Nginisian lang ako ng gag0 at maingat na inihiga sa hospital bed. "I will let you know once confirm, okay?" napapikit ako nang dampian niya ako ng halik sa noo. Sinundan ko siya ng tingin no'ng tumayo siya at tinungo ang pintuan. "Saan— anong gagawin mo?" nagsalubong ang kilay ko pagkatapos niyang i-lock ang pinto. "Hindi mo nga ako nagawang kumustahin tapos mamanyak1n mo na naman ako ha? No! Ayoko! May cctv dito!" inilibot ko ang tingin sa lugar sabay takip ng dibdib ko gamit ang mga palad. "Nah, wala baby. Alam ko na ang kalagayan mo no'ng unconscious ka pa lang, baby. Never nahuli sa balita pagdating sa Avi-lovey ko na 'yan." Pagmamayabang pa niya. Inikutan ko siya ng mata. "Pero hindi mo talaga ako tatanungin? Akala ko pa naman may emotional intelligence, wala rin pala." Pagpaparini

