CHAPTER 38

1940 Words

SPENCER Nakatitig ang binata kay Hillary na mahimbing ng natutulog. Naalala na naman niya ang nasaksihan kanina. Kung hindi lang siya maagang nakarating baka ginahasa na ang dalaga ng dalawang lalaki. Kitang-kita niya kung ano ang pinaggagawa ng mga ito sa ex-girlfriend niya. Biglang nandilim ang paningin niya at wala sa oras nakipagbasag-ulo siya sa mga ito. Buti na lang may umawat sa kanila kung hindi baka makapatay pa siya. Nagpapasalamat siya na may isang babaeng tumawag sa kanya para lang sabihin ang sitwasyon ni Hillary. Tumawag na rin ng pulis ito. "Hindi ka pa rin talaga nadala. Palagi ka na lang umiinom at may ganitong eksena ang magaganap. Mahilig kang magliwaliw, pero hindi mo naman alam kung ano na ang nangyayari sa’yo. Wala kang pakialam kung may masamang mangyari sa’yo,"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD