ni Delsin ay aalis na ito pero nagtaka siya dahil naubos na ang ice cream na kinakain nito ay hindi pa rin ito naalis sa pwesto niya. May ibang customers na dumating pero nandoon pa rin ang babae. Hindi na napigilan ni Delsin ang magtanong doon sa babae kung bakit hindi pa rin ito naalis doon. Isa pa, nakita kasi niya na todo tingin sa kanya ang babae kaya feeling niya eh kailangan niyang magtanong. ‘’Sorry po, pero bakit hindi pa po kayo naalis? Kanina pa rin po kayo nandito, hindi po ba?’’ sabi ni Delsin, napapikit na lang siya dahil mukhang hindi maganda ang pagkakasabi niya roon sa babae. ‘’Ah, napansin mo pala. Nakita kasi kita at mukhang may bagay na trabaho ako para sa iyo. Iyon ay kung tanggapin mo ang offer ko, ah? Ano? Ayos lang ba sa iyo?’’ sagot naman noong babae sa kanya. ‘’Ano pong trabaho iyon, Maám?’’ tanong naman ni Delsin. ‘’A-Ah, pwede ba natin itong pag-usapan, privately?’’ tanong noong babae sa kanya. ‘’Privately? Ano po iyon?’’ tanong ni Delsin. Dahil sa mahina siya sa English ay hindi niya maintindihan ang sinabi sa kanya noong babae. Kahit naguguluhan ay sinagot pa rin siya noong babae na kausap niya. ‘’A-Ah, privately. ‘Yong tayo lang na dalawa ang mag-uusap. Ayos lang ba iyon sa iyo?’’ tanong noong babae kay Delsin. Dahil hindi naman niya kilala ýong babae na iyon ay nanginginig ang buong katawan niya habang nakatingin doon sa babae. Hindi niya alam kung ano ang isasagot dahil ang nasa isip ni Delsin ay baka masama itong tao. Kakasabi lang din ni Alexis sa kanya na mag-ingat siya sa mga tao sa paligid niya kaya hindi siya makasagot agad sa tanong nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD